G ★ 2

16 1 0
                                    

Nagising ako sa isang lugar na kailan man ay hindi ko inaakalang makikita ko ng ganito kaaga.

I mean, ganito kabata.

Hindi naman ako masyadong bata pero nakakasiguro ako na kung sa batayan ng mga tao ang pagbabasehan.

Napakabata pa ng edad ko dese otso anyos para mamatay.

Dahan-dahan akong bumangon.

"Buti naman at nagising ka na."

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero hindi ko iyon nakita.

"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

"Nandito ako."

Nagulat ako ng biglang may tumalong pusa sa kung saan papunta sa kama ko.

"Hi!"

Wahhhhh! Nagsasalita ang pusa!

"Bakit marunong kang magsalita?!"

"Kasi special akong pusa....?" Hindi sigurado niyang sagot.

"Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Special akong pusa kaya nakakapagsalita ako. Ayan, wala ng question mark. Okay na? " may pang-uuyam niyang saad.

Mmmmpphh! Taray.

"Nasaan ako? Bakit puro puti dito? Ospital ba ito? Bakit walang nurse? Bakit walang pintuan? Hala! Pano tayo makakaa----"

"Sandali! Magdahan-dahan ka naman sa pagsasalita. Una napa-mmmm lang ako tapos napa-huh? The rest hindi ko na talaga naintindihan puro na lang blabla blabla. " Napabuntong hininga pa siya pagkatapos niyang magsalita habang ako nganga lang.

Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita ang puting pusa. Oo, puti siya, kaya nga hindi ko siya nakita agad.

"Makinig ka't sasabihin ko kung bakit ka naririto."

******************************

20 votes for next update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glance [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon