Chapter 1

5.6K 205 41
                                    

Shelly POV

" Shelly!! Yung mga dadalhin ko para sa concert dalhin mo aalis na tayo may rehearsal pa ako bilis! Ang bagal bagal mo!! " pasigaw na utos sakin ng ate ko.

" opo ate! Kukunin ko na po " kinuha ko na nga yung mga dala niya at dali dali bumaba galing kwarto niya.

Ako nga pala si Shelly Lin Scott. Yup! Tama nga nabasa niyo Lin Scott kapatid ng isang napaka sikat na singer na si Amanda Faye Lin Scott. Pero walang nakaka alam nun. 17 na ako at malapit na maging 18, 3 months na nga lang birthday ko na.

Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sakin isa lang masasabi ko ' kabaliktaran ako ng ate ko '

Hindi kagaya niya na sikat, maganda, matalino, maganda ang boses, sexy at hinahangaan ng lahat sa simpleng salita simple lang ako. Pero gustong gusto ko ang musika.

Ang sabi nga nila kung walang musika walang kulay ang mundo tama ba? Kaya nga idol ko ate ko ang ganda kasi ng boses niya. Kahit humming nga lang ginagawa niya mapapalingon ka at makikinig. Di tulad ng sakin na makabasag pinggan wala pa may nakakarinig ng boses kahit ni isa sa pamilya ko.

" Bilisan mo Shelly!! Ambagal bagal mo! " hays kahit nag iba na ugali ng ate ko mahal ko parin yan.

" opo opo " pagkababa ko ng hagdan tumalikod na kaagad siya at lumabas na ng pinto. Sinundan ko naman ito.

Pumasok na kami ng kotse niya sumakay siya sa may likod at ako naman pagkatapos kong ilagay ang mga gamit niya sa may likuran ng kotse sumakay na ako katabi ni Manong driver.

Umandar na ang kotse habang nasa daan binuksan ko ang bintana sa gilid ko at tumingala sa kalangitan.

Gabi na at ang ganda ng mga bituin sa kalangitan at ganun din ang buwan.

Na nindig ang balahibo ko ng makita ko ang buwan dahil full moon ito. Napatingin naman ako sa relo ko at 7:27 na.

Blood Moon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon