C

2.4K 137 1
                                    

Shelly POV

" urrrgg " ang sakit ng katawan ko. Para akong bagong panganak. JOKE. Pero seryoso ang sakit talaga.

Napabangon ako sa kama ko.

Kama ko?! Wait paano ako na punta dito? Diba nasa-- nasa likod ako ng arena kagabi? At-- at oh my! ikatlong buwan pala kagabi.

Kinapa kapa ko ang aking katawan, napabuntong hininga naman ako dahil wala naman akong kakaibang nangyari sa katawan ko.

Bumangon nalang ako at hinanda ang uniform ko, inilagay ko iyon sa kama at pumasok na sa cr ng kwarto ko. Naghubad na ako pan itaas.

Napabuntong hininga ako.

" bakit nararanasan ko ang mga kaweirduhan na to? Abnormal ba ako? Di ba ako normal? " hinawakan ko ang tattoo ko sa may kanang bahagi ng ligod ko " siguro nga abnormal ako " at naligo na ako.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at nagsuklay bumaba nadin ako pagkatapos. Nadatnan ko na inaayos ni Manang Celia ang hapagkainan.

" oh Shelly kain kana, mallate ka na sa klase mo "

" opo manang " at nagsimula na akong kumain.

Si ate aya? Siguro tulog pa dahil napagod sa concert niya. Iisang school lang kami pero di kami nag kikibuan doon. May VIP treatment si ate aya sa school sikat eh.

Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako kay manang at umalis na.

Naglakad lang ako papuntang school malapit lang kasi ito.

Habang naglalakad may naramdaman ako na parang may sumusunod sakin kaya napapalingon ako sa tuwing nararamdaman ko yun. At kapag napapalingon ako wala naman akong nakikita, kaya binilisan ko ang paglakad habang pasilip na tinitignan sa likuran ko.

*bogs

" aray! " may nakabangga ako kaya na out balance ako. Napapikit ako kasi akala ko matutuba na ako pero may naramdaman akong kamay na humawak sa isang kamay ko at meron din sa likuran ko. Kaya napamulat ako.

" K-kuya Sam! " gulat kong banggit sa pangalan niya.

" oh Shelly bakit di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Ayan tuloy muntik kana matumba " inalalayan niya ako tumayo ng maayus.

" s-salamat po kuya "

" haha ok lang basta para sayo " and he wink at me. Namula naman ako.

" haha ang cute mo talaga, tara sabay na tayo pumasok " anya niya, magsasalita na sana ako kaso hinila na niya ako. -___-"

wow fantastic si bebe.

--

Note!!

Kapag nasa mga alphabet ang chapter maikli lang ang laman nito.

Thank sa vote and comments :))

Blood Moon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon