Bully Four (Exchange Student)

32 8 4
                                    

Nanlulumo si Joice sa nalaman nya mula sa kakambal. Akala nya'y nakatakas na sya mula sa ka-bully-hang taglay ng kakambal ngunit hindi pala.

REJOICE ANNE'S POV

"Kambal nga kami."

Nanlulumo ako. Sayang lang pagtakas ko sa kanya. Ang malditong bully na yon. Sabi ni Mommy, bakasyon lang ang gagawin ni Kuya Rage. Exchange student pala sya ng dating school na pinasukan ko. Ahuhuhuhu! Ka-sad! I'm sure mang gugulo na naman sya. Nagpalit muna ako ng damit at agad kong dinial number ni Mommy. Ayoko. Maloloka ako kung makakasama ko si Kuya Rage sa bahay!

Dialing...

Mom

"Hello Mommy... Bakit andito si Kuya Rage sa pinas? Akala ko ba dyan lang sya? Mommy naman e. Umuwi nga ako dito para malayo kay Kuya e."

Nagbuntong hiniga na lang si Mommy. Sign na hindi nya rin napigilan si Kuya. Kaya nga eto sya sa pinas mang bu-bully.

"Nagprisinta kasi si Lachlan mo na sya na ang ipalit sa Exchange Student na nagback out sa Woodshire."

"Alam mo ba Mommy kanina. Sinabuyan nya ako ng tubig! Hindi lang basta tubig, malamig na tubig! Hindi lang yon nabuhasan at mas nabasa yung classmate ko! Nakakainis talaga si Kuya...*sigh*"

"Joice Anne, wala ako dyan para tabasin ang sungay ng kakambal mo. Kaya please kung kaya mo, do it for me. Iiwas mo sa gulo yang pasaway mong kakambal."

*ting!* Hmmmm.. May naisip ako.

"Ma, hindi ako ang tatabas ng mahabang sungay ni Kuya Rage. Someone will do it for me. Hahahaha!"

"Anak, kanina lang problemado ka sa kakambal mo ngayon kung tumawa ka akala mo naman naputol mo na ang sungay at buntot nyang si Lachlan."

Iku-kwento ko ba yung karma ni Kuya? Hmmm... Sige ikukwento ko kay Mom!

"Kasi Mommy, kanina di ba nabanggit ko sayo na sinabuyan nya ako ng tubig pag bukas ng van. Ang pinaka nabasa kasi yung kaibigan ko. Ayun nagantihan si Kuya! Asar na asar pag uwi naligo kaagad! Ahahahah!"

"Teka Joice, anak ano bang ginawa ng kaibigan mo at naasar yang si Lachlan. Kilala mo yan minsan lang mainis yang kakambal mo."

"Binuhusan ba naman sya ng softdrinks sa ulo! Hahaha! Hindi na sya nakapag palit kasi umalis din agad kami sa school!Ginantihan ko nga nilakasan ko yung aircon."

"Aba, bihira lang may gumanti sa kakambal mo ah? Hindi ba nya alam kung gaano ka pilyo yang si Lachlan?"

"Alam nya Ma! Hindi lang makapaniwala. Hanggang sa nabasa sya kanina. Tawang tawa ako sa muka ni kuya kanina."

"Nako! I check mo yung kakambal mo. Sigurado may sakit yun."

Napahampas ako sa noo. Ng maalala kong mahina ang resistensya ni Kuya Rage. Madali syang kapitan ng common na sakit. Like lagnat, sipon, ubo.

"Ayy nako po!! I'll hang up na po! Check ko na si Kuya. Bye Mom! Iloveyou!"

"I love you too sweetie. Take care"

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Kuya Rage. Iche-check ko. Baka may sakit na naman sya. Sobrang lamig pa sa van kanina e basa pa sya. Siguradong may sakit yun!

Kinatok ko yung kwarto nya. Walang nasagot. Tinawag ko na si Manang Ising para buksan ang kwarto ni Kuya. Di nga kami nagkamali ni Mommy. May sakit na naman sya..

That Bully vs. MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon