Bully One (Enrollment)

116 10 5
                                    

Chapter One

Nagpaalam na ako kay Mama para umalis. Enrollment na ako na lang mag-isa ang umalis. Kaya ko naman na.

I'm Regine Romualdon, 18 years old, mag-eenroll ako for second year high school. Kinakabahan pa rin ako kahit na naka isang taon na ako dito sa BlueWood Academy. Iba pa rin kasi pag-umpisa ulit di ba? Hindi mo kilala yung mga magiging kaklase mo, makikisama ka ulit. Kaya ayoko talaga ng enrollment! Back to square one ka ulit!

Hays... Music please! Nakaka-stress naman isipin na enrollment na naman!

♪I'll be there one day and you'll be right next to me. When things are better I'll be coming back to you.♪

Tumakbo na ako papuntang admin office. Hello? Magkalalakad pa ba ako? Ang init kaya. Tirik na tirik si haring araw! Pag dating ko sa building may-

♪will you be where I am gir-

*boogsh!*

"Ay butiki! Araay... Sorry po!!!"

Ayan sabi ko nga may mababangga ako! Di kasi natingin sa dinadaanan e! Nakakatakot naman si Kuya ang sama ng tingin sakin. Yung dila ko umurong na ata. Di ko tuloy naisip na natunog pa yung earphones ko

"Okay ka lang ba?"

"Hah? A-ano opo Kuya salamat and sorry!"

Nakakabulol naman ang hitsura ni Kuya. *drools here* hala! Lande! Erase! Erase! Mag eenroll ka, hindi lalandi sa school. "Concentrate Gine! Mag-eenroll ka." I absent mindedly speak out. Tinulungan nya akong tumayo habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko. Weeeeew. Yung hiya ko. Ang init na tuloy!

"Okay lang, mag-eenroll ka rin ba? Tara sabay na tayo? Ahh by the way I'm Altan Cruz-Scott, you can call me Red"

"Ahh, pasensya na narinig mo pala yung sinabi ko. S-sige. Regine Romualdo. You can call me Ginny."

Ang bait naman ni Kuya! Akala ko ang sungit nya nung una. Nakasimangot kaya sakin. Buti sa gwapo ako bumangga kaysa sa pader! Ang sakit kaya nun! Eto at sabay na kaming pumasok sa Admin Office.

"Fill this up. Lahat ng may check. Ibalik nyo sakin pag tapos. Sa cashier na kayo sunod na pumunta."

"Second year ka din?"

"Ahh, oo e. Ikaw ba?"

Sinilip nya yung kulay ng form at nagtanong sya sakin pagkaabot samin ng enrollment form.

"Same color. Secondyear too. Anong section ang nasa form mo?"

"Diamond. Yung akin. Patingin ng sayo ah?"

Parehas kami ng section. Yes! May kaibigan na ako. Nawala sa isip ko na nasa tapat kami ng office kaya nagulat kami pareho ng may marinig kaming-

"Ehem! Excuse me, love birds."

"We're sorry."

Agad na nag-sorry si Red sa babaeng kaharap namin. At hinatak ako papuntang library, na katapat lang ng office na pinanggalingan namin. Magkaharap kami ngayon sa table at nauna akong matapos sa pag-fill up ng form.

"Bakit Red ang nickname mo?"

Umangat sya ng tingin mula sa papel. Tumitig muna sya sakin bago sumagot. Kaloka naman sya pasuspense effect pa e.

"Althan means Red Dawn."

"Ahh yun pala ibig sabihin nun. Akala ko ka-keme-han lang pangalang mo e."

Nagtataka syang tumingin sakin. May mali ba akong nasabi?

"Ka-keme-han? What is it?"

"Kaartehan. Weird. You know too much ... Ano basta yun na yun! Ang hirap naman i-english nun."

Satisfied naman syang tumango sa sagot ko. Nagets naman nya ata kasi ngumiti sya. Ni-review ko na lang yung form ko baka kasi may di ako nasagutan.

"Regine, means queen."

"Weh? Ang galing paano mo nalaman?! Ako nga di ko alam ibig sabihin ng name ko."

"Thanks to google. Hahahaha!"

Ang gwapo nya rin tumawa. Omygaad! Pag-e-enroll lang po pinunta ko sa school pero may gwapo pa akong kaharap ngayon! Thankyou lord! Yung tawa nya parang music. Pak! Ang sarap lamg pakinggan! Ahh. Hehehe. Lande lang eh no? Ang saya naming tumatawa dito ng makarinig ulit kami ng-

"Ehem*clear throats* Love birds wag kayong maingay na sa Library kayo."

Lumingon kami at nagulat ng makita yung babae na nakasalubing namin kanina eh nasa likod ko ngayon. At pinagti-tinginan na kami sa loob ng library. Wew. Ang dami pa lang enrollee ng BlueWood Academy ngayon, at nakatingin sila samin ngayon.

"Tara Red, pasa na natin yung form?"

"Sure."

"Hey, wait sama ako!"

Sumunod samin yung babae na ang kulit. Tinatawag kaming love birds. Parang sira e. Nakakakilig kaya! Ayy.. Landian mo pa! *erase erase*

"Anong name nyo love birds?"

"I'm Althan Scott. She's Regine Romualdon. And we're not love birds nor an item"

"Ayy ganun ba? Sayang bagay pa naman kayo. I'm Rejoice Anne Del Rio. Second year Diamond."

Ohh.. Kaklase din pala namin sya. Wag na kayong magtaka. Ang enrollment system dito e first come first serve. At dahil maaga akong nag enroll eto at Diamond section ang slot na napuntahan ko. Section 1 kasi yung Diamond.

"Diamond section din kami. You can call me Ginny."

"Call me Red."

"Tawagin nyo na lang akong Joy. Sama na ako sa inyo ha? Magkakakilala na naman tayo e."

And with that, sabay na kaming tatlo na nagbayad sa cashier. At saglit na nagkwentuhan bago umuwi.

Masaya akong umuwi sa bahay. At natuwa si Mama dahil Star section daw ang napuntahan ko. I'm so
Excited! Excited na ako sa pasukan. Ang saya talaga. May dalawa na akong kaibigan. Isang gwapo at isang maganda. Ako petite na maganda lang. Sorry na!

-----
Althan Red Dawn
Regine Queen
Rejoice Happiness

Music
Right Next To Me

Kimpoy Feliciano

Ikaw ba anong pangalan mo?

Try to search and comment down :)

I'm Marian, your author :*

Keep on reading. :)

Dedicated to

@Romualdon_10

:)

That Bully vs. MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon