chapter 8.start of something new

17 1 0
                                    

Rachelle's POV

Whooo! Ganda ng gising ko! Anong oras na ba? Pilit kong inabot yung alarm clock sa side table ko.

Oy.. 8:30 palang,..tulog ulit..teka, 8:30, OMG!!!!! Alas nuwebe nga pala ang first class ko. agad-agad akong tumakbo sa banyo at naligo. Anak ng tilapia na kinain ng butiki naman oh! Di ako pwedeng malate. Daig ko pa yata si Da Flash sa pagkilos eh.

Pagbaba ko, wala na si Daddy. Di na rin ako nagbreakfast. Paglabas ko, my jaw literally dropped.OO!! As in!! Pano ba naman nandito si Adrian!

" Nung ginagawa mo dito?!"

Nakasandal sya ngayon sa kotse nya at yung kamay nya us usual eh nasa bulsa nya. Pang commercial lang ang peg? Pero in fairness ang gwafu!! 

Aish!! Erase!erase!

" Hoy! Nakatunganga ka dyan?!! Gusto mo bang malate huh!!"

" Sabi ko nga , sasakay na ko!!" Di na ako nagpakipot noh! Malelate na ako eh. 

Pagdating namin sa school, lumabas agad ako ng kotse at pwede na ako sa amazing race sa sobrang bilis kong tumakbo. Hingal na hingal na ako pagdating sa room.

O____O 

Yan ang itsura ko nang makita kong walang tao sa room..

Eh? Nasan na sila?

Tumingin ako sa paligid nakita ko yung isa sa mga classmate ko.

" Excuse me classmate,..ah bat walang tao sa room natin?"

" Obviously,,wla tayong pasok ngayon. Nagkasakit daw kasi si Maam" sabay irap na sagot nya. Sabunutan ko kaya to!! Nakakainis ang sarap balatan ng buhay eh!

"Ah salamat. DI ko po kasi ALAM na wala tayong klase NGAYON. HINDI po ako ininform eh!!. Bwisit! Ang aga-aga nag-aalburuto ang mga neurons ko sa utak!

" Hindi ba sinabi sayo ng boyfriend mo? Si Adrian Alvarez, sya ang sinabihan ni Maam na walang pasok. Tsk! Girlfriend ka ba talaga nya??" Tiningnan pa talaga ako from head to toe. Parang alam ko na kung bakit asar to saken malamang isa din sya sa mga "FANS" ni Adrian bakulaw!

" Naku Miss! Wag mo kong titingnan ng ganyan. Mas maganda pa ang mga fingertoes ko kesa sa mukha mo! " 

Nakita kong namula yung mukha niya. At parang may usok na lumalabas sa ilong nya. hahahaha!!

" Talaga lang huh! Di ko akalain na palaban ka pala. Isa ka lang past time ni Adrian if i know!Di kayo bagay. Para ka lang nyang katulong!" sabi nya nakapamewang pa!

Sumosobra natong pusit na to huh. Ay hindi! Isa syang HIPON!! Oo !

" Wow! At anong tawag sayo neh??!! At least ako ginagawang past time eh ikaw kahit yata isang tingin di ka binigyan ni Adrian eh! And seriously? Ako mukhang katulong..ano ka nalang? Taga hugas ng pwet?! Dun ka kasi bagay eh!".

Mukhang umabot na sya sa boiling point nya at akmang susugudin ako. Pero may mga braso na pumigil sa kanya.

"A-Adrian..sya kasi ang nauna eh" parang puppy na sumbong nya kay Adrian. Bigwasan ko kaya to.

"Whatever!" Lumapit naman si Adrian saken at inakbayan ako.

" Let's go." Parang walang nangyari na sabi niya.

" You're really a bITCH Rachelle!!" sigaw nung si Hipon.Napantig ang tenga ko dun at sasagutin ko sana sya pero nagsalita na si Adrian.

" If you'll gonna say that again to my girlfriend, i'll break your bone. And don't mess with my girl dahil akong makakalaban mo." walang emosyon na sabi niya pero damang dama mo na seryoso talaga sya. Mukha naman natakot si Hipon kaya dali-daling umalis.

Love StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon