Chapter 5.

32 1 0
                                    

Chapter 5.

Rachelle's POV

" San ba to papunta?Kapag tayo nawala talagang ibibitin kita ng patiwarik!!" tingnan mo tong taong to. Sya na nga pasasayahin, nakuha pang magsungit.

" Hoy Mr. Adrian!! Kapag tayo nawala kasalanan mo po, kaw kaya nagdadrive!!" sabat ko naman. Nakakabanas na eh, panay ang reklamo.

" Eh hindi ko kaya alam san papunta tong dinadaanan natin, sumusunod lang ako sa directions mo!" nag-iinit na ang dugo ko huh.

"Magdrive ka na nga lang! Ang dami pang reklamo eh!" sabay pasak ng earphones sa tenga ko. Pang-iwas bwisit lang, for sure magrereklamo lang sya ng magrereklamo.

After 25 years, hahaha biro lang! Nakarating na din kami. Kitang-kita sa mukha niya na para syang galit na naguguluhan na ewan.Hahaha Ang linaw ng pagkadescribe ko noh.

"Ipikit mo mga mata mo" utos ko sa kanya. Syempre surprise nga eh.

" Ang daming arte eh! Madadapa ako sa ginagawa mo !!" 

" Hindi ka madadapa, ano ka ba. Trust me. " sabi ko . Seryoso naman ako eh, di ko sya hahayaang madapa.Hahaha pwera nalang kung umandar ang saltik sa utak ko.

"Fine!!" sabay pikit ng mata niya.

Waaahh!! Bakit para syang gumagwapo sa paningin ko???Eh!!Erase!Erase! Wala akong sinabi.Hmf!

" Nandito na tayo!! Open your eyes na!" excited na sabi ko.

"Ginugoodtime mo ba ako? May papikit pikit ka pang nalalaman. Dito mo lang pala ako dadalhin??!!" Atat lang?? Dinala ko kasi sya sa may burol na makikita ang buong city.

"Just watch and for sure kakainin mo yang sinabi mo." 

1...

2..

3...

ALAS!!!!

" Geez!! How'd you know na magkakaroon ng meteor shower ngayon?" parang batang tanong niya. Nagbago bigla ang expression ng mukha niya.

"Narinig ko lang sa news tapos timing pa na birthday mo." 

"Thanks." nagulat ako sa sinabi niya. Nang tingnan ko sya, nakatingala pa din sya sa langit.

dug.dug.dug.dug.

Hala?Ba't ganito heartbeat ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla nya kong yakapin. Peste! Ba't ko ba nararamdaman to? May sakit kaya ako sa puso?

"Oh, wag kang feeling huh! Di dahil niyakap kita eh ibig sabihin nun may gusto na ko sayo" sabi niya. Pigilan nyo ko makakapatay ako ng gwapo!! Este ng gago!!

"Bakit may sinabi ba ako? Hoy! wag kang feeling dyan. Di ako magkakagusto sa kasingsungit mo noh.Mahal ko pa buhay ko!Hahaha" sabay takbo sasapukin nya kasi ako eh.

" Tara na! Di pa tapos celebration mo." Yup, may susunod pa akong plano.

"Baka--"

"Baka hinahanap na ko sa amin??Wag kang mag-alala okay lang sa Daddy ko yun." putol ko sa sasabihin nya.

" Anong nag-aalala ka dyan?" asus in denial si Mr. Adrian. Teka, ano nga apeyido nitong bakulaw nato?

" Bakulaw!este Adrian, ano ba full name mo?"

"Bakit ia add mo ko sa facebook at iistalk mo ko?" with matching ngiti niya na nakakaloko.Aba't asaran pala ang gusto nito ah. 

"Oo sana eh, tapos kapag alam ko na kukuha ako ng picture mo sa fb tapos gagamitin ko yun para ipakulam ka.Hmn, magandang idea yun, ano gusto mo?" sabi ko at nakita kong kumunot ang noo niya.

Love StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon