Concerned

15 0 0
                                    

CASSIOPEIA

Nang makapasok na ako sa loob ay agad akong napaluhod at umiyak. Naalala ko nanaman yung mukha niya. Yung mukha niya na parang nasasaktan.

'Ghad! Gio I miss you too.'

Kanina, nung nakita ko siya natakot ako. Halo-halong emosyon, pero mas nangingibabaw ang takot. Takot na baka malaman niyang anak namin si Gionn. I want to hug him. Gustong-gusto. Pero bakit ganun? Ang sakit. Ang sakit sakit. Akala ko wala na 'tong nararamdaman ko para sakanya. Akala ko naka-move on na ako pero bat ganun? Yung nga tingin niya sakin kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko, lalo na nung tinanong niya si Gionn.

"Ate..." Sabi ni Gia sakin sabay yakap sakin. Hinahaplos niya ang likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak sakanya. Gusto kong pigilan, pero wala e, ayaw talaga tumigil ng luha ko. Mamaya magtatanong nanaman si Gionn. Ayokong makita niya akong ganito.

Nang medyo kumalma na ako ay binigyan ako ni Gia ng tubig, "I'm so sorry ate. Kasalanan ko 'to. Kung doble lang ang ingat ko, hindi mangyayari yun. Sorry talaga ate Cass."

"Walang may kasalanan Gia. Hindi natin 'to ginusto. Sa ngayon, ayoko munang makita si Gio." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Pero ate, yung mga tingin ni kuya Gio kay Gionn, sa tingin ko, nakakahalata na siya."

Nung sinabi niya yun ay hindi ako makaimik. Of course, sa talino ni Gio at sa itsura at ugali ni Gionn sinong hindi magco-conclude? They act all the same.
Malamang mag-ama. Basta, ayoko. I'm not prepared.

"No. No. You're probably wrong. Hindi makakahalata si Gio, Gia." Sabi ko at tumayo na.

"Mommy!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Gionn. Agad kaming pumuntang kwarto niya.

Binuksan ko ang pinto at agad kong nakita si Gionn na hawak hawak ng bagong yaya niya. Pumunta kasing probinsya si Manang Rosa dahil nanganak daw ang anak niya.

Nadatnan naming pinapagalitan ng bagong yaya si Gionn. Akmang papaluin niya ang anak ko pero bago yun ako na ang sumalo. Natamaan ang pisngi ko. Masakit. Pero mas masakit na nakita kong sinasaktan ang anak ko ng walang hiyang eto. Tumayo ako at inilagay sa likod ko si Gionn. Si Gia naman ay tinawagan yung guard.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak ko?! Sinong may sabing pwede mong saktan ang anak ko?!!!" Galit na galit kong sigaw sakanya.

Lumapit ako sakanya at hinwakan siya ng mahigpit. "ANO?! SUMAGOT KA!!"

"Ma'am! E kasi naman po yung cellphone ko nahulog niya sa bowl ng cr!" Paliwanag niya sakin.

Ano?! Dahil lang sa cellphone niya?! "Dahil lang duon?! Sasaktan mo ang anak ko?!" Lumapit ako sakanya at sinabunutan siya. T*ngina!

"Ma'am tama na po!" Sigaw niya habang inaalis niya yung kamay ko sa buhok niya. Mas diniinan ko pa.

"Tama na?! Nagkapasa yung anak ko!! Tas tama na?!!"

Biglang dumating si Gia na may kasama ng guards. "Ate Cass! Tama na yan!" Awat niya sakin.

"Walang hiya ka!!" Sabi ko habang tinuturo siya. Umiiyak lang siya habang kinukuha na ng mga guards. Si Gionn ay umiiyak parin habang nakayakap kay Gia.

Hindi ko mapapatawad yung babaeng yun sa pananakit niya sa anak ko! Nagulat ako ng may yumakap sakin. "Tama na Rain. Tama na."

'Gio.'

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Gio.

Lumapit ako agad kay Gia na kasalukuyang pinapatahan so Gionn. "Baby--" Sabi ko sakanya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon