Home Sweet Home

16 0 0
                                    

CASSIOPEIA

We're back. Bumuntong hininga lang ako. After three years sa wakas. Andito uli ako. Sa korea na ako nakapagtapos ng pagaaral. And now I'm here with my son.

"Mommy! Are we going to see Halmoni and Paps?" Tanong ng batang kalong kalong ko.

Inayos ko ang buhok niya at ngumiti.

"Yes baby. We're going to see Umma and Appa. Now take a nap so Halmoni will cook your favorite food."

"Araso!"

Ang batang kalong ko ngayon ay si Gionn Raine Gonzales. Yes, siya ang anak namin ni Gio. Its been three years and now andito uli.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang baby ko. Kung titignan mong mabuti ay nakuha niya ang mukha ni Gio. Para ngang Little Gio e. Nakuha niya rin ang katalinuhan ni Gio. Samantalang ang pagkahilig ko sa spaghetti at ang pagka-positive thinking at ang kakulitan niya ay nagmula sakin. Yun nga lang ang nakuha e. Lahat na kay Gio.

Maya-maya ay nakarating na kami sa Mansion. Pinagbuksan ako ng pinto ni Butler Brandon. Nginitian ko lang siya. Binuhat ko na si Gionn.

"Yaya? Pakikuha nalang ang gamit namin saka yung gamit ng bata Ilagay mo muna sa room ko. Salamat."

Pumasok na kami sa loob. Agad naman kaming sinalubong naman ako agad nila Umma at Appa.

"Hi baby. Is this Gionn already? Ang laki na ng apo namin a." Sabi naman ni Daddy. Kiniss ko siya sa cheeks pati si mommy.

"Opo. Hahaha. He's excited to see you. Mukhang namiss ata ang spaghetti mo mom."

Buhat ko parin si Gionn habang nakahiga ang ulo niya sa balikat ko. Nakaheels pa ako sa lagay na to ha? Hahaha.

"Nako! Tamang-tama at nagluluto ako ng spaghetti. Sige na umakyat na kayo at magpahinga." Sabi ni mommy habang hawak ang pisngi ko. Ngumiti lang ako sakanya at umakyat na.

Hiniga ko si Gionn sa higaan ko. Hays. Namiss ko na 'tong kwarto ko. Nilagay ko yung mga unan sa gilid niya habang tumabi ako sa kabilang side. Hinaplos ko ang mukha ng baby ko.

'Kamusta na kaya si Gio?'

Natahimik ako saglit. Three years na ang nakalipas. Wala akong balita sakanya pati si Gia. Namiss ko na rin siya. Trinay kong matulog pero mukhang hindi ko na makuha kaya napagisipan kong maligo muna. Pumunta ako sa banyo at naligo na.

'May girlfriend na kaya si Gio?'

'Nagkabalikan ba sila ulit ni Shan?'

Napailing ako sa mga tanong ko. Tama na yan Cassiopeia. Saka bakit ba kung meron? Anong pakialam mo?

'Siya lang naman ang ama ng anak ko!'

"Aish!" Sabi ko at napahilamos. "Relax Cassiopeia. Breath in breath out."

Hanggang ngayon ay kami lang dalawa ni mommy ang nakakaalam na si Gio ang ama ni Gionn. Oo bago ko sinilang si Gionn ay sinabi ko na kay mommy. Kapag tinatanong ako ni daddy ay si mommy ang sumasagot. Ayoko kasing sabihin at alam kong ipakakasal ako kay Gio once na malaman ni daddy yun. Gusto ko man sabihin para hindi lumaki na si Gionn ng walang ama. Pero naisip ko rin na baka nagkabalikan uli sila ni Shan kaya hinayaan ko lang. Tutal kaya ko namang buhayin magisa si Gionn.

Sinuot ko na ang bathrobe ko at pinatuyo ang buhok ko. Nang matuyo na ay pumunta ako sa isang pinto. Sliding door siya kaya madaling buksan pagka bukas mo rito ay makikita mo ang mga damit ko. Nagpalit na ako. Nag suot lang ako ng maong white short at saka neon apple green na sando.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon