Two.

0 0 0
                                    

Joyce Ann Reyes POV

"Bye Christine! Seeyou tomorrow." Paalam ko kay Christine nang dumating na yung service ko.

"Sige Joyce! Ingat. Thankyou ulet :)." Sabi sakin ni christine habang pasakay ako sa service.

Haaay! Nakakapagod din yung araw na to grabe. Ikaw ba naman kase ung mag advice maghapon sa kaibigan mo kung pano gagawin niya. Haha! Pero okay lang sakin yun. Bilang kaibigan ni Christine, lagi akong game sa advice session naming dalawa! Yung kaibigan ko talaga na yun e. Magulo ang isip, di lang ata isip e. Pati puso non dalawa tinitibok! Tss ewan ko ba. Basta kung saan siya masaya, dun din ako!

Si Christine? Mabait yon, masayahin, palakaibigan, laging game kahit saan, mahilig sa adventure, yung tipo nang adventure na may trill. Mahilig kumain, basta gusto niya lagi yung masaya. Mapagmahal yung kaibigan ko'ng 'yun. Grabe talaga siyang magmahal. Yung tipong pag minahal mo siya yung hinding- hindi mo makakalimutan. Oo,siguro makakalimutan. Pero matagal. Pag yon sinaktan mo? Sus humanda ka sa revenge niya. Ayaw na ayaw nun nang nasasaktan. Basta ang gusto lang non. Magmamahal. Magigingmasaya. At may makakasama nang pang-matagalan! Yan si Christine. Mahal na mahal ko'y kaibigan ko na yon. May pagkabaliw lang minsan. Haha!

Sa ngayon, May gusto siya sa babae. Di ko pa kilala kase di pa niya pinapakita saken. Sabi kanina bukas daw ituturo niya. Baka daw kase kilala ko. Tapos pag kilala ko daw. Ipakilala ko daw sa kanya! Oh diba? Gano ka hogeng yung kaibigan kong yun? Hahaha. Pero promise! Ngayon ko lang nalaman na, nagfa-fall pala sa babae yun? Ewan ko ba. Baka nahawa saken? Nafall kase ko sa bakla e! Hahaha. Pero balik tayo kay Christine, sino kaya yung babaeng sinasabi niya? Maganda kaya yun? Mabait? Pero muka naman e. Nafall kasi si Christine. Isa pa kasing katangian ni christine e, yung marunong tumingin ng mabait o hindi. Marunong makaramdam si christine kung mamahalin din ba siya nang taong kinababaliwan niya. Siguro ramdam niya kaya ganon siya kabaliw sa babae'ng yun. Hmmm sino kaya yun? Tsss! Ang sakit na nang ulo ko kakaisip kay Christine -,- bukas na nga lang. Makatulog na! zzZZ.

Kinaumagahan.

"Waaaaah! Joyceeeeee." Sigaw sakin ni christine habang nasa pinto! Argh. Kakadating lang e. Ang bunganga! Ano nanaman kaya ang nangyare. Tss -,-

"Ohhhhhhhh! Baket ba? Ang aga aga e. Ang bunganga mo nakakabinge!" Pagdidiwara ko kay Christine habang nakaupo sa upuan ko. Buti nalang konti palang yung tao sa room. Maaga pa kase di pa pumapasok yung iba.

"Waaaaaah! Joyce. Pakdat! ^O^ Nginitian ako ni Crushhhh! Huahua. With matching eye to eye pa. ^_______^."

"Weh? Totoo ba! Hahaha joke. Muka namang totoo kase namumula ka o? Psh! De sige, ikaw na pinapansin ng crush mo. Ako hindi. Huhuhu sino ba kase yun? Turo mo saken bilis! Asan ba?" Tanong ko kay Christine.

"Tara bilis! Tuturo ko sayo." Hila niya sakin sabay takbo palabas ng room. Psh! -,- buti nalang naka jogging pants ako tsaka rubber shoes. Friday kase!

Nandito na kami sa gym. Naglalaro siguro ung sinasabi niya'ng babae kase P.E e tuwing umaga ng friday may mga naglalaro talaga diyan.

Lakad. Lakad. Lakad! Hanap. hanap. hanap! Tss. -,- "Christine asan ba? Wala naman ata e!" Tanong ko sa kanya habang siya lakad pa din ng lakad.

"Waaaaah! Joyce. Ala na! -,- Ang tagal mo kase e. Kanina andito siya. Baka pumasok na sa room nila? Kaso di ko alam kung anong section siya e. Pero sure ako'ng grade 8 yun."

"Haaay! Ewan ko sayo. Ako pa ba matagal non? E halos mahulog tayo sa hagdan pababa para lang makapunta ng mabilis dito. Tara na nga! Baka andon na si ma'am, malalate na tayo. Mamaya nalang natin hanapin. Tss -,-" Pagdidiwara ko kay Christine. Eto talagang babae'ng to e. Mahilig din isisi sa iba yung kasalanan niya e. Psh!

------*

Okay. End of second chapter!

Makikita na kaya ni Joyce ung babae'ng kinababaliwan ni Christine? Subaybayan ang story nila. Please Vote. Comment. Then share. Thanks! :))

Bawal Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon