Part-3

2.1K 50 0
                                    

Jenny pov

Kakarating lang namin dito sa bahay 7:30 na kaya nagmamadali ang lahat dahil gutom na kami

Nung nakapasok na kami sa bahay agad kami dumiretso sa kusina at nadatnan naman namin na si justine at yung bago kaya aga na ako lumapit para tingnan kung may inihanda si justine na pagkain



Nung nakalapit na ako agad naman pinakilala ni justine yung bagong kasamahan nya matapos magpakilala kumuha ako ng tubig para may mainom si justine



Pagkapasok ko biglang nagsalita si ellyn bago rin dito pero mas una sya ng dalawang araw kaysa kay lara ba yun

"Jen,yun ba yung bago?"tanong ni ellyn


"Oo,bakit?"tanong ko


"Wala lang,nagagandahan lang ako sa kanya.."sagot nman ni ellyn



"Oo maganda sya,,kaso ang boyish kumilos,tapos ang daming earings...''sabi ko naman



"Grabe ka naman,,,jen!wag kang ganyan malay mo trip nya lang talaga,saka bagay naman eh.."pagtatanggol ni ellyn kay lara



Eh paano totoo naman talaga dahil sa bandang kanan dalawang earings sa kaliwa naman apat oh diba para syang adik

"Hoy..hoyyy...kayo ahh,,,kabago bago lang nung tao pinagtitripan nyo na!"biglang singit sa may likod si grace pala kasamahan rin namin




"Eh kasi si jenny oh...nangbu bully,,"sumbong ni ellyn kay grace




"Eh..totoo naman kasi,,,"sabi ko naman



"Bakit ba appearance lang tinitingnan nyo,,,subukan nyo kaya muna kilalanin yung tao bago nyo husgahan"sabi naman ni grace




Hindi nalang ako nagsalita kaya lumabas na ako ng kwarto para kumain na rin ako dahil maraming stucks ang ihahanda namin mamaya para dalhin bukas sa store





Kumain na ako at magkatapat kami ni justine isa pa ito boyfriend ko nga pero parang hindi mula nung nag 1 month kami naging malamig na sya sa akin hanggang ngayon magti 3 months na kami pero ganito parin kami




Kung sino ang una makauwi sya ang mag se separate ng pagkain at kung ako naman mauna ako naman amg mag se separate pagkatapos wala na
Lagi na lang kami ganito



Kaya ang ginagawa ko ito nagpapa busy para hindi ko maalala at masaktan dahil feeling ko baliwala lang ako sa kanya



Nauna matapos si lara at pumasok sumunod naman ako natapos kaya hinugasan ko na pinggan ko at pumasok na sa kwarto para magbihis at makapunta na ako sa bodega



Agad ako lumabas after ko magpalit ng pang bahay kaya pumunta na ako sa bodega para kumuha ng item na wala sa store




-------


Lara pov


Nandito ako ngayon sa tindahan ito pinag aaralan ko muna ang mga chemicals dahil mamaya pa naman ang practice namin



pero biglang may customer  haharapin ko na sana ng biglang humawak sa balikat ko si justine


"Ako na nito lara,,suki ko kasi ito ako lang hahanapin nyan.."sabi ni justine kaya ako ito na sa likod nya nakikinig lang dahil may matutunan naman ako kay justine dahil ang galing nya kasi mag sales talk




Sa gitna ng pakikinig ko sa kanila bigla ako tinawagni justine kaya napaharap ako sa kanya

"Lara,paabot naman ng polybag"utos ni justine ito ay polybag or seedling bag



"Saan?"tanong ko at tinuro naman nya kaya kinuha ko agad nung iaabot ko na kay justine bigla nagsalita ang customer





"Ayos ah,my Buddy kana pala ngayon?"sabi nung customer



"Hindi,bago kasi kaya tinuturuan kong saan nakalagay ang mga item "sagot naman ni justine pero bigla ako tinawag nung customer



"Buddy....ang ganda mong bata ka,,"sabi nung customer



Aba walang hiya ang tanda tanda na kumikiringking pa tskk mga lalaki talaga kahit ang tatanda na humihirit pa tsskk



Hindi na lamg ako nagsalita hanggang makaalis yung customer
Nagulat ako ng biglang nagsalita si dok

"Ano tawag sa kay lara justine??"tanong ni dok




"Buddy dok."sagot naman ni justine



"Mula ngayon buddy na itatawag natin kay lara,pero ibahin natin ang spelling medyo nakakasawa na yun Buddy palitan naman natin"sabi ni dok at ako dito walang magawa dahil mukang seryoso talaga sila na tatawagin akong buddy



"Baddy kaya dok,"singit naman ni ate rose


"Wag yan rose,ganitong spelling nalang 'badie' ano kaya dok?"tanong naman ni justine kay dok


"Sge,ganyan nalang tandaan nyo yung spelling ha yan yung ilalagay natin sa uniform nyo sa Christmas party 'badie'oh diba bagay sayo medyo lalaki ka naman kumilos eh"sabi ni dok




"Hindi nuh,,,babae yan si lara.diba lara?saka sa ganda nyang yan,,sayang naman kong bigla na lang magiging green ang dugo nya nuh.."singit naman ni ate aires

Kaya natawa naman ako dahil kung alam lang nila na confused ako sa sarili dahil nagkaka crush ako sa babae nagkaka crush ako sa lalaki pero never pa ako nagka girlfriend nuh




Hanggang sa naghapon na at tulad kahapon practice na naman at nasasabayan ko na si justine kaya natuwa naman si dok at si ate aires




"Oh,marunong ka na pala badie eh,,"sabi naman ni dok sabay palo sa balikat ko minsan naman sinusuntok suntok nya ng mahina pero yung hindi naman ako nasasaktan dahil hindi naman nya nilalakasan



"Konti na pang lara...kuha mo na talaga yung sayaw"sabi naman ni ate aires salamat naman at hindi sya sumali sa kakatawag ng badie pero okay lang naman ang cool nga eh hahah




Buong hapon kami nag practice dahil medyo walang customer kaya mahaba ang oras namin

______

Thank you. ..

Fearless INBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon