Chapter One
First day
Napabalikwas ako ng bangon. Medyo masakit ang ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang pagka-excite. Pupungas-pungas kong nilapitan si bebe ko. Isa-isa kong tiningnan ang pictures ni Zayn Malik sabay hug and kiss sa standee nya sa tabi ng cabinet ko.
"Good morning Zayn bebe." bati ko kay Zayn. Lab ko talaga siya eh. ha ha ha mga puso, kalma kayo. Pinapa-twinkle niyo eyes ko.
"Casie, bilisan mo na dyan at nasa baba na mga kapatid mo!" tawag ni mama.
"Opo opo." sagot ko. "Banyo! Here I come!"
Pumasok na ko ng banyo at dali-daling naligo. After few minutes, nakabihis na ko. Dumiretso akong kusina para makapagbreakfast na. Nadatnan ko sila mama na kumakain. Alangan namang naliligo di ba? Eh nasa kusina sila. Kumain na rin ako. Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng hotdog at scrambled egg. Nagfocus lang ako sa pagkain. After kong kumain, nagpaalam na 'kong papasok na sa school.
Nasa school ground na ako ngayon at busy sa pagsa-sight seeing. Kakaiba kasi 'tong school eh. Hindi siya yung karaniwang itinatayo sa isang patag na lugar. That makes our school unique. Hiwa-hiwalay ang buildings. Ang two-storey building ng freshmen ang nasa pinakamataas na part tapos sophomores. Nasa left side naman ang juniors or third year level. And lastly, sa may right side ang building ng fourth year.
Narinig ko ang buzzer hudyat na malapit nang mag-flag ceremony. Pagkatapos ng FRC or flag-raising ceremony, pumila na kami papuntang classroom namin. Patay. Di ko pa pala alam kung anung section ako. Aish Casie, anu ka ba naman. Third year ka na, di ka pa rin nagbabago. Madali akong humiwalay sa pila at nagpunta sa bulletin board. To check kung saang section ako.
Durian. Oh kay? So, prutas pala ang third year. Nice na sana kaso di ba nga, ambaho daw ng durian fruit. Eh di ibig sabihin, ambabaho din namin? yak
Pumasok na ko sa classroom at umupo sa vacant chair kung saan ako komportable. Sakto namang dumating yung teacher namin.
"Good morning class. I am Mr. Ryan Cabrera. I am your Mathematics (Geometry) teacher and at the same time your adviser." Pakilala niya. "Mukhang marami kayong classmates na nag.extend ng summer vacation.
To start, you will introduce yourself first before we elect our classroom officers. Understand?""Yes, mister."
Isa-isa kaming nagpakilala, siyempre girls muna. Ladies first nga kasi di ba.
"Hi! My name is Irene Egipto. Seventeen years old."
"Hello po! Ako po si Michelle Sy. Fifteen years of age."
"Good morning. Joannah Celeste."
"Hi. I'm Analyn Montecarlo. Fifteen years old."
Ako na next. woooh
"Good morning, Mister Cabrera. Good morning classmates. My name is Cassandra Zin Montez." pakilala ko sabay upo.
After ng nakakaboring na introduce your self ay nag-elect na kami ng class officers. And guess what, ako ang napiling class president. Ewan ko kung sino sino na yung ibang officers. Di ko naman sila kilala at hindi rin ako interesado.
Hays. Ang boring naman. Same old, same old. Waaaahh sana magkafriends ako this year. I want to have some friends, too. Someone who I can trust and lean on even I'm on my worst. drama!
Parang si Zayn bebe. Kyaaah kinikilig talaga ang mga puso ko hihihi hart hart men
"Cassandra!"
Nilingon ko kung sino man ang tumawag sa napakaganda kong pangalan.
"Oh, Michelle. How have you been?"
Si Michelle Sy pala. Kaklase ko nung elementary. We belong in the same circle of friends. Kumbaga, elementary pa lang magbarkada na kami.
"Just fine. How about you?"
"Ganun pa rin naman. Tara puntahan natin ibang classmates natin. I want you to meet them."
"Sige."
Sabay naming tinungo ang waiting shed kung saan nakatambay yung ibang classmates namin. Since ito ang pinakamalapit na pwedeng pagtambayan sa classroom namin. They're busy chatting about their summer vacation. Looks like they enjoyed their vacation well huh.
"Hello guys! This is Casie. Casie, eto naman sina Joanna, Irene at Analyn. Classmates tayong apat." she said while smiling at me.
Duh, obvious kaya. Sinabi niya yun kanina eh. Don't tell me nakalimutan niya agad?
"Ah, oo yes! Nakita ko naman siya sa classroom kanina." -Irene
Classmate nga kasi tayo. Paano tayo magiging classmate kung nasa labas ako ng classroom natin. Heller!
"Eh kasi nga classmate natin siya. haha" -Analyn
Tumpak girl! Buti ka pa, nadale mo. haha
Nagdaldalan kami hanggang matapos ang oras ng break. Sabay-sabay kaming pumasok pagkatapos. As usual pag first day of classes more on introduce your self lang ang ginawa namin. Yung iba naman may assignment agad na binigay. Do's and don'ts ni teacher and yung grading percentage tapos uwian na.
Pagdating ko sa bahay nakita kong nagdidilig ng mga tanim niyang halaman si Mama. Mahilig kasi siya roon. Humalik ako sa pisngi niya.
"Hi Ma. Bakit po kayo ang nagdidilig ngayon?"
"Wala kasi akong magawa anak kaya eto, nagdilig na lang ako. May naging friends ka na ba? Yiiee dalaga na talaga ang anak ko. May crush ka na ba sa classmates mo? Kahit isa lang. hihihi"
Napa-face palm ako at nagpout.
"Mama naman eh. Opo may bago na akong friends. Wala, wala akong crush na classmate ko. Loyal po ako kay bebe Zayn, Ma." nakangiti kong sagot sa kanya na napapapadyak pa. Kinikilig ako eh. Ba't ba?
"Ay naku Cassandra. Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-Zayn mo. Maghanap ka nga ng totoong boyfriend at wag mo nang pangarapin pa iyon." saway ni Mama.
Basag.
"Ay grabe siya oh. Kanina crush lang ngayon boyfriend na Ma? Gusto niyo na po ba akong mag-asawa? Sabihin niyo lang po, bibitbitin ko po agad si Zayn sa simbahan at magpapakasal kami. hehe"
Pinandilatan niya ako at binatukan. Napa-peace sign ako at napakamot sa batok ko.
"Aww." daing ko.
"By the way, musta first day anak?" tanong na lang niya.
"Okay lang naman po ang first day ko. Medyo boring po kasi puro pagpapakilala lang ang ginawa namin sa maghapon." medyo napasimangot na ako.
"Ganun ba? O siya sige, pumasok ka na muna sa kwarto mo. Magpalit ka na ng damit nang makapagpahinga ka. Tatawagin na lang kita pag kakain na tayo ng hapunan. Okay?" Mama again.
Tumango ako at nagtuloy ng pumasok sa loob para makapagpalit na ng damit-pambahay. Nang nakapagpalit na ako ay agad akong dumapa sa kama at kinuha ang diary ko mula sa side table. Kinuha ko ang ballpen at nagsulat. Napahikab ako pagkatapos ay humiga na at pumikit hanggang sa makatulog.
After an hour ay ginising ako ni Mama dahil magdi-dinner na daw kami. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at tumungo ng banyo para magtoothbrush. Nagpunta na rin akong dining area at mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Agad akong naupo.
"Let's eat." yaya ni Papa at nagsimula na kaming kumain. Nagkukwentuhan sila, ako nama'y tahimik lang na nakikinig.
Hindi ko magawang sumali sa kadahilanang hindi ako maka-relate sa usapan nila. Wala ako sa mood makipagdaldalan. Agad kong tinapos ang aking pagkain at nagpaalam nang matutulog na. Napagod yata ako dahil nakatulog din ako agad pagkapasok ko. Buti na lang nakapagtoothbrush muna ako bago nahiga. At iginupo na ng antok ang aking diwa.