Chapter Four

59 2 2
                                    

Chapter 4

Pasubali

Nasa hallway kami ng building ng third year nang mapansin naming nakakalat este nakatambay doon ang classmates namin. First period namin sa hapon ngayon. Filipino. Whole day kasi ang pasok talaga pag high school na. Nagkatinginan kaming apat. Puno ng pagtatakang nilapitan ang isang kaklase.

"Bakit nasa labas kayo, Mark? Pinalabas ba kayo ni teach?" tanong ni Irene na kita sa mukha na kinakabahan siya.

Umiling siya bago sumagot.

"Hindi. Wala daw si teach ngayon. Nagpunta ng Naval. May aasikasuhin daw. Seniors nga'ng inutusan niyang magsabi eh. Si Matthew ang nagspread ng good news." sagot niya na kita naman sa mukhang tuwang-tuwa siya.

Bayan iyon sa lugar namin.

"Ah! okay. Thanks for the info., Mark" pasalamat ko.

"You're welcome, Pres." sagot naman niya at kumindat pa sabay baling sa katabi niya.

Pumasok na kami at magulong classroom ang bumungad sa'min. Magulo dahil naiba na ang pagkaka-arrange ng mga upuan. May nakahiwalay na apat na silya malapit kung saan nakalagay ang component ng aming adviser, Mr. Cabrera. Mahilig kasi siyang magsoundtrip bago magsimula at pagkatapos ng class hours. Sa chalkboard naman ay may nakasulat na SPONGEBOLA. All caps pa. Anim sila sa banda, all boys.

Allan --> vocalist, may hawak na walis tingting na may kahoy (pangtanggal ng agiw sa kisame)

Justin --> base guitar, may hawak na walis tambo

Lee --> drummer, kutsara't tinidor naman ang hawak at may dalawang balde at sprinkler sa harap niya

Nathan --> pianist, upuan lang

Rey --> guitarist din, shovel naman ang hawak niya at si...

Glen --> videographer nila, cellphone ang hawak niya, motorola

Maya-maya'y nag-play na ang kakantahin nila. Nagsimula na sila tumugtog.

Kung pwede lang
Wag mo na 'tong iwasan
At wag mo ring
Ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y
'Wag ipinid ang pinto

Feel na feel nila ang pagtugtog na akala mo'y nagpeperform sila at nagko-concert sa MOA Arena with big crowd pa.

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Sa totoo lang lip-synching lang naman ang ginagawa nila. May pa-headbang-headbang pa silang nalalaman. May extra pala sila, si James. Taga-interpret.

Chorus:
Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kayrami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo

Nakakatawa silang panuorin. May tumugtog, kumakanta at may uma-acting pa. Kumbaga sa kape 3in1. Para silang mga timang dahil sa improvise instruments nilang gamit. Na-entertain nila kami. Madami pa silang tinugtog bago magsimula ang next class namin. Chemistry.

Nilingon ko si Joannah. May hawak siyang pocketbook at nagbabasa. Precious Hearts Romances, basa ko sa cover. Tiningnan ko din sila Analyn, Mitch at Irene, nagbabasa din sila. Malamang si Joannah na naman ang may dala nun pagkatapos niya basahin ipapasa niya kay Analyn. Pagkatapos naman ipapasa kay Mitch na ipapasa rin kay Irene. Cycle lang di ba?

When We're TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon