Chaper 1 - Favorite Song?

3 0 0
                                    

Kathryn

May misteryosong lalaki na bigla nalang akong hinila. Sobrang lapit na niya saakin na tila naaamoy ko na yung hininga niya. Grabe. Nakakaadik. Hanggang sa unti unti na niyang nilalapit ang mapulang labi niya sa labi ko pagkatapos...

*leron leron sinta, buko ng papaya...*

Shet na malagket! Panirang cellphone naman to oo. Ba't ngayon pa.

Itinigil ko na yung paborito kong kanta kahit labag sa kalooban ko. Nanggigising kasi ampusa eh. Sayang. First kiss ko naman sana yun.

Pagkatapos kong magdasal at magpasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako at ang ganda ng panaginip kong bitin, magiimagine sana ulit ako pero pumasok bigla ang kuya kong si Hiro sa kwarto ko tsaka ako binuhusan ng pagkalamig lamig na tubig! Grabe siya!

"Kuya ano ba?! Hello! Gising na po ako! Gising na gising!"

"Bunso sorry ha. Ang ganda mo pala sa wet look."

"Tigilan mo'ko kuya! Nakakainis ka!"

"Baba ka na bunso. Yung mga bestfriends mo hinihintay ka na."

"Ohmygosh kuya! Seryoso?! Anjan sila?! Nakalimutan ko first day pala ngayon! Ba't di mo ko ginising?!" sabi ko at tumakbo papunta sa CR nang hindi na hinintay yung sasabihin niya pero nakita ko yung mukha niya ganto oh -_______-

Nakita ko yung mukha ko sa salamin tapos nagulat ako! Grabe akala ko isang napakagandang anghel na bumagsak sa kama (ayoko sa lupa, wag niyo akong kontrahin) yun pala isang nakakapangilabot na tao ang nakita ko. Andami talagang namamatay sa maling akala.

Ginawa ko na ang morning rituals ko. Nagtanggal ng basang muta tapos naligo, nagbihis. Di ako maarte sa katawan. Walang lotion, pulbo at make up. Bakit ba, trip kong magpakaboyish lagi eh. Kaway kaway sa mga tulad ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko at agad ko namang nakita yung 2 kong bruhang kaibigan.

"Bunso. Mas lalaki ka pa sakin ngayon ah. Ay, lagi pala." epal nanaman ni kuya Hiro habang pababa ako at talagang nakaakbay pa sakin ang loko.

"Kuya pwede ba? Talaga. Ikaw kasi eh hanggang ngayon wala ka paring girlfriend kung hindi lang kita kapatid iisipin kong bakla ka." tinanggal ko ang pagkakaakbay saakin ni kuya at nagtago sa likod ni mama. Malamang ang sama na kaya ng tingin sakin ni kuya. Like duh! Lahat na ata ng kabarkada niya may girlfriend!

"Ano nanaman bang nangyayari sainyong magkapatid? Kumain kana nga Chandria nang makapasok kana.  Naghihintay na yung mga kaibigan mo oh." sabay turo ni mama sa sala at yun nakita ko nga yung mga bruha  kong kaibigan pero nakita ko na sila kanina. Haha.

"Hi Ryn! Good morning!" sabay nilang bati saakin.

"Hello mga bruha! So, tara na? Excited na ako sa Universiry'ng papasukan natin!"

"Makabruha ka naman!" sabay nanaman nilang sabi.

"May choir pala kayo. Pasali ako. Sabihin nating lahat OO NGA TARA NA! Pagbilang kong tatlo. 1... 2... 3..!"

"OO NGA TARA NA!" aba't nakisabay talaga ang mga bruha. Kaya mahal na mahal ko sila eh!

Hindi lang kami ang tumawa pati narin sina mama at kuya pero si kuya tumatawa ng masama parin tingin sakin. Parang timang eh. Kayo na bahala magimagine.

"Mama! Hindi nalang po ako kakain. Tutal late naman na kami. Kakain nalang po ako ng marami sa school. Bye mama!" sabay halik sa pisngi niya.

"Bye kuya kong sobra sobrang lalaki!" yayakapin ko sana siya pero bigla niya akong sinamaan ng tingin ako naman nagpeace sign sakanya tsaka nagform ng heart gamit ang mga daliri ko at itinapat sa aking blue tshirt! Blue hearts na this!

Pagkasakay namin sa jeep bigla nilang pinatugtog yung favorite song ko. Alam niyo na yun.

*leron leron sinta, buko ng papaya. Dala dala'y buslo...*

Bigla akong napasayaw kaya lahat na ata ng tao sa jeep nakatingin sakin. Pati mga bestfriends ko ganto mukha oh -_____-

"Miss, anong pangalan mo?" sabay ulit na sabi sakin nina Zharm at Julia. Shet lang ha!

Kaya ako naman yung ganto yung mukha -____- \/ tapos sabay peace sign sakanilang lahat.

Diko namalayan nandito na pala kami.

"Ohmygulaynaprutas! So this is Fordill University! Ang gandaaaa!" napatakip nalang ako sa bunganga ko. Baka sumigaw ako eh. Nakakahiya nanaman pag ganon.

Ang laki at lawak ng school na to grabe! Magpapataba talaga ako para naman di masayang yung space dito! "Woaaaaah" nalang ang nasabi ng dalawa kong ugok na kaibigan na hindi ako kilala kanina sa jeep.

"Pasok na tayo! Lord help us!" sabay sabay naming sabi sabay pasok.
-----
A/N: ano kayang mangyayari sakanila sa school na yun? Siya nga pala Fordill yung school kasi basta. Hahaha! Kaway kaway sa mga nakagets!

VOTE. COMMENT. VOTE. Ohmy. Labyu guys :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 for 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon