Ch. 2

1.2K 46 10
                                    

######

Kung nanakapag type lang ang utak...

Malamang may ending na'to... hahaha

                                                              S.L (~~,)

                                                                          ######

CHAPTER 2

“Wow, every dalaw mo dito palaki ka ng palaki,” exaggerated na sabi ni Apple ng mabungaran niya ako pagbaba nya sa hagdan ng bahay namin. Dahil Linggo ngayon dumalaw muna kaming mag-asawa sa amin pagkatapos naming magsimba.

“Well ganito talaga kapag naalagaan ng asawa,” sagot ko.

“Baka naman ganyan kapag napapabayaan ng asawa sa kusina. 'Di ka pa ba nagbubuntis?” Tumabi siya sa akin at inagaw ang fruitshake na iniinum ko. “My gosh! You’re so Big, ate! What if hindi ka na magbuntis dahil sa katabaan mo?”

Natigilan naman ako sa mga sinabi ng kapatid ko. That maybe the answer to my problem. Baka nga kaya hindi ako nagbubuntis pa dahil na rin sa katabaan ko. I know people na kasing  taba ko din at hindi na nabiyayaan ng anak. Paano kung sa akin ang problema? Anong gagawin ko? “Gusto na nga namin ni Russell magka-baby kaya lang, hindi pa talaga ako nagbubuntis, e. Balak ko na ngang mapa-check-up para malaman ang problema.”

“Why don’t you try to exercise ng mabawasan naman ‘yang laki mo? Mukhang walang paki alam si Kuya  sa'yo dahil para kang diyosa sa paningin 'nun, na hindi ko maintindihan kung bakit?”

“Manahimik ka nga dyan! Mahal lang ako nun, isa pa ayaw ko ng magbuhat ng weights. Nakakapagod.”

“Walang pumapayat na hindi naghihirap. Bakit hindi ka na lang mag zumba, belly dancing o kaya naman pole dancing, 'yun , e, kung kakayanin ka ng pole,” nang-iinis niyang sabi.

“Lumayo ka nga sa aking mansanas ka at sasamain ka na sa akin, e!” sabi ko na naiinis na.  Wala na talagang nasabing maganda itong si Apple. Pero mukhang magandang idea ang mag-sayaw para pumayat.

###################################################################

                “Hindi ko gagawin 'yan, Sweetie…” Panay pa ang pag-iling na sagot sa akin ni Russell. Nasa sala na kami ngayon ng bahay namin. Sinabi ko na sa kanya iyong idea na magpapayat ako at mag-e-enroll kami sa isang zumba lesson. “Sweetheart, munchkin, mahal, I love your body naman, so, why wasting your time losing weights?”

                “Hindi mo naman ako naiintindihan,e!” Anggal ko. “Worried lang ako kasi baka kaya hindi ako nagbubuntis dahil sa sobrang katabaan ko!”

                Naglalambing na yumakap si Russell sa akin. “Stop blaming yourself dahil hindi pa tayo nagkaka-baby. You’re not that big. Maybe it is not the right time yet to have a baby.”

                “I'm Fat! Ikaw lang naman ang nagsasabi na hindi.” Malungkot ko na sabi.

                “Kasi nga for me you’re the sexiest woman ever,” hinalikan pa niya ako sa pisngi.

                “I love you, Russell…” sabi ko at gumanti nalang ng yakap sa asawa ko.

                “ 'Love you, too. You have no idea how much,” sabi pa niya.

                May ilang seconds pa na magkayakap lang kami bago ako humirit sa kanya.

                “So, mag-e-enroll na tayo?”

Just marriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon