Problem #2

1.5K 44 45
                                    

Anu ang una mong bubuksan? Aber! Para gulpihin na natin si Tina T. Amad ? Just give me a reason just a little bits enough LOL!

Answer to PROBLEM #1

Syempre ang una mong bubuksan ay ang pintuan ng kotse. Panu mabubuksan yung tatlong pintuan kung walang mga kamay na magbubukas nito? 

Clarification:

Pampalito lang po yung 3 pintuan sa tanong. Pero kung uunawain mo po talaga, yun po ang tamang sagot.  Okey clear?  Meron rin nagsabing sa Leyon daw kase kakainin nito ang kapwa niya leyon kase gutom-gutom na ito. Pwede po siyang isagot kung hindi nadagdag yung kotse sa tanong. Pero salamat po sa mga sumagot!

PROBLEM #2

Solve this Case Guyz ! Madali lang to Promise ! ! ! Basahin niyo po lang ng MABUTI XD ! Nandyan minsan ang clue sa mga sagot

Bumisita ka sa bilog na bahay ng tinatrabauhan ng kaibigan mo bilang maid ngunit parang walang tao dito kase ang tahimik ng bahay ngunit nakita mo na nakabukas ang TV sa loob kaya pumasok ka nalang. Nasa palagay mo ay nanunuod lang siya at hindi ka naririnig dahil sa tunog ng TV ngunit pagkarating mo, nabigla ka dahil nakita mo nalang ang kaibigan mo na nakahandusay sa sahig at wala ng malay. May nakita kang dugo sa kanyang tiyan at sa palagay mo may sumaksak dito.  Di mo alam ang iyong gagawin. Sumigaw ka para humingi ng tulong at nagsilabasan naman ang pamilya na may ari ng bahay galing sa kani-kanilang kwarto at isa dito ay ang may kagagawan kung bakit nangyari ito sa Kaibigan mo. Dahil nga may pinagmanahan ka sa tatay mong detective kahit architecture ang course mo pero alam ng karamihan na kahit kaonte may alam ka sa pag solve ng kaso,  kaya isa isa mo silang tinanong kung anu ang ginagawa nila sa oras ng mangyari ito sa kaibigan mo

Suspects:

Bunso (15 yrs. Old)

“Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Yaya. Naglalaro ako ng ipod”

Nanay (40 yrs. Old)

“Pinag pahinga ko muna siya madali dahil sabi niya ay napapagod na siya sa pagluluto kaya tinulungan ko siya at ako na ang naghiwa ng natitirang carrots”

Tatay (42 yrs. Old)

“Kakadating ko lang sa trabaho at nag diretso sa CR para maligo na at magbihis”

Ate (18 yrs. Old)

“Nagbabasa ako dyan sa kanto ng aking kwarto”

Panganay na babae (20 yrs Old)

“Nagni-net ako at lumabas madali para kumuha ng tubig sa Kusina at bumalik muli sa dating gawi”

Tanong:

Sinu ba ang PUMATAY?

*Authors Note*

Kung sinu rin po ang may mga alam na mga tanong na pwede ko po sakanilang ipasagot gaya po ng ginagawa ko, pwede niyo pong I share saakin ito para ipasagot sa kanila sa pamamagitan po ng pag message sakin hindi pagpost po sa Message Board ko dahil baka po may makabasa then idedicate ko po yun sa inyo .. Tencyu!

At isa pa

Huwag po muna maniniwala sa sagot ng nagcomment dahil hihdi pa nari-reveal yung sagot sa tanong kaya make sure na sasagutin niyo po ito na galing sainyo XD !

Ala Conan |Will Continue SOON|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon