Problem #3

1.1K 32 33
                                    

Sinu ba ang PUMATAY?

Answer to PROBLEM #2

Yung ate po ang may kagagawan ng pagkamatay ng maid dahil ang sabi niya ay nagbabasa daw siya sa kanto ng kanyang kwarto at pinakauna ng nabanggit dun sa tanong ang bilog na bahay na tinitirhan nila. Kailan ba nagkaroon ng sulok ang bilog? Tssk ! Wala naman di ba?

Clarification:

Actually, masyado lang pong pinahaba yung tanong para malito kayo. Kaso ang galing ng karamihan kase tumpak ang sagot. Congrats nga pala sa mga nakakuha ng tamang sagot ! ! Level 1 na po kayo XD ! Pero ang next try naten.

PROBLEM #3

Tinanong ko na po ito sa ilang authors sa group namin. Ngayon kayo naman :D

Si Pikachu ay napakabuting anak ng kanyang mga magulang kaya maghahating gabi na kaya napagpasyahan nya ng umuwi sa kanilang bahay dahil naubos na ang mga ginto at pilak na alahas na suot niya sa pagsasangla nito sa JUNKshop para ipang  bili ng alak beybeh! Pero dahil nga usap-usapan na uso ang mga aswang, multo, engkanto at mamatay tao sa probinsya nila kaya nawalan siya ng lakas na loob na umuwi dahil gabing gabi na. Nandidilim na din ang paningin niya at nahihilo dahil gustong gusto niya ng matulog. Kaso ang mga lasing ay malalakas ang loob kaya walang anu-ano ay umuwi pa din siya sa kanilang bahay dahil ang alam niya na wala pang kasama ang inay niya.

“Tok” “Tok”

Walang bumukas ng pintuan.

“Tok” “Tok”

Wala pa rin.

“Tok” “Tok”

Naiinis na ito. Kaya sinipa niya nalang ang pintuan kaya bigla itong bumukas pero biglang nagising sa pagkalasing si Pikachu dahil biglang – bigla siya sa nakita niya

Heto na po ang sasagutin ninyo

May dalawang tao.

Nakita niya ang isa na punong puno ng DUGO ang buong katawan.

Samantalang ang isa naman ay pababa sa baywang ang DUGO.

Gulat na gulat siya sa nakita niya. Hindi niya mawari na may dugo siyang nakita sa harap niya. Daig pa nito ang taong nabaril kapag bumuhos ang dugo. Pero nagulat siya ng tinignan siya ng isa. Sabay pang hinawakan ang paa niya.

Ang Tanong:

Anu ba ang nagyari nung time na wala si Pikachu sa bahay nila?

Authors NOTE :

For sure mababaliw ako sa mga SAGOT ninyo xD ! Bwahahaha… Mag Ala CONAN na kayo bwahahaha! That’s only for today ! ! ! Next question? I dunno !

Nga pala, kung sinu man po ang pwedeng gumawa ng cover nito, please lang tulungan niyo ako xD message me sa may mabuting pusowww !

Ala Conan |Will Continue SOON|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon