NOTEBOOK

152 5 6
                                    

Isang buwan na din simula noong mag transfer ako dito sa West Land High pero wala pa din akong kakilala maliban kay Loreen. Siya lang ang nagtiyagang makipag usap sa akin, yung iba kasi kinakausap lang ako kapag may kailangan sila. Yung iba ayaw talaga akong kausapin. Hindi ko sila masisisi dahil nakakatakot naman talaga akong kausapin,hindi dahil sa pangit ako kundi dahil mukha akong mataray at suplada.

Hindi naman talaga ako ganon, mabait naman ako pero ewan ko ba kung bakit hindi ako nasanay na nakikipag usap sa mga tao. Nasanay kasi ako na ako lang mag-isa.

Maliban kay Loreen may isang tao pa akong kilala yun si Charlie dati ko siyang kaibigan noong bata kami at hindi lang basta kaibigan ang tingin ko sa kanya noon 1st crush ko siya.

Papasok na ako ngayon sa classroom namin. Hindi ko namalayan ang isang lalaking mabilis na tumatakbo at nabangga ako.

Nahulog tuloy ang mga dala ko pati na ang notebook ko. Hindi ito basta notebook lang dahil diary ko ito.

Pabulong bulong ako habang pinupulot yung mga gamit kong nahulog.

"Ano ba naman kasi yan! Di nag-iingat! Bulag ata hindi tumitingin sa dinadaan. Ang lawak lawak ng daan mababangga pa ko!!!" inis na bulong ko.

Saktong pagkahawak ko sa notebook ko ay hinawakan din niya ang dulo nito.

Inis na inis akong nag-angat ng tingin.

Nang magtama ang mga mata namin hindi ko alam kung bakit pero parang nag slomo ang lahat, ang baduy diba?

"Ah Miss. Sorry hah! Hindi ko sinasadya." nakangiting pag so sorry niya. Hindi ko alam pero nakakatulala ang kgawpuhan niya. Ngayon ko lang siya nakita dito, bago kaya siya?

Gusto ko pa sanang titigan siya pero naalala kong may klase pa nga pala ako. Nginitian ko siya, yung pa cute na ngiti.

"Ah hayaan mo na. Sige may klase pa kasi ako, una na ko." nakangiting sabi ko at tinanguan naman niya ako.








Nag uusap kami n Loreen tungkol sa lakad namin bukas nang biglang may maiingay na grupo ng mga lalaki ang pumasok sa classroom namin. Sabay pa namin silang tinignan ni Loreen.


Isa isa kong tinignan ang mga lalaking yon at ganon nalang ang gulat ko nang magtama ang mga mata namin ng isa sa kanila. Teka parang namumukhaan ko siya? Siya yung bumangga sa akin kanina ah? Wait don't tell me na kaklase ko siya?

Ngumiti siya sa akin. Ewan ko bakit parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Ano to? Kinakabahan ba ko? Parang tanga naman tong nararamdaman ko.

"Hoy!" hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Hah?" wala sa sariling tanong ko habang pakurap kurap pang nakatitig sa kanya.

"Wala. Gusto ko lang ulit mag sorry sayo dahil sa kanina." Ahh so siya nga yung nakabanggan ko kanina. Nakumpirma ko ito dahil sa sinabi niya at dahil mas natitigan ko na siya ngayon.

"Kalimutan mo na yon." sabay ngiti ko sa kanya.

"Ah sige, pero pwede ba kitang makasabay sa recess mamaya?"

Napakunot noo ako. Sabay? Sa recess? Bakit naman kaya biglang nagyayaya mag recess ang isang to.

"Kung ayaw mo sige okay lang naman." tsaka siya ngumiti pero parang may lungkot sa mga ngiti niyang iyon.

"Hmm sige sabay tayo basta ililibre mo ako." Biro ko sa kanya.

"Yun lang ba? Sige walang problema." saka niya ako nginitian, biro ko lang naman yun, hindi ko alam na seseryosohin niya.

THE NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon