Chapter 6: Halimaw

13.2K 418 33
                                    


Lune's POV:


Kakatapos lang ng afternoon sessions namin sa school. Nag lalakad ako ngayon sa mini park ng school.

Di pa rin maalis sa aking isip yung lalaking kasama ni Lea kanina. Sino ba talaga siya sa buhay ni Lea? At bakit may nararamdaman akong malakas na pwersa galing sa lalaking yun.

Anyway, kahit na puno ng pagtataka at mga tanong ang aking isip. Ay di ko parin magawang ialis ang nangyari kaninang umaga.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang kamay niya. Di n ko nga alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot nung hinalikan ng lalaki sa noo si Lea.

At nung kinausap ako ni Lea para makisabay sa paglalakad, ay nawala ang kirot at napilatan ng saya. At yun nga nung nahawakan ko ang kamay niya. Di ko alam pero parang may kuryenteng dumaloy sa kamay niya.

Ang lambot nito at napaka kinis. Yung tipong halos walang trabaho dahil sa pagka kinis nito. Di ako mag sasawang hawakan ang kamay niya at--- teka teka!!

Ano to Lune? Ano!? Bat ka nagiisip ng ganyan ha? Gago ka talaga eh no? Gago!! Baliw!!

"Hi!" Napitlag ako nang may biglang nag salita sa likod ko. Humarap ako at bumungad sakin ang mukha ng babae. Di to kilala. At mas wala ako time para kilalanin siya.

"I'm Trisia. But you can call me Trish.
Uuugghh." Sabi nito then pinulopot niya ang kamay niya sa aking leeg. Diniinan niya ang kangang katawan sa akin kaya dikit na ang aming katawan.

Nakapamulsa lang ako at deretsong tinitingnan siya sa mata. Ang landi talaga nitong babaeng to! Pustahan pa tayo! Di na to virgin oh!

Nakaramdam ako bigla ng pwersa. Tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa lakas nito. Binitawan ni ng babaeng to o si Trisia ang aking leeg kaya luminga linga ako sa paligid para hanapin kung sino yun. Sa di kalayuan nakita ko ang isang tao. Base sa postura at tindig nito lakip na rin ang buhok at suot nito ay klarong babae ito. Literal na namilog aking mata nang makilala ko kung sino ito si-- si Lea. May nakita akong butil ng luha na tumulo sa pisngi niya. Pinahiran niya ito saka tumakbo palayo.

Luha. Luha ba yun? Bat siya umiiyak? Nalala ko bigla na may tao pa pala dito liningon ko si Trisia. Nagulat ako ng nakita ko siyang naka luhod, ang isang kaliwang kamay niya ay nakadapo sa lupa para suportahan ang katawan nito at ang kanang kamay niya ay naka hawak sa leeg niya at naghahabol ng hininga. Nakita kong may dugo nang lumabas sa ilong nito.

Nawalan na siya ng malay kasabay ng pwersang yun. Aaghh! Shit! Oo nga pala ang pwersang yun. Pero wala naman akong nakita na ibang nilalang pinanggalingan nun at hindi rin yun galing sakin at dito sa babaeng to. Pwera nalang kay-- Lea! Pero imposible!! Mortal lang siya! Aahh shit!!

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Baka nandyan pa yung pwersa. Nasan kana! Magparamdam ka!. May nahagip akong malakas na enerhiya at mabilis itong naglalaho. Shit!

Tumakbo na ako para sundan ang pwersa. I mentaly cursed many times. Binilisan ko pa ang takbo dahil halos di ko na maramdaman ang pwersa.

Napahinto ako dahil hindi ko na talaga ito maramdaman. Sumandal ako sa kahoy para makapag pahinga. Tinawagan ko na rin sina Eris na kunin si Trisia sa park at dalhin sa clinic. Inutusan ko na rin silang pumunta dito sa kinaruruonan ko.

"*sob* s-sino yan? *sniff* may tao ba diyan?" Napa angat bigla ang ulo ko dahil sa pamilyar na boses. Hinanap ko ito at may nakita akong luma at abandonadong building. Base sa itsura nito ay sigurado akong nasunog ito. Itim na aura ang nararamdaman ko sa lugar na ito. At sigrado akong may itim na nilalang dito.
"M-magpakita k-ka!" Nag tago ulit ako sa isang puno. Sinulyapan ko kung san galing ito at nakita ko si--- Lea!! Bakit siya nandito?

Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon