Chapter 32: All in Her Plans

7.2K 213 15
                                    


King Fauel's POV: ( Lune's Father )

"Don't worry my queen. I'm sure our guards and army will take good care of the event. The safety of the students and the audience will be our top priority. Sisiguraduhin natin na hindi mangyayari ang pangitain mo. Trust me." I said reasurring to my beloved wife. She has this very rare talent. Sometimes, she can see the future for a short period of time. A glimpse in other words.

She just saw a great dark rainy sky. Dropping red blood. And underneath was a battle. We don't know when since walang hint of time ang mga pangitain niya kaya always na kaming handa. Even the event must be protected and secured.

Lalo na't kasali sa event ang aming anak. Siya na lamang ang natitira naming anak. Well siya lang naman ang nagiisang anak namin. Haha.

Kahit spioled yun, ay mahal parin namin yun. Naiintindihan ko-namin kung medyo lumayo ang loob niya samin.

Kase nga, marami kaming kailangang gampanan sa lugar. Lalo na't kami ang pumapangalawa sa pinakamataas na antas ng pamilya. Kaya lagi kaming abala sa mga bagay-bagay.

Pero alam namin na naiintindihan rin kami ng anak namin. Kaya sa taong ito, ay dadalo kaming mag-asawa sa laban ng aming anak. Para suportahan ito at mabantayan. Lalo na't may nakaambang panganib.

Natigil ako sa pagmumuni-muni dahil sa biglaang pagbukas ng double doors sa bulwagan. Iniluwa naman dun ang isa sa magiting naming heneral. Sa postura at bilis ng paglakad nito ay mahuhulaan ko nang importante ito. Pagdating niya sa aming harapan ay agad itong yumuko upang magbigay ng galang. Itinaas ko lang ang aking daliri sa kamay at tumayo na siya.

"Aking kamahalan, dalawang di matukoy na enerhiya ang nararamdaman ng ating energy orbs." Bungad nito.

"Ilang orbs ang pinakawalan nyo?"

"Libo-libo po at pinalipad sa iba't-ibang bahagi ng northern gates."

"Hmm." Napahawak ako sa aking baba.

"Saan banda?" Tanong ko. Medyo natigilan naman siya doon.

"A-ahm... di po namin alam."

Nangunot naman ang noo ko.

"Anong di nyo alam?" Mas sumeryoso na ang tono ng pananalita ko. Habang tahimik lang na nakikinig ang aking reyna na katabi ko lang.

"Bago pa po namin malaman kung saan ito ay nabasag na ang orbs natin." Sagot nito.

"Paanong nabasag yun? Dibah, nakastealth ang mga orbs na yun at di makikita ng kung sino man? At may defence and offense capabilities ang mga orb na yun!! Paanong nabasag?" Medyo tumataas na yung boses ko dahil sa galit. Kase naman eh! Paanong nabasag yun eh may mga capabilities yun! Tsk. Naramdaman ko namang hinawakan ng aking reyna aking kanang kamay kaya napatingin ako sa kanya. Kinalma ko naman ang aking sistema.

"H-hindi po namin talaga alam aming kamahalan. Masyado pong mabilis ang pangyayari. Last week, libo-libong mga energy orbs ang pinakawalan namin sa ere at pinalipad sa iba't-ibang bahagi ng northern gates. Pero kahapon lang ay bumaba na ang bilang ng mga ito."

Ano?! Papano nangyari iyon?! Napapikit nalang ako ng mariin.

"Ilan nlng natira?" Tanong ko habang nakapikit parin.

"Nasa dalawang daan pababa nalang po."

Aahh!! Nakaka frustrate ito. May kinalaman kaya ito sa pangitain ng reyna ko? Sa event? Sa Goddess?

Buntong hininga nalang ang sinagot ko at hinilot ang aking sintido.

"Mahal, kailangan kong pumunta control hall. I'll sort this one out. I'll be back." Mahinahon kong sabi sa aking reyna. Ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Tumayo na ako at hinalikan siya sa noo. I touched her chin and gave her a quick kiss. Then I turned my back and walked towards the double doors of the hall. Sumonod naman sa akin ang aking heneral.

Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon