Ordinary Day

2.9K 40 1
                                    

Time chech: 1:00 pm

"Gosh! Paki kuha naman yung bag ko sa office please. Thanks!" utos ko sa secretary ko.

Pagkabigay niya nang bag ko ay agad na akong nagmadali at diretso na ng gym.

Pagkadating ko, sinalubong agad ako nina Amy at Ella. "A usuall, late nanaman ang Phenom natin."

"Besh! Nag OT ka nanaman ba at late ka ngayon? Huh?" Nakapamewang na tanong ni Ella sakin. Nako ito, kung makapagsalita kala mo naman nanay ko.

"Marami lang po akong tinapos na trabaho inay😂" pagbibiro ko at tawa naman ng tawa ang iba naming teammates.

"Bully kahit kailan!" Nakabusangot na sabi ni Ella.

"Tama na yan guys, okay training na tayo" Rinig namin na sigaw ni Coach samin kaya dali na kaming pununta sa court at nagsimula ng mag training.

After. Haaaaayz! Buti naman at natapos na ang 5 hrs naming training. Nakakapagod talaga pero kailangan kasi may game pa kami tomorrow.
After namin magpalit. Nagkayayaan na kaming lahat na mag dinner pagkatapos ng training kaya agad kaming pumunta sa Shakeys.

Pagkapasok namin nakita ko agad ang mukha ng endorser nila. Namiss ko nanaman. Haaays. Ang tagal na simula nung huli kaming nagkita. Tsk.

"Miss mo na siya no?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Ella lang pala. At oo miss ko na siya talaga. Ayaw ko lang sabihin sa kanila.

"Ano ka ba besh! Nanggugulat ka naman eh!"

"Pero alam mo, miss na miss ko na siya. Tagal na din na diko siya nakausap simula ng umalis dito sa pinas." Maluha luhang sabi ni Ella. Aba miss din pala kahit iniwan kami.

"Drama besh. Tara na nga. Order na tayo." Sabay hila sa kanya at iwas na rin sa mukha ng endorser. Naiiyak na kasi ako.

"Ay. Di pa pala tinatanggal yang picture ni Dennise jan. Tagal na niyan eh." Isa pa tong si ate Cha. Nakoooo.

"Maganda kasi. Diba besh?" Loko talaga itong si Ella kahit kailan.

"Tsk. Ready na yung pagkain besh." Pagiiba ko ng topic.

"Lakas maka Change topic. Idoool!" Mga loko talaga. Nakaka inis.

Tawa sila ng tawa. Lahat kaki ng ku-kwentuhan about Random Stuffs. Tungkol sa Training, Trabaho at syempre Lovelife nila. Okay. Na op ako sa part na yun.

"Grabe Ella di bagay sayo ang nakapout. Hahahahahaha!" Tukso ni Ate Fille kay ella dahil naagaw lahat ng pagkain niya.

"Nako. Tara na guys. Anong oras na oh, tayo nalang nadito." Pag aaya ni Bea sa amin. Grabe ang bilis talaga ng oras pag nagkakasiyahan kayo ng mga friends mo. And tama! Kami nalang tao dito.

"O sige na guys bye! Mauna na ako ha? Pagod narin kasi ako eh. Ingat nalang kayo" Paalam ko sa kanila at bumeso na.

Pumasok na ako sa sasakyan ko at agad na pinatakbo ito dahil gusto ko na talagang matulog. Ang sakit na kasi ng katawan ko.

Uhrg! Bakit ba ngayon pa naging malala yung traffic! Sumandal nalang ako sa upuan at pipikit na sana nung may nakita akong nagbebenta ng Balloons. May naisip ako kaagad. Nami miss ko nanaman siya. Nasasaktan parin ako pag naaalala ko yung mga nangyari noon.

Flashback.💔

"Mahal! Ang cute non oh!" Sabay turo niya nung balloons sa may gilid.

"Wait lang ha." Bababa na sana ako ng kotse pero bigla akong hinila ni Den.

"Huh? Saan ka pupunta? Iiwan mo ako?" Sabay pout niya. Ang cute talaga.

"Nakoo. Ang cute naman ng mahal ko. Di kita iiwan no! At di mangyayari yun. Never!" Biglang umaliwalas ang mukha niya at parang kinilig konti. Nakaka gigil talaga siya. Pinisil ko naman ilong niya.

"So saan ka nga pupunta?" Tanong niya ulit. Na hawak hawak pa yung kamay ko.

"May titignan lang ako doon sa may gilid."

"Balik ka kaagad ha? Mami kiss kita agad eh. 😍" Bumabanat nanaman. Haynako. Kinilig ako doon. Kahit sa simpleng mga banat lang niya.

"Ay si Baby, syempre naman babalik ako. Basta wait labg ha? Love you!😘" sabay halit sa may noo niya at di ko na hinintay ang sagot at dali daling pumunta sa bilihan ng lobo🎈

"Kuya magkano po yung asul na lobo? Yung malaki?"

"200 po ma'am."

"Ah sige. Kukunin ko po." Sabay abot ni mnong yung lobo at binigay yung sukli ko.

Nagulat naman ako dahil biglang nagsalita sk manong. "Ang swerte po siguro ng bibigyan niyo niyan."

"Ay. Oo naman po. Pero mas maswerte ako. Hehehe. Ah una na po ako. Naghihintay na yung prinsesa ko eh" sagot ko kay manong at agad ng pumunta sa sasakyan. Nadatnan ko si Denden na nagce-cellphone. Aba, busy ang baby ko.

"Hai baby Mahal!" Mukang nagulat ko yata siya.

"Ay anak ng mahal ko!" Ano ba naman yan Akyssa! Nakakagulat ka!" Sabay hawak sa may puso niya. Nagulag ko nga talaga siya.

"Sorry baby! Gusto ko lang kasing ibigay ito sayo oh!" Ay binigay ko na yung lobo. Agad naman siyang ngumiti at niyakal ako bigla.

"Wow. Thankyou mahal! Eto ba yung binili mo?"

"Hmmm. Oo. Sorry nag sinungaling ako." Paliwanag ki sa kanya.

"Okay lang yun! I love you mahal!"

"I love you too! Saan na ngayon tayo pupunta?"

"Kaw na bahala." Tipid niyang sagot. Kaya pinaharurot ko na yung kotse at pumuntang resto.

End of Flashback

Agad akong nabalik sa reyalidad ng sunod sunod na ang pagbusina ng mga sasakyan. Ang tagal ko rin palang ng throwback. Hahaha. Pero seryoso, nami miss ko na talaga siya. Oo, mahal na mahal ko pa siya at gusto ko pa siyang bumalik sa buhay ko. Mahal parin talaga kita Dennise Michelle Garcia Lazaro. Hinding hindi yun mawawala sa isip at puso ko kahit na nasaktan ako ng dahil sayo.

My Past With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon