Beach

1.4K 27 0
                                    

Medyo Mahabang Chapter ito para sa AlyDen. Enjoy Guys. ☺️












____________________
Alyssa's POV

Nag aya si Ella mag Bora. Ewan ko sa dwendeng to kung bat naisipan. At andito na nga kami sa Airport. Iniintay nalang daw si Denden. Nakakainis. Bat ba isasama pa siya?!

"Anjan na siya guys. Let's go?" Halata ang sign of relieved ni Ella.

"Sorry late ako. Andami ko kasi munang tinapos na Trabaho" pagpapaliwanag niya kay Ella. Nag nod lang naman siya at ngumiti.

"Tsssk" yan lang nasabi ko. Oo guys. Naiinis parin ako kay den. Lahit nga nung Lunch, inis pa ako pero di ko pang pinahalata

Tumingin lang sa akin si den at dumiretso na papunta sa Plane

"Besh!" Tawag ko kay Ella.

"Oh bakit?"

"Dito ka po kaya oh." Sagot ko. Paano ba naman, magkatabi kasi kami ni den. Di lang ako makaka ayos neto eh.

"Opo. Haays" lumapit narin naman si Ella.

"Besh, dito ka sa may gitna." Pangaalok ko sa kanya.

"Ayoko, gusto ko sa may bintana" wala na din naman akong nagawa kesa sa umalis si Ella at kaming dalawa lang ni Den diba?

Nag headphone nalang ako at umayos na. Medyo malayo naman kaya matutulog nalang ako.

----------

Dennise's POV

Magkatabi kaki ngayon ni Alyssa. Oo alam kong galit siya sa akin ngayon. Pero di ko lang maintindihan, okay naman kami noong past few days na magkakasama eh. Although alam kong galit dahil baka sa past.

Ramdam kong nakatulog na siya. Nagulat naman ako ng biglang sumandal yung ulo niya sa balikat ko.
Tinitigan ko lang siya. How I missed her eyes, nose, lips. Lahat namimiss ko sa kanya.

Lumapah na tong plane. Ginising ko na rin si Alyssa. Mantika kubg matulog. Naka lima ata akong tawag at tapik bago siya nagmulat. Halata naman ang pagakataka at pagkagulat ng makita niya ako

"Nag e-enjoy ka na ba besh, kaya ayaw mo ng magising?" Rinig ko yung bulong ni Ella kay Alyssa nung pababa na kami. Nagbuntong hininga lang si Alyssa at bakas ang galit na may halong inis sa aura niya.

Nagpunta narin kami sa hotel na tutuloyan namin. Ibinigay narin ang susi.

"Ma'am Gretchen, may ipagiutos pa po ba kayo?" Tabong ng nag assist sa amin na crew dito sa hotel.

"Ah wala na ate. Thankyou. Siguro mamaya nalang."

"Ang yaman Greta ha" si ate Cha yun.

"Maliit na bagay. Hahahaha!" At nagsitawanan narin kami.

Pinili ko munang magpahinga sa kwarto since di ako nakatulog ng maayos gawa ng nakasandal si Alyssa sa balikat ko kania. Nangalay nga din eh. Humiga nalang ako at napapikit.

---------

Alyssa's POV

Nandito na kami sa Hotel. Pagmamay-ari ito nila ate Gretch. Pinili naman namin ni ate Fille ang maglakad lakad. Na excite kasi ako. Ang ganda lang.

"Ganda ata ng gising natin" si ate fille na ngumisi.

"Nakatulog kasi ako."

"Oo. Alam ko. Kaya nga maganda ata yung gising ko eh, kasi maganda yung tulog mo" parang naguluhan naman ako sa sinabi niya. Di ko po gets.

My Past With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon