1

2 0 0
                                    

FROM ABOVE

UserName: AyemBloo

"When they said it's forbidden to fall, I already did."

1 year ago, I was the same old me. Ganitong ganito din yun. I was born on the 25th of December so siguro inaakala ng lahat na masaya. Christmas e. Maraming kainan, regalo saka mga party. Pero lahat nang yon, wala sa birthday ko. Mag-isa lang ako lagi sa araw na yun. What? It was like a tradition, actually. Iniisip ko na lang na ganun tutal wala din naman akong magagawa kung magmumukmok ako't magtatanong sa langit kung bakit ganito ang buhay ko.

1 year ago, I was the same old me. I was single since the day immemorial. I cannot stand a girl. Hindi sa bakla ako! Hindi ko lang siguro alam kung paano nagwowork ang mga relationships but then, kailangan bang alam mo ang isang bagay para magawa ito? That was one of her thoughts. Gasgas mang pangyayari but it all started with those basic drama lines..

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" I looked at her, hindi pa ako sigurado noong una kung ako ba talaga yung kinakausap nya. Hanggang sa maupo sya sa upuan sa harapan ko. Sa moment na yun, naramdaman ko na. Nabasag na ang tradisyong pinanghahawakan ko ng may isang dekada na sa buhay ko. She then blowed the candle na nakalagay sa isang maliit na cake na dala-dala nya.

"Madalas ka ba dito?" Wala akong naisagot kundi ang pagtango. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Her smile, parang nakita ko na noon pero hindi ko lang matandaan kung saan. 

"Minsan sa ibang restaurant ka naman pumunta." Natatawa nyang sabi. Tinawag nya ang waiter at umorder pa sya ng ibang mga pagkain. Noong araw na yon, ang pinakamasayang birthday ko. Medyo naubos nga lang ang 13th month pay na naitago ko pero ok lang.

Nagpunta kami sa isang park na malapit lang.

"Heto. Birthday mo din ngayon di ba? Regalo ko sayo." Inabot nya sakin ang isang wrist watch. Hindi ko sana tatanggapin kundi lang nya ipinilit na isuot yon sakin.

Nakakita ako ng isang gift shop at pumasok ako doon saglit. Pinaghintay ko muna sya sa may labas. Gusto ko syang bilhan ng regalo. Nakakahiya naman kase, birthday din nya ngayon. Siguro mag isa lang din sya sa buhay. Pasasalamat ko na rin to sa kanya at remembrance.

"Oh, nagkabalikan na pala kayo ng syota mo?" Ani ng matandang lalaki sa counter.

"Po? Hindi ko po sya syota." Nahihiya kong sabi. Magsasalita pa sana sya pero nauna na akong umalis. Nakakahiya! Ang ganda naman ng babaeng yon para maging syota ko.

  Nanood kami ng fireworks display. Tuwang tuwa sya sa mga yon.  

"Alam mo, yung ex ko.. lagi nya kong dinadala dito para mapanood namin to every year."

"Nasan na sya ngayon?" Bahagya syang natigilan bago ngumiti pero hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Ang sabi nya, hindi nya na ko mahal. Matakaw daw ako eh. Saka, hindi daw ako malambing.Minsan nga nareklamo nya din na masakit daw ako manuntok. Ewan ko ba.. Siguro sawa na sya sakin kaya ang dami nyang reklamo."

Hindi ako makapaniwala na may sirang lalaki ang papakawalan pa ang babaeng tulad nya. So, hiniwalayan sya dahil sa mga simpleng bagay lang?

"Kung ako yun, hinding hindi ako magsasawang panoorin kang kumain. Ako ang manglalambing sayo. Magsusuot ako ng armor prMotector para matiis ko ang mga suntok mo." Natatawa kong sabi pero deep inside, totoo sa puso ko ang mga sinasabi ko.

"Talaga? Gagawin mo yun?" Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin matapos kong mapansin ang pagtulo ng mga luha nya.

"When they said it's forbidden to fall.. I already did. May mga bagay na hindi mo maiiwasan."

Sa puntong yon, hiniling kong sana ako na lang. Bakit ako naaapektuhan sa babaeng minsan ko lang nakilala? After that hindi ko na sya muli pang nakita. Sinubukan kong magpunta sa restaurant na kinainan namin noong birthday ko pero hindi naman sya bumalik doon. Hindi ko sya nakita kahit saan. Wala ding nakakaalam kung sino ba sya. Naisip ko ngang kahibangan lang ang hanapin sya pero nang sumapit muli ang araw ng birthday ko, nagka idea ako. Makita ko uli sya?

Hinintay ko sya sa restaurant. Dumating ako sa oras na nakagawian ko. Ginawa ko ang mga bagay na nakagawian ko pero nauwi lang din pala sa usual na tradisyon ko ang araw na yun.

Pauwi na ako nang mapahinto ako sa isang pamilyar na lugar. Dito kami nanood ng fireworks. Malapit nang matapos ang araw. Makikita ko kaya sya? 

"Naniniwala ka na ba sa love at first sight?" A familiar voice said. Kasabay nun ang pagsisimula ng fireworks display. 

"Nandito ka." I uttered. She look sick.

"May mga bagay kasi na hindi maiiwasan. They said it's forbidden to fall but--"

Bago pa nya matapos ang mga sasabihin nya ay napaluhod na sya at muntikan pang bumagsak nang tuluyan. Mabuti at naalalayan ko sya agad.

"T-teka anong nangyari?" Sa kamay ko ay umagos ang dugo mula sa likuran nya.

"I already did." Wika nyang lalong nagpagulo sa isipan ko.

Once, may isang tao ang nagsabi sakin nun.

"Rara." Biglang sambit ko. Maski ako nagulat. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang salitang nasambit ko. Narinig ko ang marahang paghikbi nya.

"I fell, literally. It was painful."

Sunod sunod at magulo nang una pero biglang mabilis na pumasok ang mga pangyayari sa utak ko. Nananaginip ba ko? Ano to?

Napahawak ako sa ulo ko at unti unti kong naalala ang lahat.

"This will be my last gift. I failed the last time, pero hindi ko kayang sumuko na lang. I know, I'll be happy too. This is my last gift for us."

Our memories. Angels are always there living with us humans. Marahil hindi lang talaga sila nakikita ng ilan. At ang iba sa kanila ay nagmamahal ng tao although that was forbidden. And relationships between angels and humans... May mga bagay na hindi maiiwasan.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shots by AyemBlooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon