Chapter 6- Forget the Nips!Give me the Guy with the Guitar!

20 0 0
                                    

So ayun nga. kunwari nagpatay patayan ako sa gitna ng daan at nang-

"Okay ka lang ba"?

Boses na hindi pamilyar sakin?

Curious, binuksan ko ang aking mga mata para makita ang "future husband ko" (kuno haha) na nakahawak sa mga kamay ko.

"okay ka lang ba? ito tutulungan na kita." Inabot niya ang kamay niya.

TAKE ME NOW!

"ooo-okay lang ako." kinuha niya ang kamay ni boy.

ang lambot. ang sarap sa pakiramdam.

Tinulungan niya ko tumayo. tapos nakita ni boy ang gitara niya sa tabi ng daan malapit sa kanila. Sinuri niya ang gitara niya at si MJ naman tinitignan din niya si boy.

Hot and Musician!!

"Tumutugtug ka nga gitara"?

OO NAMAN TUMUTUGTUG SIYA NG GITARA NOH ANO KABA MJ!!

"Oo ,ako nga pala si Jessie, Nasa banda ako ng "Last Pick". May narinig ka na ba tungkol samin?"

"Yeah! I love you guys!!"

SINO??

At ayun nga nakisali nanaman ang mga TAMBAY QUEEN sa usapan na lagging palpak nalang pag nakikita ko sila.

"Kilala  naming kayo!!" sumigaw ang mga TAMBAY QUEEN

"Nawawala kasi ako,pupunta dapat kami sa bahay ng kabanda naming para magrehearse sa bahay nila. Nakatira siya rito eh dito daw banda. Pwede mo ba akong tulungan kung saan yun?"

"Anong pangalan ng kaibigan mo?" sagot ko

"Terri Feliciano. Kilala mo siya?"

Bago pa ko makapagsalita nakisingit nanaman to si Jeraldynne," Oo kilala naming siya. yung kapatid niyang freak.Yung kapatid niyang hindi nagsasalita simula ng namatay yung nanay niya nung nakaraang taon".

Cellyn,"Uy huwag mo naman sabihin yan,hindi siya freak. tahimik lang talaga."

Jeraldynne."ah oo, tahimik na freak!"

Ang mga tambay queen ay nagtawanan at nagapiran.

Pag ako ay stress,gusto ko lang magpatugtug ng Ukulele. Aakyat sa kwarto at kunin si "Carmen" ipinangalan ko sa Ukulele ko. At pumunta ako sa bubuong kasama si Carmen para  magpatugtug at magsulat ng kanta.

Patingin tingin sa paligid,

Agad na nabighani ang,

pusong manhid.

Ikaw ang hinahanap hanap,

Sa umaga at sa gabi ika'y,

pinapangarap.

O kay sarap,

sa pakiramdam,

Ikaw na nga ba talaga, sinta?

Lalalalalove at first sight-

KNOCK KNOCK KNOCK!

Sino ba kasi yun??

Dali dali akong pumunta sa baba at sumilip sa bintana.

OMG SI JESSIE!!

Biglang tingin ako sa salamin para magayos.Nagkunwari ako na hindi ko alam siya ang darating.

"Oh hello Jessie. Anong ginagawa mo rito?

"Kala ko ba tutulungan mo kong mahanap ang kaibigan ko?" Pumasok nalang bigla si Jessie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel of the Barangay - Tagalog VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon