Sino nanaman ba yang katext mo hah? ito agad ang bungad sa akin ng girlfriend ko ng nakita niya akong hawak hawak lang ang phone ko habang nag lalaro ako ng Clash of Clan. Nasa mall kami kasi nung time na yon at ang tagal-tagal ko nang naghihintay sa kanya dahil na mimili pa siya ng mga dress na bibilhin niya para sa dadaluhan naming kasal ng kaibigan namin. Alam ko na ganito na ang mangyayari kaya naman sinadya kong dalhin ang cellphone ko para dito ang kaso lang.
Irish: Ano? Sino nanamang babae ang katext mo at ngingiti-ngiti kapa diyan!? (habang naniningkit ang mata)
Andrew: Wala naman sino naman ang i tetext ko eh lahat ng contacts ko binura mo. (sagot ko na may halong tampo)
Irish: So nag rereklamo ka ganon? Baka gusto mong ipaalala ko sayo na kung hindi kita na huli na nakikipag landian sa phone eh hindi ko naman gagawin yon! (sagot nito habang nakatingin siya ng maigi sa akin)
Heto nanaman po tayo, binanatan nanaman ako ng mga issued ng nakaraan, minsan naaasar man ako ay hinahayaan ko na lang siya na mag salita dahil alam ko na sa huli ako pa rin ang talo. Ganoon naman talaga madalas. ang lalake ang palaging mali. Hindi nagtagal ay unti unti na siyang lumalapit sa akin at kinuha ang phone ko.
Irish: Tingnan muna, imbes na tulungan mo akong mamili ng damit eh nag lalaro kalang!! ( may halong galit at pagtatampo ang tono)
Alam ko na delikado na ang sitwasyon ko sa tono ng boses niya! Siya kasi ang tipo ng babaeng mahirap amuhin lalo na pag sinumpong kaya agad akong nag isip nang paraan para makabawi.
Andrew: alam mo babe kahit naman anong isuot mo eh bagay naman sayo, ang ganda ganda mo kasi.
Namula ang pisngi ng girlfriend ko dahil sa sinabi ko halatang nahiya dahil pinagtinginan siya ng sales lady ng mall sabay ngiti na parang kinikilig habang pinanonood kami. Walang halong bola ang sinabi ko maganda naman kasi talaga ang girlfriend ko.Matangos ang ilong, cute, mapula ang labi at sa unang tingin ay napaka inosente niya yun ngalang eh kapos sa height at maliit ang dib dib in short para siyang bata.
Imbis na magpasalamat si Irish sa pagpuri ko sa kanya ay in-uninstall niya ang game ko sabay bulong sa tenga ko ng, ayoko ng may iba kang nilalaro bukod sa ano ko. Matapos niyang sabihin ang bagay na iyon ay nag lakad na siya papunta sa cashier para bayaran ang mga napili niya.
Ako naman ay naiwan habang pinamumulahan ng mukha. Ewan ko kung seryoso ba siya sa sinabi niya o gumanti lang siya dahil sa napahiya siya kanina. Pero mag kaganoon man ay hindi na ako muli pang nag laro ng kahit na anong games sa phone ko kahit na hindi ko siya kasama.
Madalas man kaming magtalo ni Irish dahil sa mga maliliit na bagay na nakikita niya sa akin na hindi niya nagugustuhan ay sa huli naman ay siya rin ang mag so-sorry sa akin at yun naman ang gusto ko sa kanya dahil tuwing magso-sorry na siya ay napaka lambing niya sa akin. Yayakapin niya ako nang pagkahigpit higpit sabay sabi nang "Sorry na babe please! bati na tayo" at pag ayaw ko pang makipag bati ay pilit niyang aabutin ang lips ko para lang i kiss ako. Hanggang dib dib ko lang kasi si Irish kaya naman hirap siya sa pagabot ng lips ko kaya naman madalas ay ako na ang humahalik sa kanya. Pag sinabi ko naman na ang liit mo kasi ay idadahilan niya na hindi daw siya maliit sadyang matangkad lang daw ako. Matatawa na lang ako dahil kahit anong ibato ko sa kanya ay lagi siyang may hirit para dipensahan ang sarili niya.
Ako si Andrew at siya naman ang gf ko si Irish, 2 years na kaming mag on at tandang tanda ko pa kung paano kami aksidenteng nag ka kilala.
Halos 3 years na ako sa pinag tatrabahuhan kong restaurant bilang head chef at sa tinagal tagal ko dito ay halos araw araw ko nalang inuulit ang aking mga ginagawa kaya naman bored na bored na ako sa aking buhay, sa edad ko na 26 years old ay nakamit kuna ang ilan sa mga pangarap ko.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Will Kill Me
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa isang lalake na dahil sa isang aksidente ay natagpuan niya ang isang babae na kahit sa panaginip ay hindi niya inaasang magustuhan. Isang babae na magiging dahilan ng mga pagbabagong hindi niya inaasahan. Ngunit mahul...