Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi parin ako sanay na kasama ko siya sa bahay, lalo na kapag pinapansin niya ang mga ginagawa ko. Kung paano ako kumain, kung paano ako magluto, kung paano ako mag salita at lalong lalo na kung sino ang mga katext ko. Naiinis ako, sobrang naiinis ako pero kahit na sobrang naiinis ako ay wala sa bokabolaryo ko ang manakit ng babae. Madalas pag nag uumpisa na siyang magsalita ay umaalis na lang ako para hindi ko na marinig ang nakakainis niyang salita. Ngunit sabi nga nila na lahat ng bagay ay may hangganan at hindi ko malilimutan ang araw na kung saan sumabog ng ang galit ko ng hindi sinasadya.
Kakauwi ko lang galing sa trabaho at sobrang naiinis ako dahil napagalitan ako ng boss ko kahit na wala akong kinalaman. Isa sa mga guest na kumakain sa restaurant ang sinumpong ng allergy dahil sa kinain nya at muntik nang malagay sa panganib ang buhay niya kung hindi siya agad nadala sa hospital. Halos lumubog na ako sa kinatatayuan ko sa patong patong na mura na inabot ko. Sa totoo lang ay hindi ako ang nag luto ng pagkaing kinain niya at hindi rin ako ang nag take at nag serve ng kinain niya dahil nung time na dumating at nag order siya ay kasalukuyan akong naka break at kumakain ng lunch ngunit dahil ako ang in-charge sa kusina ay sa akin na bunton ang lahat ng sisi. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay ang masermonan sa bagay na hindi ako ang may gawa kaya naman maaga akong umuwi para mapakal ma ko ang sarili ko dahil kung hindi baka sa restaurant ako mag wala at masaktan ko pa ang taong totoong may sala. Ngunit pag dating ko sa bahay ay siya namang bungad sa akin ng nagwawalang si Irish.
Buti naman at nandyan kana! Bakit hindi ka man lang nag iwan ng makakain bago ka umalis nang bahay, ni hindi mo man lang inisip na may kasama ka na sa bahay. Baka nakakalimutan mo na may pananagutan kana sa akin kaya responsibilidad mo na pangalagaan mo ako. Dire-diretso nitong sabi sa akin na sa totoo lang ay ayaw ko itong marinig dahil lalo lang nitong pinasasama ang loob ko. Para makaiwas ay pumasok na lang ako sa kwarto. Balak kong gumimik at lumabas ng gabing iyon upang makalimutan ang mga nangyari sa buong araw na iyon ngunit bago paman ako makalabas ng pinto ng kwarto ko ay bigla na lang akong hinarang ni Irish.
At saan mo naman balak pumunta? May kakikitaan kang babae no? Sino yang hayop na yan!? Wag na wag mong susubukang lumabas ng bahay kung ayaw mong isumbong kita sa mga kuya ko. Sabi nito na hindi ko na lang pinansin at nilampasan ko na lang ito ngunit ang sunod niyang ginawa ang hindi ko na talaga na gustuhan. Mula sa likuran ay sinabunutan niya ako dahilan upang mapaharap ako sa kanya ngunit pag harap ko ay isang sampal ang kanyang sinalubong sa akin na ikinagalit kona ng todo. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at inangat ko ang kamao ko. Handang handa ko na siyang suntukin ng oras na iyon subalit ng makita ko ang takot na takot niyang mukha ay bigla akong napabitaw sa pag kakahawak ko sa kanya at dumiretso na lang akong lumabas.
Halos hating gabi na akong nakabalik sa bahay,bahagya lang akong uminom pero ramdam kong tinamaan na ako ng espirito ng alak ngunit alam na alam ko pa rina ng nangyayari sa paligid. Pag dating ko sa gate ay nagtaka ako kung bakit madilim sa loob ng bahay? Naisip ko na umalis na siguro si Irish ngunit pag pasok ko sa loob ng kwarto ay nadatnan ko siya sa isang sulok habang umiiyak. Kitang kita ang pagka maga ng mata nito, tanda nang ilang oras niyang pag iyak. Naisip ko na simula ng umalis ako hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil ng pag iyak. Nakaramdam ako ng guilt sa mga ginawa ko kanina. Bakit ngaba sa kanya ko pa na ibuhos ang galit na nararamdaman ko kanina. Habang tinititigan ko siya ay lalo lang akong nakakaramdam ng pag sisisi sa nagawa ko.
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin, kasabay nito ay ang isang mahigpit na yakap. Tumingala ito at pilit na inaabot ang aking labi at nang makita kong nahihirapan na siya ay saka ko na ibinaba ng kusa ang mukha ko upang mahalikan na niya ako.
Ano bang iniisip niya? Tanong ko sa sarili ko. Kung gaano katagal niyang hinahalikan ang labi ko ay wala akong idea basta ang alam ko ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Ilang sandali pa ay nag salita na ito.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Will Kill Me
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa isang lalake na dahil sa isang aksidente ay natagpuan niya ang isang babae na kahit sa panaginip ay hindi niya inaasang magustuhan. Isang babae na magiging dahilan ng mga pagbabagong hindi niya inaasahan. Ngunit mahul...