I: Personal Info

5 0 0
                                    

Hi! Tawagin niyo na lang akong Leigh. As much as possible, ayokong sinasabi ang pangalan ko sa buong mundo (actually sa mga nakakapagbasa lang at nakakaintindi ng Filipino) dahil baka i-hunt niyo ako at instant celebrity ang dating ko nun! Hahahaha! Joke lang. Pero 'di nga. Mawawalan ako ng kahit na anong uri ng privacy. Baka i-search niyo 'ko sa kung saan-saang mga sites at maghalungkat ng mga nakakahiyang past pictures noong mga jeje days pa, ganon. Ang pangit nun. 'Wag ganun.

Okay. Let me start again.

Ako si Leigh. Ipinanganak noong 1998 sa bansang Pilipinas at bunso sa aming magkakapatid na babae. Nakatira ako ngayon sa NCR sa Pilipinas pa rin hahaha! May mga magulang pa ako. Isang tatay at isang nanay (siyempre alangan namang dalawa XD). Ang probinsya ko ay sa Tarlac kung saan ipinanganak at lumaki ang nanay ko. Nag-aaral na ako bilang college student. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap.

Tutal nasa usapang pera na naman na tayo, gusto ko lang sabihin na magastos ako, pero kuripot. Alam niyo 'yun? Oo alam kong alam niyo 'yun. 'Yung tipong 'pag para sa'yo, ang gastos mo, pero 'pag may nanghingi ayaw mong bigyan XD. Ganun ako. Oh well, noong una. Pero na-realize ko na ang pangit naman 'nun. So as much as I can, nagbibigay ako, at once in a blue moon ako manlibre. Swerte na ng mga kaibigan ko kung nandoon sila sa araw na nanlibre ako kasi sobrang dalang lang talaga. Lalo na't ang pera ay hindi pinipitas sa puno at hindi itinatae, at lalong hindi iniiri ng gansa. Hirap na hirap akong mag-ipon. Pero kapag may gusto talaga akong bilhin, hindi ako kakain para lang makapag-ipon. Pramis.

May sampu akong matalik na mga kaibigan. Minsan, feeling ko sampid lang ako sa kanila pero sinasama pa rin nila ako sa mga plano nila, so I feel like one of them. May isa pa akong kaibigan na parang bestfriend ko na rin. Pero ang pinaka-bestfriend ko talaga ay yung pinsan ko. Sa buhay ko, mayroon akong goal habang nag-aaral pa ako. 'Yon ay ang magkaroon ng tatlong bestfriend. Isang babae (check!), isang lalaki, at isang bakla. Sa ngayon, babae pa lang. Ang saya lang kasi 'di ba kung may bestfriends kang iba-ibang uri. Iba-iba rin ang takbo ng isip nila at mas marami kang matututunan kung paano mag-isip ang karamihan sa species nila XD.

Ako kasi, medyo boyish. 'Di ako tibo ah? Ang pangit lang kung magiging tibo ako. Hindi sa sinasabi kong pangit ang lahing tibo (at bakla), pero alam niyo 'yun? Ayokong palitan kung ano ang ipinagkaloob sa'kin na kasarian. Parang mali. Hindi ako nagdi-discriminate ah! Hindi rin ako defensive. Nililinaw ko lang para walang misunderstanding. Though gusto kong maging lalaki. Sana nga lalaki na lang ako eh. Eh kaso wala eh, babae na ako eh, wala na akong magagawa. Ayokong magpa-sex change. Bukod sa mahal, hindi ko talaga masikmura kung gagawin ko 'yun. Parang itatakwil ko yung sarili ko. Ito na nga ako eh, papalitan ko pa ba? Ang astig ko kaya, charot!! Hahahaha! Pero seriously, pusong babae pa rin ako. Gusto ko yung gusto ng mga babae. Pero yung simple lang. Isip at pusong babae pa rin ako. Although I try to like what men like. Iniisip ko kung anong nagustuhan nila sa mga bagay na hindi binibigyang-pansin ng mga babae. Iniisip ko kung bakit nila nagustuhan yun. Katulad sa kotse. Kapag babae, ang unang iisipin nila, kung maganda ba yung design at kulay. Kapag lalaki naman, iisipin nila kung maganda ba yung engine, maganda ba yung takbo nung sasakyan, iche-check nila yung specs and everything, saka lang nila iisipin yung design at kulay.

Sa mga desisyon o kaya pagtatalo, o kaya naman perspective, lagi kong unang iniisip yung mga naiisip at damdamin ng lalaki. Alam ko na kung ano at paano tumakbo ang isip at damdamin ng babae, so bakit ko pa iisipin 'yun? Alam ko na ang sagot dun. So parati akong tumitingin sa perspective ng lalaki. I'm putting myself in their shoes. Para balanced 'di ba? Kaya kapag kunwari, may bubuhatin, parating boys ang pinagbubuhat. Alam kong mas malakas sila kaysa sa mga babae, pero tao rin naman sila. At hindi naman pantay-pantay at pare-parehas ang mga kakayahan nila. So tutulungan ko silang magbuhat. Noon, nung sobrang bata pa ako, mahilig akong manakit, mambatok mga ganon, mostly lalaki. Eh sa natutuwa ako eh hahahaha! Alam ko kasing 'di nila ako sasaktan pabalik. Takot lang nila sakin. Ewan ko nga kung bakit parang takot sila sakin, wala naman akong ginagawa para ma-intimidate sila. Para yatang may air of superiority ako simula pa nung bata ako. Anyway, balik tayo sa usapan. Ayun nga. Mahilig akong manakit.

One time nung elementary, nambatok ako, which is normal na para sakin, ng katabi ko (lalaki) kasi ang tanga nung sinabi niya nakakainis. Ang walangya binatukan din ako! So binatukan ko ulit siya. Guess what? Binatukan niya ulit ako. Pisting yawa. 'Dun ko siya inasar na bakla saka binatukan siya ulit. Eh ang leche nagalit! Sabagay, sino nga bang hindi? Ang bobo ko naman nung bata ako peste. Ayun binatukan ulit ako. Ay jusko. 'Di kami matatapos dito. Tinigil ko na, dahil mas matino at mas malawak ang pag-iisip ko kaysa sa katabi ko (echos!), at baka maalog ang napakatalino kong utak at mabobo pa 'ko. Simula 'nun, napagisip-isip ko na bakit kapag ang babae, nambatok, okay lang? Pero kapag ang lalaki naman gumanti at nambatok din, bakla kaagad? Parang ang unfair 'di ba? So yun. Since then, 'di na 'ko nanakit ever. Tuwing nadadala lang kapag sobrang tanga ng kausap mo, ganon. On reflex ba. Baka magtino kapag naalog ang utak.

Tae may naalala ako hahahaha! Nung elementary din, one time, may sinabi ako sa kaklase ko. Sabi ko ganito "klasmeyt, kinain ko na yung koko crunch ko" na parang proud na proud ako na ewan hahahaha. Tapos ang sabi niya sakin "oh talaga? Ok" saka siya umalis. Langya naguluhan talaga ako nun. Taena dun ko lang na-realize nung umalis siya na hindi pala yung mga kaklase ko yung kasama ko sa koko cruch something. Parang convention siya na ewan. May games at coloring contest pa. Pambata talaga as in. Napaka-bobo ko talaga minsan. Akala ko fieldtrip siya. 'Yun pala, kasama ko dun yung mga magulang ko at mga kapatid ko. Napakatanga! 'Di na 'ko nakapag-sorry sakanya nun at hinayaan ko na lang. Sabi ko makakalimutan din naman niya 'yan. 'Di naman kami close para matandaan niya pa 'yan. Hanggang ngayon 'di pa rin ako maka-move on sa katangahang ginawa ko bwiset! Pag-uwi ko, kinain ko na lang yung isa pang koko crunch ko dun sa cabinet at nanood ng t.v. Sitting like a boss hahahahaha! Ewan ko nung bata ako, parang napakabobo ko talaga hahahahaha!

So 'yun nga. Doon na nagsimula ang napakatalino kong buhay na kung saan kayang-kaya ko nang magbigay ng advice sa ibang tao sa mga bagay na hindi ko pa nararanasan. Dahil mahilig akong magbasa, parang nararanasan ko na rin ang iba't ibang uri ng pangyayari at karanasan (ang redundant ko). Kaya kayang-kaya kong magbigay ng advice, kahit hindi ko naiintindihan ang problema, na maaaring makatulong sakanya, o makasira sa buhay niya kapag sinunod niya yung advice ko. Kaya parati kong dinadagdag sa huli ang mga katagang "pero di ko alam ah? Opinyon ko lang 'yan. Base naman sa'yo kung anong gusto mong gawin" para kung masira man buhay niya dahil sinunod niya yung payo ko, 'di niya ako masisisi. Pinapili ko siya eh. Saka isa pa, kasalanan pa rin niya 'yun. Siya ang nanghingi ng payo ko nasasakanya kung susundin niya ba o hindi. Kaya either way I'm safe nyahahahahahaha!

Mahilig ako sa mystery, thriller, action at adventure. Lalo na detectives! Not really typical for a girl, yes, pero hindi naman 'yun nakakagulat. 'Di naman kakaiba 'yun eh. I like watching sports, pero kapag napadaan lang sa sports channel at napilitang manood kung wala nang ibang palabas na mas gugustuhin kong panoorin. The sports I know best is basketball and volleyball. Ibang parts lang naman, yung mga basic. Isiniksik kasi samin 'yun nung elementary at high school. 'Yung pag-aaral 'nun. Pero nakalimutan ko na ang karamihan, lalo na sa rules. Ang alam ko lang ay yung pinakamadalas maganap na fouls at ang tinitingnan ko lang ay yung scoring/standing ng bawat team na naglalaro. 'Yun lang. Pero nakaka-engganyong manood lalo na kung may sinusuportahan akong team. Saka kapag may nagkakamali XD

Late ako matulog. Umaga ako natutulog halos araw-araw kahit na may pasok pa kinabukasan. Ewan ko. Nocturnal ako eh. Gumagana utak ko sa gabi. Sa gabi din ako gumagawa ng kalokohan at ng mga hobbies ko like drawing. Mahilig ako mag-drawing and proud ako sa mga nado-drawing ko, maliban lang sa mga loko-loko lang 'pag walang magawa. Mahilig din ako kumain kaya medyo nananaba na ako hahahaha!!! Pero hayaan na ang taba. Physical appearance ain't that important. Personality is the best trait you can ever get and it never fades.

Lagi akong late sa klase at wala akong time management. Mas inuuna ko ang gusto kong gawin bago yung kailangan kong gawin. Hahahaha! Ewan ko ba. 'Di ko matanggal-tanggal sa sistema ko. Parati akong nagbabasa ng kahit na ano maliban lang sa textbooks at workbooks. Parati kong hinuhuli yung mga kailangan kong gawin at paglilibang lang ang ginagawa ko kapag marami akong oras, kahit na may mga dapat pa akong dapat tapusin (like homeworks and projects na sa school ko na ginagawa). Sa awa ng mundo, pumapasa pa naman ako sa school. Matataas pa naman yung mga grades ko. Siyempre, ano pa bang aasahan mo sa isang henyo? Wahahahahahaha!!!!

Ayun isa pa! Yung trademark ko, ika nga ng mga kaibigan kong baliw. Magaling akong mag-hapit. As in! Kahit na ilang minuto na lang bago ang pasahan, nakakagawa pa ako ng isang magandang gawain. Tumataas grades ko dahil dun XD. Yun din ang dahilan kung bakit ako pumapasa. Ang galing ko talaga kahit kailan XD.

Yun lang naman ang dapat niyong malaman tungkol sakin at sa buhay ko, for now.


Ay oo nga pala. Ayoko sa caramel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LelelelelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon