Sorry for Fallen Inlove with you

16 1 0
                                    

dati palang nakikita na kita, kilala na kita at alam ko kilala mo rin ako. magkakilala nga tayo pero hindi naman tayo nag-uusap, kahit nga "hi" wala!

aaminin ko, wala akong paki-alam sayo nun at alam kong ganun ka rin. kaya hindi ako magtataka kung bakit hindi tayo nag-uusap. basta ang alam ko lang schoolmate kita at ka-same ng course, yun lang! hindi rin naman kita naging classmate kaya malabo talagang mag-usap tayo.

pero dahil sa isang project nagbago ang lahat.

yung araw na rush na rush na tayo dahil pasahan na ng finals. kahit hindi tayo nag-uusap ay nagtulungan tayo para lang magawa ang project. share sa gamit at kung anu ano pang pinaggagawa natin. thankful din ako kasi natulungan kita at syempre natulungan mo din ako kahit na hindi tayo close.

after that day? nagulat nalang ako lagi na kitang hinahanap. tsaka yung mga time na gumawa tayo ng project? umabot sa puntong ayuko pang umuwi kasi kasama pa kita tapos baka hindi mo na rin ako kausapin after. kaya umuwi nalang ako ng nanghihinayang kasi nagkayayaan ng umuwi e. pero sempre masaya rin naman ako. dumating din sa point na nag aaway kami ng utak ko kung iaadd kita sa fb o hindi kasi baka pag-inadd kita sabihin mo feeling close ako kaya hindi nalang kita inadd.

ayun nga hinahanap na kita lagi na para bang ang saya saya ko kapag naririnig ko lang yung pangalan mo sa mga kaklase ko. lalo na kapag nakikita kita.

ang pinagtataka ko lang, bakit ako nagkakaganito sayo? no offence ah, hindi naman kasi ikaw ang masasabing Ideal man or Ideal boyfriend. ikaw kasi yung tipong hindi seryoso, adik ka pa nga ata sa LOL o Dota 2, tapos umiinom ka din at ang pinaka ayaw ko sa magiging boyfriend ko e yung naninigarilyo. kaya ako nagtataka kasi basta ikaw okay lang na para bang nakalimutan ko ang gusto at ayaw ko sa isang lalaki basta ikaw ang pinag-uusapan. hindi naman sa naiinis kung bakit ako nagkakaganito, naiinis ako kasi hindi ko alam kung bakit, ano bang meron sayo na nagpababa sa standard ko sa lalaki. dont get me wrong, kami kasing mga babae gusto namin yung lalaking perfect, yung all in one, yung mala-prinsipe. alam ko namang hindi ka dugyot na tao kasi kahit ganyan ka napakalinis mo. ikaw lang ata ang lalaking kilala ko na completo sa gamit daig mo pa nga ako. siguro nakasanayan mo na talaga ang pagyoyosi at pag-iinom. kaya nagtataka ako bakit ikaw?

pero isang araw, nagulat nalang ako pumunta kayo sa bahay ng kaklase mo. hindi ko kasi alam na alam niyo pala ang bahay ko. tsaka kung paano niyo nalaman. akala ko kung ano kailangan niyo yun pala tatambay lang pala kayo. sa pagtambay niyo ng apat na oras, may mga bagay akong nalaman, kung ano ang tawag nila sayo, san ka nakatira, at ang pinag-mamalalaki mong gentleman parin ako kahit papaano.
ang saya saya ko nung araw na yun kasi alam ko na ang talambuhay mo. lahat na ata naikwento mo na sakin. after that day, alam ko sa sarili ko na unti unting nasasagot ang mga tanong ko.

lumipas ang araw, wala tayong pasok due calamity, nainis ako kasi hindi na naman kita makikita. kaya ang saya ko ng makita sa notif ko sa fb na inadd mo ko. nag-usap tayo ng kung anu-ano. ayaw pa nga natin matulog kahit may pasok na tayo kinabukasan.

everything seems fine...

but one day, narush ulit tayo sa major subject natin. busy tayo pareho pero magkasama parin tayo kaso lang naglagay ka ata ng wall sa pagitan natin na parang may nagsasabing bawal kang pumasok! hindi ako pwedeng istorbohin.
gusto kitang tulungan pero hindi mo ko hinayaan. kaya nanahimik nalang ako.

after that day, hindi mo na ako pinapansin, hindi ka na rin nagrereply sa mga text ko at kahit sa fb, hindi kana rin nagpapakita sa tambayan. bigla kang nawala na parang bola. hindi ko man lang alam ang dahilan kung bakit nagkaganito. at kung may nagawa ba akong mali. ang alam ko lang iniiwasan mo ko.


sorry kung may nagawa akong mali, I felt guilty without knowing why. sana magkaayos tayo. you see? I LIKE YOU! hindi ko lang alam kung papaano sasabhin sayo, babae ako gusto namin lalaki ang mauuna sa mga ganitong bagay pero hindi ko na kaya e. kailangan ko tong sabihin. sana naman okay na tayo, pwde mo naman sakin sabihin ang problema. para alam ko ang reason ng paglayo mo. I hope maappeciate mo to.

Mahal kita zon, mahal na mahal. na sa loob ng maikling panahon, minahal na kita. at kung hindi mo ko matatanggap sa buhay mo. sabihin mo lang sakin para alam ko kung kailangan ko ng mag-move on. ang if you say so, I'm willing to let you go.

all I know, makita lang kita masaya na ako.
so, sorry If I'm fallen inlove with you.

--- Brieanne.






***
if you are confused with this, this is a confession letter of my friend. she let me write this. so here we are

I hope you like the letter and whose relate?
pag-usapan natin yan sa mga interesado kung ano ang nangyari? leave a message in my inbox


leave a vote and comment !!!
Thank you.

Sorry for fallin inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon