"Wala na tayo! ....."Wala na tayo! ......
"Wala na tayo! ............
"Wala na tayo! ......
Parang echo na paulit ulit na nagpeplay sa utak ko! Ang sakit sakit! Sobrang sakit! T_T
"Bakit? (Ang tangi ko na lang nasambit habang naglalaglagan pa rin ang mga luha ko. T_T )
" I'm sorry pero hindi ko na kayang maghintay sa'yo! Ibinigay ni Angela'yung bagay na hindi mo maibigay na matagal ko ng hinihingi sa'yo.! Akala ko kaya kong maghintay eh pero hindi. ! Si Angela ang nagpunan ng mga pangangailangan ko bilang lalaki!
Pak!
Isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa pisngi nya!
"Sex! Dahil lang dun ipinagpalit mo ako sa babaeng'yun! How dare you! Akala ko mahal mo talaga ako eh pero tulad ka rin pala ng ibang lalaki na katawan lang ang gusto kaya nakikipagrelasyon! T_T Pinaniwala mo akong may forever sa'tin! Sana hindi na lang kita nakilala! At sana hindi na lang kita minahal! T_T Magsama kayo ng babae mo! !!! T_T
Pagkatapos kong mabitawan ang mga salitang yun nagtatakbo na akong palabas malayo sa kanya!
Ilang araw, linggo, at buwan kong dinamdam yung break- up namin . Halos napabayaan ko na yung sarili ko .Nangayayat nga daw ako sabi ng mga classmate ko.Napabayaan ko na rin pati pag-aaral ko....
Sabi nga nila mawawala rin daw yung sakit.Sa umpisa lang daw yun.Makakamove on rin daw ako.. SANA nga!
Hanggang sa makilala ko si Tania, yung Bestfriend ko.Binago nya yung buhay ko.Sabi nila masamang impluwensya daw sya sa akin, pero hindi rin .Dahil kung hindi dahil sa kanya disana nagmumukmuk pa rin ako .Natuto akong gumimik dahil sa kanya.! Tama siya! Bakit ko nga panghihinayangan ang lalaking ako ang sinayang.Marami namang lalaki jan! Enjoyin ko na lang daw ang buhay.Halos gabi-gabi kaming pumupunta sa mga bar at nakikihalubilo sa mga lalaki... Maraming mga lalaki akong nakikilala at naging normal na sa akin ang makipaghalikan sa kanila at minsan pa nga nauuwi sa romansa pero hanggang doon lang yun dahil sa maniwala kayo at sa hindi virgin pa ako!
(End of flashback)
