She's Dating the Gangster - by: SGWannabe

2.2K 13 9
                                    

Ang storyang ito ang naging dahilan kung bakit ako gumawa ng account dito sa wattpad, at syempre, ang UNANG naging dahilan kung bakit ginusto kong gumawa ng sarili kong stories.

GENRE: Romance

APRIL 5, 2013 - Oh ha! Tandang-tanda ko yung date. Nananahimik akong kumakaen ng binatog nang magtext ang bestie bestfriend kong si Glory A.K.A potpot! Special mention ka ngayon dito  dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit nag-adik ako sa wattpad :)

Glory: POT! MAY GINAGAWA KA BA?

Ako: Wala naman, baket? [joke lang yan pero kumakaen talaga ako. hoho!]

Glory: MAY PAPABASA KO SAYO BILIS! KAILANGAN PAG NAGKITA TAYO SA MONDAY, TAPOS MO NA HA!

At ayun, dahil na-curious ako dahil HINDI NAMAN TALAGA SIYA MARUNONG magbasa, joke lang, wala lang talaga siyang hilig magbasa DATI... napagdesisyunan kong basahin na rin :D Binigyan lang niya ako ng 3 days para magbasa, at ako naman tong si uto-uto, sinunod ko naman. haha!

BABALA! Kung ayaw mong maadik sa wattpad, wag mo na basahin to dahil siguradong dahil sa storyang to, maaadik ka!

BABALA PA ULET! Kung mahina ang loob mo at ayaw mong ma-hurt ang iyong precious feelings, pag-isipan mo mabuti kung itutuloy mo ang pagbasa nito, dahil kung mag-iinarte ka na di ka nakatulog dahil sa epekto ng storyang to tulad ng nangyari saken, hehe, wala na ako kasalanan. Okays??

Sobrang minahal ko ang characters na sina ATHENA DIZON at KENJI DELOS REYES... :D As in lahat ng emosyon na tinatago mo sa kaloob-looban ng lamang loob mo, paniguradong lalabas..

Sad to say ulet sa ONLINE readers, deleted na din ang story na to sa watty dahil book na siya.. Pero sabi nila may soft copy daw ito na nagkalat, goodluck nalang sa paghahanap kung meron nga talaga :)

MUST READ Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon