Girlfriend for Hire - by: Yam-Yam28

3.2K 21 7
                                    

Ayoko sanang i-RANK ang mga stories na kasama dito, pero hindi ko mapigilan na UNAHIN to sa list dahil para sa akin, ito talaga ang TOP sa list ko. Promise, hindi na naka-RANK ang mga susunod :)

GENRE: Romance, Humor

Ay mali, SUPER EVER MEGA DUPER TO THE MAX ANG "HUMOR" nito. Ewan ko kung mababaw lang ako pero ito yung story na binabasa ko ng madaling araw, tahimik na tahimik ang kapaligiran, pati kuliglig tulog na pero ako wagas pa rin kung makatawa with matching KILIG :D

Sobrang hanga talaga ako kay Ms. Yam-Yam dahil sa dami ng characters ng story na ito, hindi pa rin maguguluhan ang readers dahil kayang-kaya niya i-maintain ang iba't ibang ugali at behavior ng mga ito, May ibang stories kasi na pag dumami na yung characters, nagugulo na yung story.

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga bida na sina BRYLE CALEB STANFORD at NAMI SHANAIA SAN JOSE, samahan mo pa ng best of friends nila na lumalablyf din. At dahil sa ABNORMAL relationship nila, hinding hindi mo sila makakalimutan dahil kakabagan ka sa kakatawa at maiihi ka sa sobrang kilig. HAHA! Joke lang yung wiwi ha.. OA lang talaga ko. Wait, there's more, kung magkakaron ka ng LOLO na katulad ng lolo ni Bryle, heaven na ang life mo dahil sa sobrang kwela ng lolo niya :))) Gusto ko nga rin palang magpaturo kay Bryle kung paano magluto ng KARUMALDUMAL na itlog :D

PG-13 ang story na ito, but DON'T GET ME WRONG. Hindi ito yung story na puro BS or something, actually sa pagkakaalala ko, walang BS dito. So sa mga perv jan, DISAPPOINTED MUCH? Haha! Naging PG-13 lng ito dahil sa mga "mejo" VULGAR words, kaya mga bata, tara na't magsaya sa batibot. JOKE! Haha! Wag lang gagayin ang bad word kasi nga bad yun. 

May pagka-F4 at san cai ang dating ng mga bida dito kaya nakaka-enjoy basahin. At sa mga mahilig sa ANIME, ay nako, MUST READ talaga to para sa inyo.

On-going ang book 2 nito which is entitled, OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND...

MUST READ Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon