Forgive me, please?

239 7 1
                                    

"Di naman lahat nang nabasag na bagay, ay naibubuo ulit. Kailangan mo ring gumawa nang bagay na makakapagbuo nang bago para sa inyo." -George

Copyright 2015

-worldstopper-

"Yva? Nakikinig ka pa ba?" Tanong ko sa kabilang linya. Andito kami sa cafeteria sa university namin kasama si George.

Naririnig ko lang ay ang mga taong busy na naguusap.

"Teka ano nga yun ulit, Caymo?" Pagpapaulit niya sa kinuwento ko. I just sigh at inintindi siya.

"Ayun nga, ang saya saya kanina kasi nakakuha ako nang perf--" Pinutol niya ko sa pagkukukwento.

"Ahm Caymo. Later nalang, busy pa kami sa thesis eh." Wika niyang halos pasigaw dahil sa ingay sa kabilang linya.

"Okay."

"Sige, bye." And there was it. Tapos na ang paguusap. Tapos na ang common dialogue namin ni Yva.

Tinitigan ko pa sandali ang telepono ko na ngayon ay unti unti nang nawawala ang pangalan niya.

"Oh, problema niyo na naman ba?" Napabaling ang atensyon ko kay George na ngayon ay kumakalikot rin sa cellphone niya. Naglalaro ata.

"It's nothing. Busy lang talaga siya." Pilit akong ngumiti at napailing nalang sa mga ideya na pumapasok sa isip ko.

"Napapadalas na yang ganiyan ah. Medyo nakakaumay na ring pakinggan ang salitang 'busy' sa inyong dalawa." Wika pa niya habang nakatitig sakin. Tas tumunog ang telepono niya at bigla siyang sumaya.

"Teka Caymo!!!! Tumatawag si Chiena!!" Halos patalon niyang wika. Tumayo pa siya at kitang kita sa kaniya ang pagka-tense.

"Should I answer this or nah?" Napatawa lang ako.

"Gago ang bakla nung sinabi mo." Nakakatuwa lang tignan na nakahanap na nang bago ang kaibigan mo.

"Pota naman kasi Caymo. Ito na yun eh, ang bangis bangis nito diba?" Pagkatapos niyang sabihin yun ay no choice na siya at sinagot ito. Dumistansya siya mula sa akin.

Chiena Ta. May dugong chinese kaya mabangis ang lahi. Napapatawa lang talaga akong maisip na patay na patay tong si caymo kay Chiena eh halos di nga sila magkasundo. At eto ring kaibigan ko, walang balak sabihin kay Chiena ang nararamdaman niya kasi ayaw niya daw magaya sa kwento nilang yva.

Unti unting naglaho ang ngiti ko nung naisip ko si Yva. Busy siya, busy lang siya kaya hindi siya nagpaparamdam kaya please caymo understand. Pero normal lang ba ang pagiging busy kung halos isang buwan na kayong hindi nagkikita?

Erase thought. Bura.

Kinuha ko ulit ang telepono at tinext siya.

Hey babe, kita tayo mamaya. Please?

At sinend iyon. Sakto rin namang bumalik si George sa pagkakaupo, halos puno nang dugo ang mukha niya hindi dahil sa kilig kundi sa galit. Halos hindi na maipinta ang mukha niya.

"Problema niyo na naman ba?" Mapang-asar kong tanong sa kaniya.

"Gago kasi yung prof natin. Bat sa dinami raming pwede kong ipartner eh eto pang si Chiena Ta. Ang dami niya pang request na ganiyan ganiyan eh alam mo namang ayaw kong maging busy sa pagaaral diba?" Ayan na si George. Ganiyan lang talaga yan mainis.

"Meant to be?" Napangiti ako pero sinuklian niya ako nang masamang titig. Di pa ata tapos.

"TAKE NOTE PA. Sinabi niyang baka mababagsak kami eh kasi ang tamad ko raw. Halos ako na nga ang gumawa sa chapter one. Masakit lang talaga kapag nagsalita yun. Naku!" Halos gusto niya ng kumain nang tao.

"Saan banda ka nasaktan? Sa sinabi niyang ikaw ang makakabagsak sa inyo o sa pinaparamdam niyang ayaw niya sayo?" Mapagbiro kong tanong sakaniya at napatawa.

"Tawa lang. Ligawan ko yang si Yva eh, gusto mo?" Naiinis niyang wika kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Wag na. Meant to be nga kayong CHIENA TA diba?" At tumawa ulit ako nang tumawa nang biglang may dumating.

"Caymo, George." Napabaling ang atensyon namin sa isang babaeng papalapit samin.

"Hi Yva." Bati ni George kay Yva nangayon ay nahihimasmasan na. Tumayo ako para salabungin siya nang yakap ngunit ngitian niya lang ako.

"Kanina pa kayo?" Tanong niya at umupo sa isang bakanteng upuan. May mga dala siyang folders na naglalaman siguro nang thesis works niya.

Tumango si George.

"Sige, mauuna na rin ako. May nagaantay pa saking demonyo, dragon." Sarkastiko niyang wika.

"Tignan lang natin kung sino ang battered husband sa inyo ni Chiena!" Tahol ko bago siya makaalis. Nakatanggap lang ako nang batok. Nung nakaalis na siya ay nabalot nang katahimikan ang paligid namin. We use not to be this before.

"Pano mo nalamang andito kami? Ako pa sana ang pupunta sa inyo eh." Ginuhit ko ang isang totoong ngiti.

"Natanggap ko kasi text mo at since malapit lang kami sa alam-kong-tambayan niyo eh naisip kong baka andito ka." Ngiti niya pabalik sakin.

"At di ako pwede mamaya uwian, busy masyado sa gawain." Naawa naman ako at lumapit ako sakaniya. Hinagkan ko siya.

"Kawawa naman itong mahal ko, napaparusahan." Hindi niya ako hinagkan pabalik.

"Caymo, PDA tayo." Kumiwalas siya sa yakap ko at tumingin tingin pa siya sa paligid niya. Pilit akong ngumiti. I just miss her, isn't it fine?

"Bat gusto mo palang makipagkita?" Tanong niya. Lihim akong napasinghap at tinatago ang kirot na nararamdaman ko.

"Hmm gusto mo bang magbakasyon tayo? Gusto ka kasing makilala nang mom at dad ko at andun rin naman sila sa probinsya. Ako nang magpapaalam sa dad mo, papayag rin naman iyon eh." Tumango tango lang siya.

"Medyo tactic ang schedule natin caymo, available lang ako pagkatapos nang year natin." Wika niya.

"Edi sa summer." Positibo kong pag suggest.

Tumango ulit siya eh napalingon sa lalaking tumawag sakaniya.

"Hmm caymo, si Jun nga pala. Partner ko sa thesis namin." Tumayo ako at tinignan si Jun. Kilala ko siya, medyo matunog ang pangalan niya dito at hinahabol nang mga babae.

"Pre.." Wika niya at napangiti. Ngumiti lang rin ako at nakinig sa pinaguusapan nilang plano. Di man lang ako pinakilalang boyfriend niya.

Kinuha ni Jun ang mga folder.

"Caymo, mauna na kami. May irereseach pa kami para sa RRL." Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Please, don't let me think something bad to you Yva.

"I love you." Bulong ko at kumiwalas sa yakap niya.

"Sige Jun, ingat kayo." Pinilit kong hindi ipakita ang pangamba ko at ngumiti.

"Sige bye. Text nalang." Wika ni Yva bago sila nakalayo sa harap ko. Malumanay akong umupo ulit.

This. Us. You. What happened?

Naalala ko ang mga bagay noon. Lalo na nung after naming masabi kay george ang relasyon namin. Ang saya namin, akala ko at akala nila na kami ang magpapatunay na may forever. Pero ngayon, lumalabo na iyon. Lumabo kasi may mga nagbago. Hindi lang sakaniya, kundi sa amin.

Parang sa pagtakbo ng oras, siguro ay niluma na rin at nilamig na ang mayroon kami. Kaya may mga nabago, isa na doon ay kaming dalawa.

--



Forgive me, please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon