"..akala ko at akala nila na kami ang magpapatunay na may forever. Pero ngayon, lumalabo na iyon." -Caymo
-worldstopper-
Ilang araw na naman ang lumipas. Malamig pa sa yelo ang estado nang relasyon namin, kasi nalimutan niya na may kami pa. Text ako ng text pero sa sobrang busy nya, napabayaan niya na ako.
"Punyemas ka! Gago ka!" Nakabalik ako sa matinong kaisipan nung sumigaw sigaw si george sa gilid nang kwarto niya.
Andito kami sa bahay nila para tumambay kasi sabado. Hapon, at tirik ang araw pero mas mainit pa ang ulo nang gagong to.
"Sino ba yang kausap mo sa phone?" Tanong ko. Inilayo niya ka agad ang telepono niya sa tenga niya.
"Kausap?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at tumambad sakin litrato ni Chiena.
"Itong halimaw na to na anak ni Miriam. Asian girl chiena ta punye hmm." Napatigil siya nung narealize niya na nasa bahay pala siya nila.
Napangisi ulit ako.
"Love problem?" Tanong ko.
"Isa ka pa. Ikaw nga ang totoong may problema sa love life eh." Nag smirk lang siya.
"Salamat sa pagpapa alala ha?" Binatukan niya ako.
"So totoo nga?" Napa oo nalang ako.
"Wag mong sabihing baka ako na naman ang mahal ni Yva. Sus nako! Ang ganda siguro nang twist ng kwentong ito." Mapagbiro niyang wika.
"Maraming pinag iba.." May bahid na nang kalungkutan ang tono ng pananalita ko.
"Nagbago?" Tumango ako.
"Nagbago siya. Siguro nagbago na rin ang pananaw ko. Kaya nabago na rin ang estado nang relasyon namin." Nagpawala ako ng buntong hininga.
"Nasa anong stage kaya ngayon? Critical Stage? O Nagbago level?" Tumango ulit ako.
"Gago ka pala eh. Di naman lahat nang nabasag na bagay, ay naibubuo ulit. Kailangan mo ring gumawa nang bagay na makakapagbuo nang bago para sa inyo." Wika niya.
"Wag niyong linisin ang mga nabasag na kalat. Kayo lang ang masasaktan niyan." Shot. Nakaramdam ako nang kaunting kirot sa dibdib. Masakit man pero pinabayaan ko nalang ang sinabi ni George at humiga sa kama niya hanggang sa makatulog.
Pauwi na ako at medyo lutang parin sa sinabi ni George kanina. Habang naghihintay ako nang masasakyan pauwi ay naisip kong tawagan si Yva. Pagabi na rin at nakatulog ako kanina sa bahay nila george.
Dinial ko ang number at agad naman itong sinagot.
"Babe? Kamusta?" Excited kong tanong sakaniya.
"Pagod. Napatawag ka?" Malumanay niyang tanong.
Kamusta ka rin caymo? Yan ang inaasahan ko.
"Kasi miss na miss na miss ko na ang prinsesa ko." Pagpapalambing ko sakaniya. Wala pang bus na dumarating kaya nanatili akong nakatayo.
"Teka muna caymo, nagchat si Jun para sa Data and result nang thesis namin.." Bago ako nagsalita ay iniwan niya na ako pero hindi pa niya ito binababa.
Jun na naman. Saglit lang at nakabalik ulit siya.
"Busy lang talaga." Malumanay niya uling pambungad.
"Yva." Tumugon lang siya.
"Pwedeng layuan mo nang kaunti si Jun?" Hindi yun pagalit na tono pero paglalambing pa rin ito
"Ha? Layuan? Bakit, nagseselos ka ba?" Tanong niya. Knowing the type of Jun, clingy to girls tas nagpapaasa.
"Oo." Tugon ko.
"My god Caymo! Don't you understand?! Thesis ito at grado."
"I understand naman pero--" Pinutol niya ako.
"You're being selfish caymo!" Hindi ako ka agad nakasagot sa sinabi niya. Parang binuhusan nang mainit na tubig ang puso kasabay na rin ng pagtulo nang ulan.
"..selfish caymo." Pagulit sa isipan ko.
"It is wrong to kept what is mine because I love her?" Yan ang mga nasabi ko.
"But you're being territorial." Reply niya sakin na may halong inis.
"Because it scares me of knowing my territory's can be steal." Pag explain ko. Andun parin ang kirot, at patuloy parin ang pag ulan.
"Nawawala na ba ang tiwala mo sa akin Caymo?" Malumanay niyang tanong.
Matagal akong hindi nakasagot sa tanong niya.
"Nawala na rin ba ang karapatan kong angkinin ang taong pinagkakatiwalaan ko?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Hindi siya nakasagot kaya napabuntong hininga ako.
"Itutuloy muna namin ang thesis. Sige, bye." Binabaan niya ako. First time naming hindi nagusap sa phone na may magandang pagtatapos. Kasi binabaan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Forgive me, please?
Short Story"Oh, problema niyo na naman ba?" Napabaling ang atensyon ko kay George na ngayon ay kumakalikot rin sa cellphone niya. Naglalaro ata. "It's nothing. Busy lang talaga siya." Pilit akong ngumiti at napailing nalang sa mga ideya na pumapasok sa isip ko...