CHAPTER 19: SPY AND DUEL

2.2K 39 0
                                    

"You're really crazy! I won't do that!" angal agad ni Xander nang sabihin ni Yu ang magiging mission niya. "Hindi ko pinangarap kahit kailan ang maging right hand niya!"

"Look, we need your cooperation, hindi ka naman mabibisto agad kung hindi ka magpapahalata eh."

"Ka--"

"Baka naman nakalilimutan mo na ang kontratang pinirmahan mo kani-kanina lang?!" ipinakita ni Michael ang kontratang sinabi nitong pinirmahan niya.

Napasabunot na lamang siya sa sarili. Nagkamali siya, hindi niya binasa ang laman ng kontrata bago pirmahan iyon.

"Sh*t!"

"You have no other choice, but to do what is inside that contract," sabi ni Yu.

"Bakit kaya hindi na lang ikaw ang magpanggap na right hand?" tanong niya kay Yu.

"Hindi pwede, aasikasuhin ko pa ang engagement party namin ni Cath."

"Ang gara naman, dapat ikaw ang unang umaatake sa kalaban eh."

"Sa totoong mga labanan, hindi sumusugod basta-basta ang lider ng bawat grupo."

"Ewan!"

"Pumirma ka kaya sumunod ka!" ang matigas na sabi ni Yu.

Napakamot na lamang ng ulo si Xander. Ang akala niya ay makalulusot siya kay Yu. Sumang-ayon na siya, pumirma pa. Nonsense na kung makikipagtalo pa siya. He sighed while preparing for his mission.

Si Yu naman, he was planning to surprise Cath on her birthday. He would formally ask her hand for marriage sa harap ng pamilya at mga kaibigan nilang pareho. He already asked Laurice na tulungan siya sa gagawing preparations.

Even though busy siya with the preparation, he made it sure na naipaliwanag na niya kay Xander ang lahat ng gagawin niya as a spy. Nagsagawa pa sila ng one-on-one tutorial para lang maging maayos ang flow ng plano nila.

Five days after the tutorial, pinadala na ng Famiglia Celestia si Xander sa Famiglia Leone. He was equipped with things na kakailanganin niya for his mission. He was wearing a disguise na kahit sino ay hindi siya makikilala ng kahit sino.

Gadgets? He had them all, hindi nga lamang masyadong halata.

Pagdating ni Xander sa Famiglia Leone, agad tiningnan ni Tyrone ang mga credentials niya. Lahat na nasa credentials niya, pineke na ni Michael.

"So...Mr. Escobar, you graduated from a mafia school, but you didn't joined any mafia family since then," pambungad agad ni Tyrone. "now, let me ask this. Bakit ngayon mo lang naisipang sumapi sa isang mafia family?"

"I'm already bored of being a freelance mafioso, it's high time na ring seryosohin ko ang pagiging kasapi ng mafia," sagot niya.

"Pero gusto mo kaagad ang maging right hand ko," sabi agad ni Tyrone. "tell me, paano mo mapapalitan ang aking trusted right hand man na kasama ko na for almost twenty years?"

"Boss, kahit na masyado pa akong bata para sa posisyong right hand man, I can tell you na kaya kong makipagsabayan when it comes to agility, strength, techniques and loyalty."

Napatango lamang si Tyrone sa sagot niya, "I still need to test you."

"I'm willing to take the test, boss," ang kampanteng sagot niya.

"Alex, are you willing to have your own right hand?"

"Pwede naman, pero mukhang ikaw ang gusto niyang maging boss eh," sagot nito.

Natahimik si Xander, kunwaring nag-iisip, pero ang totoo, alam na niya ang dapat isagot sa tanong nito. Naituro na iyon sa one-on-one tutorial.

"I'll challenge you, Mr. Alex, maglaban tayo in a fair fight," ang diretsong sagot agad ni Xander.

"Mr. Escobar, hindi kaya over-confident ka namang masyado?" tanong agad ni Tyrone. "Mas matagal na si Alex sa iyo sa mafia world, but you, nagsisimula ka pa lang."

"Hindi naman po sa tagal sa pananatili dito sa mafia world madedetermina ang lakas ng isang right hand eh, kundi sa experience po," sagot niya.

"So, sinasabi mo bang wala akong experience?" biglang tanong ni Alex sa kanya.

"Hindi naman po sa ganoon," palusot niya, pero sa loob-loob niya ay nakangiti siya.

"Sige, let's have a duel," sabi ni Alex. "patutunayan ko sa iyong mayabang ka na mas magaling ako sa iyo!"

"It's my privilege na kalabanin ang isang katulad ninyo, Mr. Alex."

"The pleasure is mine also, Mr. Escobar," sagot nito. "by the way, what shall we call you, aside from Mr. Escobar?"

"Just call me Timothy," sagot niya.

"Okay, Mr. Alex and Timothy, kailan ninyo pareho gustong ganapin ang duel?" tanong ni Tyrone.

"WEDNESDAY!" ang sabay na sagot nilang dalawa.

"Well then, it's already settled. Gentlemen, see you on Wednesday for that battle."

They both agreed and paglabas nila sa opisina ay agad hinarap ni Alex si Xander.

"I'll make it sure na matatalo kita, Timothy."

"Hihintayin ko ang araw na iyon," ang kampanteng sagot niya.

Nangalaiti si Alex sa kanya. Napangiti siya nang lihim. Tama nga ang palagay niya, magagamit niya ang weakness ni Alex para matalo ito. Agad niyang tinawagan si Yu just to tell him of the upcoming battle.

("Mag-iingat ka dyan, alalahanin mong ikaw si Timothy Escobar,") paalala agad ni Yu sa kanya.

"I know what I'm doing," ang mahinang sagot niya. "sige, baba ko na ito bago pa man may makahalata sa akin dito."

Umoo naman si Yu kaya agad niyang pinutol ang tawag. Dumiretso na lang siya sa kwartong ibinigay sa kanya ng Famiglia Leone. Hindi na siya nag-attempt pa na puntahan ang dating kwarto, isang maling galaw lamang niya ay maaari na siyang mapahamak. He decided to sleep na lamang.

Sa Famiglia Celestia naman, busy na si Yu sa gagawing surprised birthday party and engagement party nila ni Cath. Tinawagan na niya ang direktor ni Cath para lang hindi ito magsched ng taping sa mismong araw ng birthday nito. The director protested dahil may balak na pala silang isurprise ang dalaga sa special day nito. Naisip ni Yu na iisa lang naman ang intention nila kaya he suggested what he was planning for Cath's special day.

Nagkaroon sila ng kasunduan, they would surprise her in a different way. Hindi na babaguhin pa ng direktor ang nakasched kay Cath, but lahat ng mga kasama nila sa show ay sasabihan nito na isurprise ang dalaga.

Everything went smoothly for both sides, parang they live in a normal way. Yung tipong wala silang iniintindi na mga kaaway. Walang masyadong nagpapasakit sa mga ulo nila, especially sa part ni Yu...

Wednesday came, and as expected, mainit agad ang dugo ni Alex nang nakita siya nito.

"So are you ready for the main event, Timothy and Alex?"

"Yes!" they answered in chorus.

"So let's start," sabi ni Tyrone, halata sa mukha nito ang excitement. "here's the only rule na kailangan ninyong sundin, MATIRA MATIBAY sa labanang ito."

Alex smirked, "Victory is going to be mine."

"Wag ka munang magpakasiguro, Mr. Alex," bara agad ni Xander. "hindi mo pa ako nakikitang lumaban ng seryosohan."

Ngumisi lamang si Alex sa kanya, parang nang-aasar lamang, but he wasn't affected at all. Halata kaagad niya ang pagkairita nito sa kanya. Napabulong na lamang siya ng salitang ayos sa sarili niya. Hulog na nga ito sa pain, konting asar na lang ay siguradong mawawala na ito sa focus.

"Gentlemen, go inside the ring now, we are going to start the duel."

Naunang pumasok sa ring si Alex, kasunod lamang siya nito. Inside the ring, sa pinakacorner nito, both sides, may nakita sina Xander na weapons, nakalatag lamang ito doon.

"Choose one weapon na sa tingin ninyo ay magagamit ninyo sa duwelong ito," sabi ni Tyrone sa kanila.

Napamura na lamang sa sarili si Xander, hindi niya inakala na patayan pala ang duel na gaganapin. Hindi na siya pwedeng umatras pa, nag-isip na lamang siya ng paraan para hindi mapatay ang kalaban. Sisiguraduhin lamang niya na mapupuruhan ito, hindi mapapatay.

Pagkatapos nilang pumili ng weapon ay pumunta na silang pareho sa gitna.

"Gentlemen, umpisahan na ang palabas."

Pagkatapos magbigay ni Tyrone ay unang umatake si Alex. As expected, ang signature moves nito pagdating sa pakikipaglaban ang gagamitin sa duel na iyon. Hindi nagpakita ng anumang takot si Xander sa kanya, nagawa niyang makipagsabayan dito. Nakopya na niya ang mga galaw nito.

"Magaling kang kumopya ng mga galaw, halatang pinag-aralan mo na ako noon pa, pero heto, kaya mo kayang gayahin pa?" tanong ni Alex habang inihahanda ang susunod na atake.

Hinintay ni Xander ang susunod na atake ni Alex. Nagulat na lamang siya nang may biglang tumama sa likod niya na isang matigas na bagay.

"Bata, mahina ka pa para kalabanin ako..." narinig ni Xander na sabi nito.

Nagkasunud-sunod na ang mga atake nito. Hindi agad malaman ni Xander kung saan nanggagaling ang mga kilos nito. Isa lang alam niya, spear ang gamit nito sa pakikipaglaban.

"Magiging patas lang ang laban kung malalaman ko kung nasaan siya."

"Ano na bata?! Akala ko ba matatalo mo ako dito?!" humalakhak na ito. "Puro ka lang pala yabang, wala ka namang binatbat!"

"Manahimik ka!" bulong ni Xander sa sarili. "MANAHIMIK KA!"

"Aba, galit ka na pala nang lagay na iyan, Timothy. Kaawa-awang bata, parang naagawan lang ng laruan," ang pang-iinsulto nito sa kanya.

Biglang napaisip si Xander, alam na niya ang gagawin niya para malaman ang susunod na paggalaw nito. Habang naririnig pa niya ang mga halakhak nito, may magagawa siya.

Patuloy lamang sa paghalakhak si Alex, nalaman na tuloy ni Xander kung saan ito naroroon.

"It's showtime!" bulong niya.

Bigla siyang nagpaputok ng baril sa magkabilang gilid, siniguro niya na hindi pa niya matatamaan ang main target. Alam na niya kung nasaan ito, pero ayaw niyang magmadali. Ayaw niyang patayin ang kalaban niya, lalabagin lamang niya ang batas ng Famiglia Celestia.

FLASHBACK: One-on-one tutorials

"Kabaliwan ang sinasabi mo na bawal tayong pumatay," angal agad ni Xander.

"Hindi kabaliwan iyon, batas ang tawag doon."

"Batas?! Kailan pa naging batas iyon?!"

"Naging batas iyon mula nang ipatupad iyon ni Decimo."

"Decimo? Sino naman iyon?"

"Tenth Boss ng Famiglia Celestia. She happened to be my great grandmother. Mama ng lolo ko."

"Eh bakit naman niya ginawang batas iyon?!"

"She wanted to change the mafia world, para sa kanya, pwede pa ring katakutan at irespeto ang isang mafia family kahit na hindi ito pumapatay ng tao," ang mahabang paliwanag agad ni Yu. "at dahil sa rason na iyon, nagalit ang boss ng Famiglia Leone."

"Bakit naman nagalit?"

"For him kasi, walang karapatan na mamuno ang isang babae, lalo na ang magpasa ng isang batas na tungkol sa mga pagpatay."

"I see..."

"Naipatupad ang batas na iyon at maraming mafia families na hanggang ngayon ay sinusunod iyon. Tanging ang Famiglia Leone at ang mga allies nito ang hindi sumusunod."

"What will happen if, makapatay ako ng tao?" tanong agad niya.

"Ayon sa law, you will put into trials, ikaw na ang bahalang magdefend sa sarili mo na aksidente lang ang nangyari."

"Madali lang sabihin na aksidente iyon."

"Mahirap patunayan dahil ang court mismo ang nagsasagawa ng forensic tests sa mga napatay na kalaban. And once napatunayang hindi aksidente ang nangyari, no choice ang court kung hindi patayin din ang pumatay."

Xander was startled, hindi niya alam na ganoon kahigpit ang batas na iyon.

"Hindi ka na iba sa Famiglia Leone kapag nagawa mong pumatay ng tao, kahit na maganda ang dahilan mo sa pagpatay sa kanya."

END OF FLASHBACK

Patuloy lamang sa paglalaban ang dalawa. Nakangiti naman si Tyrone habang nanonood. Walang mawawala sa kanya kung sakaling matalo man ang right hand niya na si Alex. Para sa kanya ay kaya pang higitan ni Timothy ang kanyang right hand. Kung si Timothy naman ang matatalo, mas lalong walang mawawala sa kanya dahil, gagawin pa rin niya itong tauhan niya. Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung sino ang tatanghaling panalo sa duel na iyon.

Duguan na pareho ang dalawa, pero wala silang balak na sumuko na lamang basta-basta. Sumugod uli si Alex, napigilan uli ni Xander. Naiinip na si Tyrone.

BANG! BANG! BANG!

Natapos lamang ang labanan nang nakita ni Tyrone ang pagbagsak ni Alex. Duguan ito sa paningin ni Tyrone.

"Mr. Alexander Rupert Feliciano, tanggal ka na sa serbisyo," ang cold na sabi ni Tyrone habang nakatingin sa nakahandusay na si Alex. "papalitan ka na ng mas bata't maabilidad na si Timothy Escobar.

Ngumiti lamang si Alex nang mapait, "Akala ko ako ang mananalo sa duel na ito, iyon pala...matatalo lang ako ng isang baguhan. Patawarin mo ako kung binigo kita, boss."

Hindi sumagot si Tyrone at sa halip ay tumawag siya ng dalawang tauhan para mapagtulungang buhatin si Alex at dalhin ito sa infirmary.

"Mr. Escobar, you can start na tomorrow, hayaan mo...ipapatapon ko kaagad si Alex kapag gumaling agad ito," saad agad ni Tyrone.

Napakuyom agad siya ng kamao, tumango lamang siya. Hindi nagpapahalata ng kahit na anong emosyon.

"By the way, gusto mo bang maging stay-in dito?" tanong agad nito sa kanya.

Umiling lang siya, "I own a house near this area."

"I see, sige, pwede ka nang umuwi."

Yumuko lamang ng bahagya si Xander at tumalikod na ito. Humakbang na rin siya palayo nang biglang nagsalita si Tyrone.

"Tomorrow, 6:00 am, sharp!"

Humarap muna siya bago sumagot, "Yes Boss!"

Nang nakauwi na siya ay agad siyang nagreport kay Yu.

"I didn't expect na ipatatapon ni Tyrone si Alexander Rupert Feliciano pagkatapos lang nitong matalo sa akin," kausap ni Xander via skype si Yu.

("As expected from him, hindi talaga siya sanay magpahalaga sa kanyang mga tauhan.")

"Mukhang kabisado mo na talaga siya."

("Hindi naman, listen, kailangang ipagpatuloy mo lang ang pagpapanggap mo bilang si Mr. Timothy Escobar. Got it?")

"Got it."

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naglogout na si Xander sa skype at isinara na ang internet. Tinitigan lamang niya ang nakawallpaper na picture ni Xien Xien.

"Xien, konting tiis na lang, magkakasama din tayo pagkatapos nito...."

(a/n: pagpasenciahan n p0h ang kasabawan, up next..engagement party n nina yu at cath!

Hi s lhat ng nagbabasa! Enjoy reading!

Luna)

MAKE WAY FOR THE MAFIA BOSS: A BATTLE ROYALE FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon