CHAPTER 12: YOU WANT WAR? I'LL GIVE YOU ONE!

2.2K 36 0
                                    

Nakareceive ng text si Yu mula sa isang hindi kilalang tao.

"May pupuntahan lang ako," sabi kaagad niya kay Michael na kasama lang niya sa headquarters.

"Bakit? Nagtext ba ang girlfriend mo sa'yo?" tanong naman ni Michael.

"Ah...o-oo, sige, iwan muna kita."

Sinundan na lamang ni Michael ng tingin si Yu. May napansin na kaagad siyang kakaiba sa ikinikilos nito mula nang nabasa nito ang text.

"Sundan ko na kaya si Boss?" tanong kaagad niya sa sarili.

Patayo na siya nang biglang pumasok si Hyacinth, "Pinapunta ako ni Boss dito."

Napatingin siya sa dalaga, "Bakit daw?"

"Samahan daw kita dito," ang nakayukong sagot nito.

Napansin niyang nakatayo pa rin ang dalaga, "Maupo ka na, mangawit ka pa riyan," sabi kaagad niya. "sh*t! Hindi ko na masusundan si Boss!"

Sumunod na lamang ang dalaga sa kanya at naupo ito sa couch na nasa may gilid lamang niya. Hindi maiwasan ang hindi magkatinginan. Kapag nagkakahulihan na sila ng tingin ay sabay nila iyon babawiin kaagad. Nabasag lamang ang katahimikan nang biglang nagsalita si Hyacinth.

"Kilala mo ba ako?"

"O-Oo..."

"Pwede mo bang sabihin kung sino ako?"

"Wala ako sa posisyon para sagutin iyan, sorry."

"O-Okay..."

Hinahanap na ni Yu ang taong nagtext sa kanya na magkita sila. Nakareceive na naman siya ng text, pinaiikot siya sa likod ng restaurant para doon sila magkita. Napansin ni Yu na may sumusunod sa kanyang isang lalaking nakaitim. Hindi na siya nagdalawang isip pa at binalikan niya ang lalaki para bigyan ng isang napakasimpleng atake.

"Sino ka?" hindi makilala ni Yu ang mukha ng lalaki. "Bakit mo ako sinusundan?"

"Wag mo nang alamin pa kung sino ako, magpasalamat ka na lang at iniligtas kita sa kapahamakan," tumalikod na ito. "umuwi ka na." umalis na rin ito sa harapan niya at iniwan siya nitong nag-iisip.

Nagngingit si Tyrone, may nagsabotahe sa plano niyang panlilito kay Yu. Agad niyang tinawagan ang nagbabantay kay Xander.

"Nandyan pa ba ang pinababantayan ko sa iyo?" tanong kaagad niya.

("Opo, hindi po lumabas ng kwarto si Xander.")

"How sure are you?" tanong kaagad niya.

("Siguradong-sigurado po.")

"Can you please check him?"

Sumunod naman ito at narinig niya ang pagbukas ng pinto.

("Sir, tulog na tulog po siya...malakas po ang epekto ng gamot na inihalo sa juice niya.")

Sa totoo lang, hindi tulog si Xander. Nagpapanggap lang siyang tulog para hindi siya pakialaman ng mga tauhan ng matanda.

"Antagal naman niyang umalis!" bulong niya sa sarili.

Nang narinig niya ang paglapat muli ng pinto pasara, tumingin muna siya sa paligid niya. Nang masiguro niya na wala ng tao ay bumangon siya at tiningnan ang labas ng kwarto niya.

"Tsk, tsk, kahit bantayan ninyo ako, matatakasan ko pa rin kayo!"

Nakauwi na rin si Yu at naabutan niya si Cath na papasok na sa headquarters.

"Cath!" tawag niya dito.

Napalingon si Cath sa direksyon niya, "Oh, bakit? Saan ka nanggaling?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.

MAKE WAY FOR THE MAFIA BOSS: A BATTLE ROYALE FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon