Now Playing: TL Ako Sa'Yo by xxx

486 18 12
                                    

Now Playing: TL Ako Sa’Yo by xxx

May porma’t mayaman, TL wala naman…

 

∞∞∞

“HOY, Ricarda Louise Reyes! Tigil-tigilan mo nga ‘yang kate-text mo dyan at tumulong ka dito sa baba! Maghapon ka nang nakahilata dyan, hindi ka ba naaawa sa katawan mo, ha?”

Napatirik na lang ang mga mata ko sa kisame at padabog na ibinaba ang cellphone ko sa kama bago pahinamad na lumabas ng kuwarto ko. Nakakainis naman si Mommy! Ang lakas-lakas ng boses, akala mo palagi na lang may away dito sa loob ng bahay! Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay at kami lang ang maingay dito. Ghaaaaad!

“Ricarda Louise!”

“Pababa na po ako, ‘My! Heto na po!” sigaw ko rin habang pababa ako ng hagdan. Haaaay life! Naabutan ko ang aking mother dear na palabas sa pintuang nakakonekta sa sari-sari store sa tapat ng bahay namin. Ugh naman! Tinatamad pa naman akong magtinda ngayon, kainis. “’My, naman eh! Gumagawa po kaya ako ng assignment ko.”

“Tigil-tigilan mo ako dyan sa kaartehan mo, Ricarda, at baka kurutin ko ‘yang singit mo. Kakakita ko lang sa bag mo dyan sa sala kaya wala kang lusot. Hala! Magtinda ka dyan at nang hindi ‘yang boypren mong sing-itim ng –”

“Kfine!” nakasimangot na putol ko na sasabihin ni Mommy bago ko siya tinalikuran. Pumasok na lang ako sa loob ng sari-sari store para tumao kesa naman pakinggang ka ang mula ulo hanggang pang panlalait ng sarili kong ina sa boyfriend ko.

“Good afternoon, Ricki!” nakangiting bungad sa akin ng kapitbahay-slash-asungot-slash-bangungot sa yabang kong kababata-slash-manliligaw na si Kristoff. Isa pa ‘tong badtrip, eh. Sungalngalin ko kaya ng isang beses?

“Walang good sa afternoon lalo na at ‘yang pagmumukha mo ang nakikita ko! Lumayas ka nga dyan sa harap ng tindahan namin at baka malasin pa kami. Letse!” tungayaw ko sa kanya. Ah, wala! Mainit ang dugo ko diyan. Sarap sampalin left and right nang matauhan. “Isa! Hindi ka aalis dyan? Bobombahan kita ng – aray! Aray, ‘My, masakit!”

Piningot ako ni Mommy!

“Ikaw nga, Ricki, tigil-tigilan mo ang pagtataray dito kay Kristoff. Aba! Saan ka pa makakakita ng guwapo, mayaman at maginoong tulad niya? Wala na! Siya na lang!” iminuwestra pa ni Mommy ang pagmumukha ng damuhong nakangisi lang. Makawala lang talaga ako dito, sasapakin ko ‘yan!

At ano kamo raw? Maginoo? Guwapo at mayaman, oo. Pero hindi maginoo. Pwe!

“Mommy naman!” reklamo ko pero lalo lang akong napingot. Napapamura na ako sa isip ko sa sakit at nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Naku talaga naman!

“Tigil-tigilan –”

“Opo! Tigil-tigilan ko na ang pagtataray, Mommy!” tili ko. Pisting “tigil-tigilan” ‘yan, oh!

“Good,” noon lang niya ako binitiwan at kaagad naman akong lumayo. “’Yan ang lalaking dapat pinipili mo. Hindi ‘yung boypren mong pinaglihi sa uling ng magulang niya! Dios mio! Mukhang ang baho-baho at hindi gagawa ng mabuti. Sinasabi ko sa’yo, Ricarda, mag-isip-isip ka at baka mapahamak ka lang sa lalaking ‘yon. Kuu, dito ka dapat kay Kristoff! Kita mo at mukhang anghel, ano?”

“Anghel na sinipa sa langit sa sama ng budhi,” bulong ko sa sarili ko habang pigi-pigil ko ang sama ng loob. “Tss.”

“Ano kamo, Ricki?” sikmat ni Mommy with matching panlilisik ng mga mata.

“Wala po!” tumalikod na ako para lumabas ng tindahan. Hindi naman kailangan ni Mommy ng magbabantay dito. Ako kasi ang balak niyang ibenta sa lalaking iyon. “Aalis na po muna ako.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Play and ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon