Kanina pa tinatawagan ni Yoz si Toqacio pero hindi sumasagot ang binata. Malamang ay abala ito sa bagong resort, lalo na at under construction pa ang malaking bahagi ng lugar. Bukod pa sa isang resort sa Los Baños na pinamamahalaan din nito. Nag-text na lang siya kay Toqacio na pumunta sa bahay kung may oras na ito.
She sighed. Gusto na niyang ilabas ang nasa dibdib. Pero kaya ba niyang sabihin kay Toqacio ang kanyang naramdaman nang halikan niya si Chiklet? Napakurap siya at nag-isip.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa si Toqacio. Mukhang galing pa ito sa opisina at sa bahay na nila tumuloy. Nakasuot ito ng itim na slacks at navy blue shirt na ang mga manggas ay itinupi hanggang braso.
"Ano'ng nangyari sa mga kuko mo?" bungad ni Toqacio.
Hindi kumibo si Yoz.
"Magkukuwento ka ba tungkol sa date ninyo ni Chiklet kanina?" Nakangiti si Toqacio ngunit halata ang pagod sa mukha. Naupo ito sa gilid ng kama at naghubad ng mga sapatos. Sumandal ang lalaki sa headboard at isinampa ang isang paa sa kama habang ang isang binti ay naiwang nakalawit sa gilid ng higaan.
Hindi pa rin kumikibo si Yoz. Umupos siya nang indian style paharap kay Toqacio at niyakap ang isang unan.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong ng binata habang nakapikit.
"Hinalikan ko si Chiklet," mahina niyang tugon.
Biglang nagmulat si Toqacio at napatuwid ng upo. "You kissed Chiklet?" A corner of his lips turned up a bit.
Tumango lang si Yoz at lalong humigpit ang yakap sa unan.
"Aba, naka-first base na si Yoz!" bulalas ng binata, saka ginulo ang buhok niya."Ano'ng feeling, 'pre?"
"Basta." Wala siyang balak i-share ang 'feeling' na naramdaman kanina.
"Anong basta? C'mon, I want details!" he demanded. "Malambot ba ang lips niya?"
"Oo."Nag-iwas siya ng tingin.
"That's it? Okay, may sinabi ba siya after you kissed?"
"Hindi raw ako marunong humalik," she mumbled.
"What? Ano'ng sabi?"
Tiningnan niya nang masama si Toqacio."Hindi raw ako marunong humalik!"
Hindi nagkomento ang binata at tumitig sa mukha niya. And then, he laughed. "You don't know how to kiss!"
Sa inis ay inihampas niya sa mukha ni Toqacio ang unan. Nasalag iyon ng lalaki at hinila mula sa kanya, saka iniitsa sa isang sulok ng kuwarto.
"Okay, hindi na ako tatawa," wika nito na halatang nagpipigil lang. "Sana kasi sinabi mo sa 'kin na hindi ka marunong, eh, di sana naturuan kita."
"Ng alin?Humalik? Hindi na, 'oy! Baka nakakalimutan mo, hindi tayo talo," tugon niya.
"Exactly, magkumpare tayo, so wala dapat malisya.Tuturuan lang kita, tapos!"
Hindi nagsalita si Yoz. Hindi niya alam kung bakit pinag-iisipan pa ang mga sinabi ni Toqacio. Was she considering it?
"Sa 'kin, walang malisya. O baka naman sa 'yo meron?" Nakakaloko ang ngiti nito sa kanya.
"O, baka naman gusto mong kamao ko ang lumanding diyan sa mukha mo?" matigas pa sa maton na banta niya.
"Subukan mo, hahalikan kita," balik naman ni Toqacio. Mischief never left his eyes.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Stolen Punches,Stolen Hearts (soon to be published)
RomanceStolen Kisses, Stolen Punches,Stolen Hearts By Ylena Rivers