Chapter 2

22 1 0
                                    

<Cassy's POV>

"Cassy! Hindi ka ba talaga marunong mag-ayos? At saka, bakit ba panay ang pag-clip mo diyan sa bangs mo? Hindi bagay oh!" at saka niya inalis ito at sinuklayan.

Kinuha ko naman ang suklay mula sa kanya at pinagpatuloy ko ito.

"Sumasagi kasi sa mata ko"


"Hawiin mo lang kasi! Paano magkaka-interes sayo ang iba kung hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo?"


Pinanliitan ko siya ng mata.


"Alam mo Micah, pinagsisisihan ko na kung bakit in-open ko pa sayo yung love life ko nung college" yamot kong sabi habang inililigpit ang gamit ko sa desk.


"Kung hindi mo in-open sa akin, hindi ko malalaman yang undying love mo diyan sa first love mo. "

"Ano ka ba! 5 years nang nakakalipas, Micah. Lipas na rin yung feelings ko for him"


"Yeah. Yung 5 years mo na pagbaon sa limot, binaon mo pala diyan sa puso mo, ayun namunga at nagkaugat na siya diyan"

Napangiti naman ako ng malawak.

"Ang OA mo naman. Wala tayo sa teleserye, uy."


"Sige Cassy. Patunayan mo sa akin na okay ka na pag pumayag kang sumama sa akin bukas" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Alam mo naguguluhan ako sayo. Bakit ba kasi ako yung pinu-push mong makipag-date, eh pareho naman tayong single?"

"Bata pa ko para diyan" buong pagmamalaki niyang sabi.

"Micah Pelaez baka nakakalimutan mong 23 years old ka na! Anong bata pinagsasabi mo diyan?"

"saka na ko pag meron ka na" nakangisi niyang tugon.

Naiiling na lang ako sa kakulitan ng babaeng ito.

"Sasama ka na?"

"Hindi."

"Cassy!!!" pagmamaktol ni Micah.

Napatigil ang pag-uusap namin nang marinig ang pag-uusap ng dalawang babae sa kabilang team na malapit sa kinauupuan ko.

"Bata pa raw yung magiging bagong manager natin" sabi ng isa.

"Talaga? Nakita mo na?"

"hindi ko pa nakita sa personal pero sa facebook, oo"

"Anong pangalan ng bagong manager?" tanong niya.

Nang banggitin niya ang pangalan ng kanilang bagong manager, natigilan ako.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Para ba akong nabingi na ewan.


"Cassy, okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Micah sa akin.

Napailing na lang ako.

It can't be.

----

7 years ago ...

"Cassandra!!!" sigaw sa akin ni Janna habang papalapit ito sa akin.

"Huwag ka ngang sumigaw! Nakakahiya!" pagpigil ko.

Niyakap niya ako at tuluy-tuloy pa rin ang pangangamusta.

"Na-miss talaga kita! Buti na lang pareho tayo ng class this time"

"Oo nga eh."

"Kumusta ang first day of class mo? May na-meet na kayong prof?"

"Oo meron. Hiningi lang niya listahan ng names ng klase niya tapos overview ng subject ganun"

"Buti pa sa inyo meron. By the way, naalala mo yung Valedictorian natin nung elementary?"

"Ahmmm...Oo? Yung lagi kasama ng crush mong chinito, Vincent ba yun?"

"Oo! Si Ashley!" nakangiti niyang sabi.

"Oh bakit? Close ba kayo nun?" tanong ko kay Janna.

"Hindi. Pero makikita ko ulit yung crush ko" kinikilig na sabi niya.

"Talaga? Magkasama pa rin ba sila hanggang ngayon?"

"Oo. Kasi nakita ko sila magkasabay na kumain sa canteen"

"Talaga? Baka sila na?"

Napasimangot naman siya.

"Wag ka nga! mawawalan na ko ng pag-asa niyan eh" pagmamaktol niya.

Natawa na lang ako.

"Miss?" tanong ng isang lalaki na may pamilyar na boses.

Lumingon ako sa likod at nagulat kung sino ito.

"Sabi ko na nga ba at magkikita tayo ulit" nakangiti niyang sabi.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Sinisigurado ng mata ko na kung siya ba yung lalaki kahapon.

Napansin naman niya ang confusion sa mukha ko. Kinuha niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at may kinuhang twenty pesos dun.

"Salamat kahapon" inabot niya ito sa akin.

"Cass, sino siya?" bulong sa kin ni Janna ngunit nagawa naman ito marinig ng lalaking nasa harapan namin.

"I'm sorry hindi ako nakapagpakilala agad. I'm Francis Alejandro, one of your classmates on this subject. At ngayon ay nagbabayad ng utang sa kanya." pagbibiro niya.

Inilahad niya ang kanyang kamay kay Janna at tinanggap naman niya iyon.

Tumingin siya sa akin sabay paglahad ng kanyang palad habang nakangiti sa akin.

"I-I'm Cassandra Marquez" kinakabahan kong tinanggap ang kanyang kamay.

Bakit nga ba ako kinakabahan?

"It's nice to see you again"

Napangiti naman ako.

Francis... bulong ko sa sarili ko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No to Nice Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon