After a few days, bumalik na ulit si AM, mukha na siyang masigla. At nagkwento siya ng nagkwento about her absent. Hinika daw siya ng super dahil naggigil siya sa aso ng kapitbahay nila. Hinika na nga siya, nagkaalergy pa siya.
Then out of the blue, sinabi niya sa akin na patawarin ko na daw yung kakambal niya. Natawa nalang ako then sabi ko sa kanya, wala namang kasalanan sa akin yung kapatid mo so bakit ko siya papatawarin. Sabi niya sa akin, sobrang nadepress daw yung kapatid niya kasi nagalit daw ako.
Sobra akong natawa dahil sa sinabi niya. Depress my ass! Di talaga ako naniniwala na nadepress si ungas. Pero dahil natatawa ako sa sinabi niya, tinanong ko na rin kung bakit.
Sabi niya kasi daw ako lang daw ung mabait sa kapatid niya tapos nasigawan pa daw ako.Aba! Alam pala niya yun? Akalain mo yun. Hahaha! Saka may binubulong siya na hindi ko maintindihan kaya pinabayaan ko na. Sabi pa ni AM, batiin ko na daw kapatid niya para di na maging bugnutin. Bakit naman ako ang naging dahilan ng pagiging bugnutin niya?
Speaking of the devil, lumapit siya sa amin and may binigay na plastic sa kakambal niya. Kinuha naman ito ni AM tapos tumingin silang dalawa sa akin. Bakit? Tanong ko naman. Magbati na kayo, sabi ulit ni AM. Wala namang nangyaring awayan ee, ika ko naman. Edi kibuin mo na si AJ, giit naman ni AM.
Edi hi!, sabi ko naman sabay tingin sa kabilang direksyon. Then may nakita akong gwapong lalaki na super kilala ko kaya nanlaki ang mata ko and hinampas c AM!
"AM AM!!!! Si Luke, si Luke! OMG! AM!!!!!!!", sabi ko sabay tili.
"Sino siya?" nagtatakang tanong sa akin ni AM.
Wala nga palang may alam na super crush ko si Luke kasi nasa kabilang building siya. Pero super shocked talaga ako at napunta siya dito. Shit! Lumabas pagkababae ko.
"AM! Siya yung nag-iisa kong crush! Shit! Maayos ba mukha ko? Di ba ako mukhang chaka? Magulo ba buhok ko?"
"Relax ka lang!" sbi ni AM then tinitigan si Luke. "Mas gwapo pa rin kakambal ko", sabi pa niya.
"Duh! Kakambal mo kaya yan!", sabi ko while rolling my eyes.
"Nandito lang ako baka nakakalimutan niyo", pasungit na sabi ni AJ.
"Wala namang nagsabing wala ka dyan", sabi ko naman.
At tinitigan ko lang si Luke then bigla siyang humarap sa lugar namin and nakita niya kami especially ako na nakatunganga sa kanya. Bigla siyang ngumiti and nakita ko ang kanyang napakagandang dimple. Lumakad siya papunta sa direksyon namin.
"Iyay!", tawag sa akin ni Luke.
"Luke naman, wag ng Iyay, ang laki ko na kaya. Iyah nalang.", patweetums kong sabi. Tumawa lang siya and inakbayan ako. Syempre kilig na kilig ako.
"Buti nalang pumunta ako dito, tagal na kitang di nakikita Iyay! Namimiss na kita."
"Eeeeheeeeeerrrm", narinig ko.
"Luke, ang kambal nga pala. Si AM and AJ," pakilala ko sa kanila.
"Boyfriend mo, Iyay?"
Tumawa lang ako and hinampas si Luke,"Hindi noh! Classmate ko silang dalawa. Wala kaya akong boyfriend."
Tumawa lang si Luke at nagkibit balikat sabay yakap sa akin, "Miss na miss kita bigla, Iyay!"
"Shit na malupit! Kinikilig ako!", kinikilig kong sabi.
Binitiwan ako ni Luke at tumawa lang sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"Nood ka ng basketball, Iyay. Maglalaro kami mamaya".
"Sureball!"
Tumawa siya ulit at muling ginulo ang buhok ko. Tinawag na siya ng mga kasama niya at nagpaalam na siya sa amin.
"AM, nakita mo iyon? Shit na malagkit talaga, di na ako maliligo nito!"
"Kadiri ka naman Iyah, di naman masyadong gwapo, mas hot parin yung kapatid ko", sabi ni AM.
I rolled my eyes nalang, "Edi wow!"
"Bakit panget ba ako?", tanong ni kupal este AJ.
"Wala namang nagsabing panget ka pero dahil natanong mo narin, di ka panget, ugali mo lang panget, kakaturn off overload nga eh", sabi ko naman.
"Naturn off ka ganun?", tanong niya ulit.
"Sino bang hindi? Super rude kaya DUH?!", sabi ko habang sumisilay kay Luke.
"Hmmmm..", narinig kong sabi niya kaya napatingin ako kay AJ with puzzle look.
"Affected much ka? You should be kaya." sabi ko pa.
"Hmmmmm.." sabi niya ulit.
"Stop that hmmm hmmm mo, rude yan." nainis kong sabi.
"AM,bakit ikaw mabait, kakambal mo hindi?"
Natawa nalang si AM sa sinabi ko.