L.O.V.E.

5 0 0
                                    

Hindi naman talaga ako mahilig sa paksang ganyan .. Ako yung uri ng tao na nangingilabot pag pinag-uusapan sa klase or ng barkada ang "LOVE". Hindi naman sa "picky" ako, may crush din naman ako. Magagawa ko, hindi siya masyadong appealing eh. Bato nga daw ata ako accdg. to my female buds but I really really don't care. Masaya kayang maging SINGLE, pwede magkacrush ng madami, wala pang gastos!

Tingnan niyo nalang yung iba nameng katropa, kung hindi ngumawa (for girls) eh inom naman (for guys) ang ginagawa pag nabibigo. Parang mga baliw lang. Hahahaha! But wala naman akong kontra sa kanila kasi mahal ko ang mga yan.

May bagong lipat sa school namin, twins daw. Lahat ng barkada ko excited. Di naman kasi namin alam if dalawang guy or dalawang girl eh. Si mam naman kasi may pasurprise surprise pang nalalaman. Nagkakagulo tuloy sa room namin.

Dumating narin ang time para mameet namin ang twins at sa pagkagulat nilang lahat (wala nga kasi akong pakialam okay?), one guy one girl ang kambal. Infairness maganda't gwapo sila. Parang artista lang.

Ang name ng kambal eh, Alexander James and Alexandra Mae. Cute name, yun kasi ang gusto kong name ng anak ko if ever na mag-aasawa ako. Hahahaha!

Katabi ko sa upuan ang kambal, friendly si AM, suplado si guy. Well, hindi naman ako affected, di ko naman sya gusto. Si AM, makwento, parang nakwento na nga niya ang buhay nila sa akin. Magaan loob ko sakanya,gusto ko syang masali sa lists of friendship ko pero yung kapatid niya, NEVERMIND!!!

Everyday kami magkasama ni AM, tanong na nga sa akin ng mga classmate ko if nagbago na daw ba ako ng gender reference, baka kaya daw wala akong maramdamang KILIG FACTOR sa guy kasi hindi guy ang gusto ko. Nakakatawa rin pala eh no? Imaginin niyo yun, dahil lang sa closeness namin,napagkamalan akong tomboy? Hahahaha!

Hindi ako tomboy okay? Sadyang close lang kami kasi magkasing-ugali kami (parehong madaldal, kalog at kwela). Nagkkwento rin naman si AM tungkol sa kapatid niya kaya kahit papaano eh nalalaman ko rin yung dahilan ng pagiging suplado ni AJ, Saka isa pa, super protected sya sa kambal niya. Everytime na gagala kami,palagi syang nakabuntot. Parang aso lang eh. Hahahaha!

Pero secret lang natin ito ha? Crush ko sya. The way na inaalagaan niya yung kapatid nya, nakakaturn-on. Minsan lng ako makakita ng magkakambal na sobrang close.

Anyway, mabait sa akin si AJ, siguro dahil close kami ng kapatid niya. Actually, sa lahat nga ng mga kaklase namin eh sa akin lang sya di masyadong suplado (inborn na talaga atang suplado ang lalaki na ito). Pero minsan nagsusuplado rin sya sa akin kaso dahil sa "bato" ako sabi ng mga tao sa school, wa epek ang kasupladuhan niya.

Naisip ko siguro defense mechanism lang ni AJ yun kasi nga yung ibang girls lapit sa kanya ng lapit para lang magpacute. Nasanay nalang siguro sya sa pagiging suplado.

One time, nagulat ako ng pumasok si AJ without her twin sister. Dahil isa akong concerned friend, I approach him, asking where is she. Then bigla nalang niya akong sinigawan at sinabing, "Obvious bang wala dito? Ibig sabihin may sakit sya!"

Aba!!!! Lahat kami nagulat sa outburst niya pero mas nagulat ako! Kapal ng feslak niyang sigawan ako! Ako na mabait sa kanya, na yung babae na lumalapit sa kanya without any hidden desire! Lintek lang ang walang ganti!

"Wow!!! Sorry ha?!! Wala kasi akong common sense eh! Iniisip ko lang na late siya kaya wala pa siya! At dahil magkapatid kayo, ikaw lang ang pwede kong tanungin about her! Don't worry! This will be the first and the last time I'm going to ask you!! I'm going to ignore you for now on!!"

Super galit ko, napaenglish tuloy ako! Then nagwalkout ako! Kiber! Nahighblood ang lola niyo! Ganda ganda ng approach ko sa kanya sisigawan nia ako?! Super WOW! Imba!

After a few minutes bumalik na ako sa room. Ang tahimik nila, me pressure kasi ata. Then umupo na ako sa seat ko. (next next to him, nasa gitna kasi namin ang twin niya.) Kunwari wala akong nakita or sadyang naging shadow siya!

Biglang nagring ang phone ko, then sinagot ko. Si AM, nagsabi na maysakit nga siya and di makakapasok ng ilang araw. Nang binaba ko na ang phone ko, may nagtext naman sa akin, nang tingnan ko, unknown number. Ang sabi, "I'M SORRY". Dahil nafigure it out ko na siya yung nagmessage so nagkibit balikat ako and erase the message.

Then suddenly may narinig akong nagsigh, and I know who, it's him. Dahil sinabi kong wala na akong pakialam sa kanya so I pretend na wala akong narinig. Bad na kung bad pero once na sinabi ko, gagawin ko talaga.

L.O.V.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon