Chapter 14

713 23 0
                                    

Drake's Pov

Hahabolin ko sana si Luhane nung may biglang may tumawag sakin pag tingin ko sa screen ng cellphone ko its Farrah di ko sinagot ang tawag niya. Wala na dapat kami pag usapan pa tapos na kami. Ayoko na sa kanya. Kaya nag decide ako na mag punta sa hide out namin paniguradong nandun ang mga baliw kong tropa.

"Oh nandiyan ka na pala" sabi ni Zyler.

"Hindi wala picture ko lang to" pilosobo kong sabi sa kanya.

"Oh bat mainit nanaman ang ulo mo ha" sabi naman ni Zylex twin brother of Zyler.

"Wala" maikling sagot ko.

"Bakit mag kaaway na naman ba kayo ni Farrah" tanong nilang dalawa.

"Oh bakit "

"Wala na kami nakipag hiwalay na ko sa kanya di ko na kaya ugli niya e"

"Wala na pala kayo ehh eh bat parang di ka masaya"

"Si Luhane kasi ehh ayaw na sakin"

"Whoa si Luhane pa din pala ang mahal mo at ayaw mo pa umamin " pang aasar nilang dalawa.

"Tsk uminum na nga lang tayo" sabi ko

Ralph's Pov

Hinatid ko si Cindy sa kanila di naman siya tumutol saka sisimulan na namin ang pag papanggap na mag on kaming dalawa.

"Thanks " sabi niya at tumalikod na siya sakin. Papasok na siya dapat ng gate nung bigla itong bumukas at niluwa nito si Renzo at Loraine.

Oh hey baby sis . Sabi ni Loraine sa kapatid.

"Hi Ate pasok na ko" tas tumakbo na siya ako naman pasakay nang sasakyan ko nung pinigilan ako ni Loraine.

"Hoy Ralph what's going on between you and my sister" tanong niya.

"Tsk she's my girlfriend kaya karapatan ko siya i hatid" tas sumakay na ko sa kotse at pinaandar na napaka bilis. Alam ko naman na kukulitin ako ni Loraine kaya tinakasan ko na lang.

Cindy's Pov

Dali dali akong pumasok sa kwarto at nilock ko yung pinto alam kong kukulitin ako ni Ate hay basta si Ralph na mag papaliwanag sa kanila lintek kasi na lalaki na yun ehh ako pa na pili maging fake girlfriend niya. Ako naman etong si tanga pumayag payag haysss hamo na nga at ginusto ko naman to ehh paninindigan ko na .

Past forward

* School*

Naglalakad kami ni Ralph sa campus na mag ka holding hands we're acting like a real couple and mawawala ba ang mg mata ng babae samin at lalong lalo na sakin di din mawawala ang bulong bulungan. Tse mamatay sila sa inggit HaHa joke.

"Nga pala Cindy ipapa kilala kita sa parents ko this coming weekend" sabi niya.

"Fine" sagot ko sa kanya.

"Wag na wag kang madudulas ha" sabi niya at pag pasok namin ng Classroom mga naka tingin nanaman sila.

" Booboo Love yung kamay nandito na tayo sa classroom" sabi ko sa kanya at napa nganga naman sila.

"What kayo ba ni Cindy" sabi ni Kuya Xavier.

"Dude what you see what you get" sabi naman nitong si Ralph. Uupo na sana ko nung na pansin kong wala pa si Luhane ano kaya nangyari sa kanya mula kagabi kasi di siya nag tetext sakin.

Ralph's Pov

"Hoy Ralph seryoso ka kayo ba talaga ni Cindy" hindi maka paniwalang tanong ni Xavier.

"Oo nga kami kaya pwede ba wag nang madaming tanong"- Ako.

*Lunchbreak*

Sabay sabay kami kumain nila Xavier at syempre kami ang topic ni Cindy.

"Kelan naging kayo Cindy" tanong ni Clay sa kanya.

"Ahm 3weeks ago" kinakabahan na sabi ni Cindy.

"Whoa mahal mo ba" tanong sakin ni Jethro.

"Tsk oo naman noh" pag sisinungaling ko punyeta na hot seat pa kami.

Cindy's Pov

Wahh ayoko na ang hirap sakyan ng trip ni Ralph hindi ko alam ang i sasagot ko sa mga tanong nila Kuya Clay samin kakainis naman si Luhane kung kailan naman kailangan ko siya saka siya wala hay naku naman.

"Booboo Love oh di sila naniniwala na tayo hug mo nga ko para maniwala sila" pag kukunwari ni Ralph kaya naman niyakap ko siya.

"Ang cute mo talaga Booboolove" sabay kurot ko sa pisngi niya as in masakit na kurot talaga.

"Aray" angal naman niya naka yakap pa din ako sa kanya at sabay bulong ko sa kanya na. " Ang hirap mag panggap".

"Kung na hihirapan ka mas lalo naman ako" bulong niya.

"Hoy tama na nga yang pag lalambingan niyo ang awkward nyo tingnan " sita ni Kuya Renzo samin.

"Kuya Renzo ang cold mo talaga mag salita pero pah dating naman kay Ate Loraine para kang binuhusan ng mainit na tubig sa sobrang lambot mo sa kanya" banat ko sa kanya. Nag tawanan naman sila Ralph .

"Tss ganun talaga pagdating sa mahal mo handa mo dapat ibigay ang lahat para mapa saya siya kasi Cindy hindi ko kakayanin pag na wala sakin ang ate mo"

"Ahh ang sweet naman ni papa Renzo" sabi ni Kuya Xavier at nag bakla baklaan pa talaga siya kaya lalo kaming nag tawanan.Hay sana di na lang laro tong ginawa namin ni Ralph .... Teka Teka erase erase ano ba tong lumalabas sa bibig ko tsk...

When The Cassanova Gangster Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon