1 | The hardcore fan

39 6 0
                                    

"Oh yeah! C'mon, take your time~" Naputol ang moment ko nang makarinig ako ng malakas na balabag sa pinto dito sa cr.

Narinig ko na naman ang malakas na sigaw ni Mamala, tawag ko yun sa lola ko. "Hoy! Bilisan mo! Maliligo pa kapatid mo!"

"Opo, mamala! Tatapusin ko lang po ung kanta!" Sigaw ko pabalik.

"Anong tatapusin? Pangatlong kanta mo na yan! Mapapatawag na naman ako sa eskwelahan mo!"

Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako, hindi na ako kumain kasi baka malate na naman ako. Pangwalong beses ko na kasi. Baka masuspend na ako.

Nilabas ko ang phone ko at naglog-in.

Update: 12:03 pm
Sigh... Salamat naman at sa wakas hindi na ko late. Well malapit na but at least hindi pa rin ako late. Salamat sa EXO na naging mahimbing ang tulog ko. Nakakabighani kasi ang boses ni Chanyeol oppa! ㅋㅋㅋ

Anyway I have a website where I write updates and blogs about my life and my lovey-dovey EXO. Nasabi ko na ba na super duper fan ako ng EXO?! As in omg ang hot nila ang gagaling pa sumayaw pati kumanta. Lalo na si Chanyeol my loves! Oh em yung biceps niya tapos super duper hot niya pag pawis siya oh em—

Oops! Umaatake na naman ang pagkafangirl ko. Anyway, Di tulad sa totoo kong buhay dito sikat ako. I am known as playfulyoda!

"Miss Villacorte answer this equation."

"Miss Villacorte?" Narinig ko ang malakas na sigaw ng propesor namin.

Agad akong nagising sa realidad. Nakita ko ang halos na makasalubong na kilay ni Ms. Karandang. Oo nga pala, nakalimutan kong may nagtuturo pala sa harap.

"Solve this problem!" Sigaw ni ma'am.

Tumayo ako mula sa aking upuan. I calmly took the marker and solve the problem like it's the easiest thing in the world (#thuglife)

Pagkatapos ko ay nilingon ko si ma'am na may ngiting tagumpay.

She smiled at me, "Good! May panis na laway ka pa, Ms. Villacorte."

Huh ano daw? Panis na laway? Shocks! Tumalikod ako at agad pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko.

Pagkatapos ng klase agad akong dumiretso sa aking work. By the way, I'm a working student. Meron akong tatlong trabaho: waitress sa tanghali, tindera sa hapon at singer sa gabi.

"Uy! Jazrene buti nalang nakadating ka na agad, marami tayong costumer ngayon. May bihis ka na." Bungad sakin ng manager/boss ko. Wow, wala manlang hi or hello?

"Okay po, sir." Agad akong nagpalit at nagtrabaho.

Dumating na ang hapon kaya natapos na ang shift ko kaya agad na akong nagpaalam sa boss ko.

Papunta na ako sa pangalawa kong trabaho. actually, hindi siya trabaho it's like business in school. Pumara ako ng jeep.

Nang nakarating na ko sa divisoria namili ako ng girls garments (bra at panty) para sa business ko sa school. Yep, I sell underwears at school.

"Ate, magkano po ang lahat na ito?" Turo ko sa mga nakahilerang undergarments.

"P500 lang yan ineng." Sagot ng tindera.

"Ha? Ano? P500." Parang ang mahal naman. "Pwede po bang P300 na lang po please."

"Nako, ineng. Onti na nga lang bumibili ng mga ganito eh." Well, hindi sa school ko.

Lumuhod ako at nagmakaawa with matching puppy eyes. "Ayaw niyo po talaga? Sige na po. Butas na nga po yung isa kong panty, e. Bacon na nga po yun tapos Side A, Side B yung gamitan tapos 300 lang naipon ko. Huhu ate naman."  Syempre lie lang yun.

Tumingin-tingin siya sa paligid. Pinagtitinginan na kasi kami. Bumuntong-hininga siya, "Sige na, tumayo ka na diyan. 300 na lang."

"Yey! Salamat ate I love you!"

Bago ako umalis naeinig ko pa yung nagtitinda na bumulong. "Baliw..."

Habang palakad na ako papunta sa jeep may nakita akong poster ng bagong album photoshoot ng EXO. Halos maglaway ako sa nakita.

"Omg! Ate magkano po dito?"

"P30 lang yan." Sagot niya.

Hindi ako nagdalawang isip na magbayad. Pagdating sa EXO kahit magkano pa yan bibilhin ko basta may pera.

Naglakad na ako patungo sa jeep na sasakyan ko.

"Bayad po."

Habang nagbibiyahe ako sa pangatlo kong trabaho nag update muna ako sa blog ko.

Update: 7:31 pm
I finally arrived at my third work. So tired ㅠㅠ

Nagbihis na ako at umakyat sa stage kung saan ako aawit. I started singing Lost stars by Adam Levine.

"God tell us the reason....."

Hayy! Tapos na rin lahat ng trabaho ko. Time to go home. Malapit lang naman ang bahay namin kaya magtratricycle na lang ako.

"Mamala, nandito na po ako." Pagbati ko pagkapasok ko.

Tumayo siya at lumapit sa'kin para makapagmano ako. "Mabuti naman at nakauwi ka na." Sagot niya. "Kain ka na."

"Mamaya na lang po. Pagod na po ako eh. Good night."

Dumiretso agad ako sa kwarto ko because it's time to update my upcoming article on my blog. And also para makapanood ako ng MV ng EXO! Syempre. Di kumpleto ang araw ko ng hindi naririnig ang kanta nila ng atleast 50 times a day.

The Miss Nobody Exo-lTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon