"Oh-My-Gosh!" Sabay talon sa kama.
Para makasiguro na hindi ako naduduling ay binasa ko ulit ung article.
EXO to have a concert in Manila
"OMG! OMG! I'm going to die. Ay! Wag muna pala. Papakasalan ko pa si lovey dovey Chanyeol." Sabay yakap sa pillow na may mukha ni Chanyeol.
Kailangan ko na magipon kasi sa February na yung concert.
Update: 10:30 am
EXO TO HAVE A CONCERT IN THE PHILIPPINES?! OH MY GOODNESS! THANK YOU LORD!*
Pagdating ko sa hallway ng school ko. Agad akong nagbenta ng patago.
"Uy, may bago ka? Patingin ako." Sabi ng suki ko
Oo may suki ako. It's been a year na ng magbenta ako.
"Eto, bagong labas nila."
Biglang nagring ung bell kaya tumigil muna ako sa pagbebenta.
"Good morning! Maam Karandang," pagbati namin ng pumasok na ang aming guro. Wow, deep!
It's always been a boring day but it's okay kasi malapit na kami mag summer vacation. I'm so excited! Kaso nga lang maabutan ng school days yung concert ng EXO. Well, magaabsent na lang ako sa araw na yun.
Nagpatuloy ako sa pagbebenta after class. Wala kasi akong trabaho ngayon hanggang bukas kasi it's my day-off.
"Mamala, I'm home!" Nagmano ako sakanya bago gawin ang usual kong ginagawa. Magspazz.
"Oh, wala kang work?"
"Opo, day-off ko po."
Maya maya nakarinig kami ng busina. Ang schoolbus ni Clyde, ang bakababata kong kapatid.
Alam kong mahal ang schoolbus at mahirap lang kami pero wala kaming magagawa. Palagi akong may trabaho at medyo hirap na maglakad si Mamala kaya walang nakakasundo sa kanya. Anim na taong gulang lang siya at mahirap na sa panahon ngayon ang umuwi mag-isa.
Lumabas ako at kinuha ang gamit niya. "Hi ate!" Bati niya sa'kin.
Hinalikan ko siya sa noo at ginulo ang buhok niya. "Magmano ka kay Mamala at magbihis na." Tumango siya at tumakbo papasok ng bahay. Ang cute niya talaga.
Nang alas-sais na nagluto na ako at sabay sabay kami kumain. Kahit kulang kami at least masaya pa rin kami, si Mamala na lang kasi ang nagaalaga sa amin dahil ulila na kami sa magulang ni Clyde.
Naghugas ako at nagtooth brush bago umakyat sa kwarto ko.
Napagdesisyunan kong manood muna ng EXO Showtime. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na itong napanood.
Habang nanonood ng EXO Showtime biglang tumunog ang cellphone ko.
Ano kaya 'to?
EXO ticket price confirmed.
"Omg! Sana mura lang." Sabay cross fingers.
Pagkatingin ko sa seat tickets napasigaw ako. "Ano?! Pinaka mura 3,500?"
Mukhang di magkakasya ang ipon ko. I need to do something para makapag ipon. Ano kaya pwede? Ah, alam ko na magbenta kaya ako ng ulam o pwede naman mag laba ako? Wag yon...
Eh, ano kaya kung mag alaga ako ng bata o ng aso? Ay, wag na lang.
Hindi pa sakto 'tong ipon ko, kasi matagal pa christmas bonus ko.
Kinabukasan, pinilit ko ang boss ko na magtrabaho kahit day-off ko pa. Hindi sana siya papayag kung hindi ako lumuhod.
"Sir, thank you! thank you very much"
Habang nagmomop ako biglang tumunog ung cellphone ko. Bawal gumamit ng gagdet pag nagtatrabaho pero sisilip lang naman ako. Binuksan ko ang facebook kung saan ko natanggap yung notification.
EXO TICKETS GIVEAWAY PROMO
Napatili ako ng mabasa ko ito, "WHAT?!" Nagtinginan sa'kin yung mga tao kaya nagpaumanhin ako at bumalik na sa ginagawa ko.
"Shemay nakakahiya..." Bulong ko.
"Jazrene! Bawal gumamit ng gagdet pag oras ng trabaho!" Sigaw ng manager namin.
Yumuko ako, "Sorry po.."
*
Bumuntong-hininga ako.
Sa wakas, tapos na oras ko kaya it's time to check my phone.
Tinignan ko yung mechanices ng promo.
To win the promo, please answer the questions below:
1. Write a review about EXO's newest song.
2. Who is your favorite among the group and why do you like him?
3. Why do you think you deserve to win this giveaway?
4. Follow our account on Instagram, Facebook and Twitter.
5. Like and share this photo. Also tag three (3) friends.
The results will be shown next week. Stay tuned!
"Wow, easy lang pala eh."
Agad kong sinagutan ang mga tanong nila. Ginawa ko na rin ang inuutos dito.
"Tag three friends?" Pagbabasa ko sa huling sentence.
Are you serious? Paano ko magagawa 'to? Wala naman akong ni isang friend in real life. Dalawa nga lang friends ko sa facebook, eh. Si Mamala at ang account ni Clyde na ako naman ang gumagamit.
Well, madali lang naman ang sagot diyan.
Gumawa na lang ako ng fake account. Pagkatapos inadd ko ang sarili ko. I know, desperate. Sayang din yung pera!
"Sa wakas natapos din!" Tuwang-tuwa ako kasi nameet ko yung requirements ng promo. All I have to do is wait.
Update: 6:09 pm
Just registered for EXO's ticket giveaway! Cross fingers!*
Pagkatapos ng isang linggo nakatanggap ako ng email from SM Ent.! OMG! ETO NA BA YUN?!
"Dear Ms. Villacorte,
Thank you for participating on EXO's Ticket Giveaway Promo.
You have won our promo. You can claim your price at the concert.
Save this code for confirmation: 20156978VIP
Sincerely, SM Ent."Sumigaw ako sa tuwa. This is real! Oh my goodness! Makikita ko na sila! Makikita ko na sila!
"Huy!" Napalingon ako sa pinto ko na bumukas. Nakadungaw doon si Mamala. "Ke aga-aga nagtititili ka diyan! Ni hindi ka pa nga naghihilamos. May muta ka pa! Maligo ka na!" Tsaka niya sinara ang pinto.
Bumungisngis ako at niyakap ang unan na may mukha ni Chanyeol my loves.
"Makikita na rin kita sa wakas." Then I hugged it tightly.
BINABASA MO ANG
The Miss Nobody Exo-l
FanfictionAno na lang ang gagawin mo kung nagkascandalo ka kasama ang bias mo? Worst of all, sa harapan pa ng fans ng paborito kong k-pop group! I'm Jazrene Villacorte and I met my bias in a very embarrassing way.