Part 5

52K 1.5K 101
                                    

"BAKIT KINUHA mo pa rin ang Baltimore's Place? Akala ko ba nagkasundo na tayo na sa akin na ang lugar na iyon?"

"Misis, ang aga-aga pa para mag-away tayo."

"Huwag mo akong matawag-tawag na misis kapag ganitong mainit ang ulo ko." Ibinagsak ni Temarrie sa ibabaw ng table ni Jubei ang dala niyang bag.

Talagang sinugod niya ang lalaki sa opisina nito matapos makausap kanina ang real state agent na si Manny. Nabili na raw ng Windurst Productions ang pinaka-iingatan niyang lugar.

"Bakit pinakialaman mo iyon, Jubei? Nakakaasar ka na talaga!"

"My company needed it, Temarrie."

"I need it too!"

"For what?"

"That's hardly your damn business!"

"I make it my business since you'll have to convince me to give you that building. Tamang-tama ang lugar na iyon para sa itatayo kong annex building ng Windurst. So, unless mabibigyan mo ako ng magandang dahilan para ibigay ko sa iyo ang Baltimore's, mananatili sa mga kamay ko ang lugar na iyon."

Damn him! Naisahan na siya nito nang walang kahirap-hirap. Bakit ba kasi naniwala pa siya sa mga salita nito?

"Kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan ko, ibibigay mo na sa akin ang Baltimore's?"

"I'll think about it. As I've said, kailangan mo muna akong makumbinsi."

Ayaw na sana ni Temarrie na magsalita pa. Nasanay na siya sa pamilya niya na hindi naman pinakikinggan ang mga opinyon at sinasabi niya. Ngayon ay mapipilitan siyang magsalita, kahit na nga alam niyang hindi rin naman pakikinggan ng buwisit na ito ang mga sasabihin niya.

Men are so heartless. Bakit ba hindi na lang sila magkaroon ng sarili nilang planeta at nang hindi na nagugulo pa ang mundo ng mga kababaihan?

"Kailangan ko ang Baltimore's dahil iyon ng pinakamagandang puwesto para sa iniisip kong itayong negosyo."

"Negosyo?"

"A restaurant. Matagal ko nang plano iyon. Hindi ko lang agad naisakatuparan dahil ipinahamak mo ang perang puhunan ko sana para doon."

Jubei leaned back agains his seat. Halatang pinag-iisipan nito nang husto ang mga sinabi ni Temarrie. Which was new to her. Usually kasi, pakikinggan lang ng mga tao sa paligid niya ang mga sinasabi niya pero hindi naman talaga iyon sineseryoso. Jubei, on the other hand, looked like he was interested enough to contemplate on her words.

For the first time, someone did listen to her.

"You don't have to work, you know," wika ni Jubei. "Kapag naghiwalay na tayo, makakakuha ka ng malaking halaga since may pinirmahan tayong kasunduan bago tayo nagpakasal."

"Gusto ko lang ng isang bagay na alam kong pinaghirapan kong ipundar."

"O gusto mo lang may mapatunayan sa iba? Sa...pamilya mo?"

"Ano naman? Masama ba iyon?"

"No. Not really." May kinuha itong papeles sa drawer nito at ibinigay iyon kay Temarrie. "Just sign it and Baltimore's is yours."

Natural na magulat siya sa sinabi ni Jubei. Lalo na at inaasahan niyang kakailanganin pa niyang buligligin ang lalaki para lang makuha ang gusto niya. But...he was giving her what she wanted without any questions.

"Huwag mong isipin na ginawa ko ito dahil naaawa ako sa iyo. Gusto ko lang subukan mo ang nauna mo nang plano. Pero kapag nabigo iyon, babawiin ko uli sa iyo ang Baltimore's, Temarrie. You only have one chance so make sure you do everything right."

Stallion Riding Club 1: Jubei BernardoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon