Part 9

50.6K 1.3K 121
                                    

"ITO BA ang gusto mong mangyari sa lugar na ito, Temarrie? Ang pag-awayin ang magkakaibigan na iyan?"

Si Rumina ang nagsalita. Nakasakay din ito sa kabayo na ginagamit nito kanina habang tinuturuan ni Jubei. Nasa di kalayuan sina Jubei at Neiji, halatang may malaking pinagtatalunan. Habang ang magkakambal naman ay nakamasid lang na tila ba naghihintay lang ng cue kung kailan sila dapat umawat.

"Mula nang dumating ka rito, lagi na lang nasasangkot sa gulo si Jubei," patuloy ni Rumina. "Hindi mo pa ba nahahalata na puro lang gulo ang hatid mo sa mga tao rito? Pati si Paz Dominique, pinag-initan ang ilang mga females guests dito nang dahil sa iyo."

"Hindi ko kasalanan iyon. Sila ang unang lumapit sa akin. Ipinagtanggol lang ako ni Dominique."

"Bakit ka naman kailangang ipagtanggol? Inaapi ka ba rito?"

Hindi na umimik si Temarrie. Nag-aalala na kasi siya sa kahihinatnan ng tensyonadong pag-uusap nina Neiji at Jubei. Ano ba kasi ang sinabi ng kambal na iyon sa kanyang asawa at ganon na lang ang galit nito nang dumating ito doon?

"It was obvious na hindi kayo bagay ni Jubei, Temarrie. Lagi mo na lang siyang binibigyan ng problema. Kaya bakit hindi mo na lang siya hiwalayan habang maaga pa? Bago pa siya na mismo ang mapahamak nang dahil sa iyo."

"Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, Rumina."

"Bakit, sino pa ba ang inaasahan mong magsasabi nun sa iyo? Si Jubei? He wouldn't say anything, dahil naaawa siya sa iyo. Kunsabagay, nakakaawa ka nga naman. With your mom dead and your father now in critical condition at a hospital..."

Kasabay ng pagbaling niya kay Rumina ay ang paggalaw din ng kabayong kinasasakyan niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang renda ni Beast.

"Anong sinabi mo?"

"Bakit? Hindi mo ba alam?" Umismid lang ito. "Poor girl. Sarili mong ama, hindi mo alam ang kalagayan. Anong klase ka bang anak?"

"Anong nangyari sa Papa ko?" Halatang nagulat ang kanilang mga kabayo sa sigaw niyang iyon kaya nag-umpisa ng maging uneasy sa kinatatayuan ng mga ito ang mga hayop. "Anong nangyari sa Papa ko? Bakit mo sinasabing nasa critical condition siya? Nasa US ang Papa ko at negosyo ang pinagkakaabalahan niya roon!"

"Huwag kang sumigaw. Tinatakot mo ang mga kabayo."

"My father's not dying!"

Sa huling sigaw niyang iyon tuluyang nagwala ang mga hayop. Nang tumakbo ang kabayo ni Rumina, napatili ang babae. That was her horse's cue to rise up its front legs, swinging it up high enough for Temarrie to lose her grip on the rein. Bumagsak siya sa lupa at agad niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang kanang balikat. Nagdidilim na ang kanyang paningin dahil sa kirot subalit nilabanan niya iyon. Kaya kitang-kita niya nang habulin ni Jubei ang kabayong kinaroroonan pa rin ni Rumina. Wala nang malay ang babae nang makuha sa likuran ng kabayo.

"Temarrie! Oh, my God! Are you okay?" boses iyon ni Neiji. "Teka, huwag ka munang gagalaw. Padating na ang mga paramedics."

Nagpilit pa rin siyang makatayo kahit nahihilo na siya. Napapapikit lang siya sa sobrang kirot ng kanyagn balikta pero sa kabuuan, wala na siyang ibang naging pinsala.

"Dumito ka na lang muna, Temarrie," wika ng isa sa kambal. Ang isa kasi ay kasama ni Jubei nang isugod si Rumina sa pinakamalapit na pagamutan marahil. "Mukhang hindi maganda ang lagay ng balikat mo. Kapag napuwersa iyan, baka mas lalo lang lumala ang pinsala mo."

"I'm fine." Wala nang mas sasakit pa sa nasaksihan niya kanina. Kung saan mas inuna ni Jubei na iligtas ang ibang babae. "Kailangang makabalik ako ng Maynila. Gusto kong makita ang Papa ko."

Stallion Riding Club 1: Jubei BernardoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon