"Severely, I guess I loved you, too, severely
I don't even breathe and I look around for you
I don't know when I'll be able to stop
Severely, I guess I loved you, too, severely
I think letting you go is more severe than dying..."
---
"Jeremy! Hintayin mo 'ko, anu ba?!"
Di ko siya pinansin. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. Bakit ba ayaw niya kong payagan? Alam naman niyang passion ko ang pag-pinta. Ngayon yung competition pero ayaw niya ko hayaang sumali. Ano bang problema niya dun? Nakakainis! Oo, mahal ko siya. Pero sana man lang diba, suportahan niya ko?
"Jeremy! Saglit! Let me explain!"
"Ano ba, Eunice? Walang masama sa pagsali dun sa contest. Pupunta ako at walang makapipigil saken.Kahit ikaw."
Tumalikod na 'ko. Sinuot ko yung headphones ko at nagpatugtog ng malakas so that I won't hear her. Binilisan ko pa yung lakad ko. Wala na 'kong iba pang naririnig. Sakto nag-Red yung stoplight. That means pwede nang tumawid. Tumawid na 'ko sa pedestrian lane. Siguro naman, hindi na siya humahabol diba? Sana nga. Baka kasi pag humabol siya at pakiusapan pa 'ko, e, bumigay na 'ko. Hindi ko pa naman kayang tiisin yung babaeng yun. Mahal ko kasi, e.
*SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEECH*
Huh? Ano yun?Grabe namang lakas nun. Tinanggal ko yung headset ko. Tapos lumingon ako sa likod. Andaming tao.Ano yun? Nakisingit ako sa mga tao para lang magulat. I almost dropped my jaw. Tears started to escape from my eyes. Nilapitan ko siya.
"E-eunice?"
"J-j-eremy..W-wag k-ka nang tumuloy. P-please.." She managed to say those kahit hirap na hirap na siya. Oo, nasagasaan siya.Dahil saken, nasagasaan siya.
"Eunice, wag ka nang magsalita, ha? Tatawag tayo ng ambulansya."
"Ano pang tinitingin-tingin niyo jan? Tumawag kayo ng ambulansya, parang awa niyo na!" Mukha namang natauhan yung mga tao at may mga tumawag na sa ospital.
"J-jeremy.."
"Shhh.. Don't speak, beb. Kaya mo yan."
“B-beb.. I l-love you so much..."
"I love you, too, beb.." Tuloy-tuloy lang sa pagpatak yung luha ko.
She raised her right hand to reach for my face. She flashed a faint smile. And then..
"Euniiiiiiice!"