I sighed. It has been months. Months of living like a zombie. Hell of months since she left me. Anong buwan na ba? July. Five months na rin pala. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin matanggap. Sobrang sakit lang kasi talaga nung way kung pano kami pinaghiwalay. Yung mawala siya ng ganun-ganun nalang?Hindi naman siguro dapat ganun yun, diba? Hindi man lang ako nakapag-Sorry. Sana talaga ako na lang.
"Sana ako na lang!!"
Nandito ako ngayon sa Memorial park. Sa tabi niya. Sa loob ng limang buwan, halos araw-araw akong nandito. Hindi ko kayang mapalayo sa kanya. Tuwing umaalis ako dito, pakiramdam ko, mas lalo syang mawawala sa'ken. The heck. Ang gay ko. Everyday akong naiyak. Kalalaki kong tao, iyakin ako? Pero, ano nga bang pakialam ko sa tingin ng ibang tao? Hindi nila alam kung anong pinagdadaanan ko. Kaya wala silang pakialam sa'ken.Anobayan.Parang sumasabay ata ang panahon saken, a?Biglang buhos ng ulan.Pero wala akong pakialam.Hindi ako hahanap ng masisilungan.Magpapakabasa ako.Mabuti nga yon at ng mamatay nalang ako. Gusto ko na siya ulit makasama.
"Beb, I miss you. And I want to be with you. Now."
Tuloy lang ako sa pag-iyak habang tuloy lang din sa pagpatak yung ulan. 'Huh? Bakit parang hindi na 'ko nababasa?' Tumingin ako sa paligid ko. Naulan paren pero di ako nababasa. Tumingala ako. And there, I saw an old woman standing beside me, handing an umbrella.
"Gusto mo ba siyang mabuhay?"Kumunot yung noo ko. Anong pinagsasasabi nito?
"Ano pong sabi niyo?"
Ngumiti lang sya.
"I know how much you want to be with Eunice--"
"Teka, bakit kilala mo sya?"
"Nakasulat po kaya sa lapida! Susko, pwede bang patapusin mo muna akong bata ka?"
"Sabi ko nga po, e." Otnis tong si Manang. Drama tapos mambabara?Haaaay nakooo. =____=
"Back to what I was saying, I know how much you love her. Alam ko ring nami-miss mo na siya. Limang buwan na kitang sinusubaybayan kaya alam ko. Kaya kong ibalik sya sayo, kung gugustuhin mo. Bibigyan kita ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at itama ang lahat." May kinuha sya mula sa bulsa niya. Necklace?"Kunin mo 'to."
Once again, kumunot yung noo ko. Hoy, Author ng storyang ito. Bakit may Psycho dito? Anung kalokohan naman ang pinagsasasabi ni Manang? Bumalik sa Nakaraan? Itama ang lahat?Ano 'to, Wattpad?!Naman.Hindi magandang biro 'to, a.
"Uhm..Manang, ano po bang ibig niyong sabihin? Pinagti'tripan niyo ba 'ko? Hindi po kasi magandang biro, e."
"Hindi ako nagbibiro.Seryoso ako. Maibabalik mo ang buhay ni Eunice."
Napansin kong tumigil na talaga yung ulan. Pinatay na rin kasi ni Manang yung payong nya, e.
"Jeremy," Kilala niya ko? CREEPY."Magtiwala ka, kunin mo tong kwintas." Inilagay niya yung kwintas sa palad ko. "Umuwi ka na. Magpahinga ka ng maigi. Bago ka matulog, isuot mo ang kwintas. Ibabalik ka niyan, isang linggo bago mangyari ang araw ng painting competition. Pagkagising mo, siguraduhin mong itatama mo ang lahat ng mali. May oras lang ang bisa ng kwintas."
Tiningnan ko yung kwintas. Maganda yung kwintas. Para siyang pocketwatch na antique. "Naandar ang oras niyan, Jeremy. Gawin mo lahat ng dapat mong gawin. Paalala lang, wag mong ihihiwalay ang kwintas sayo. Babalik ka sa kasalukuyan at mawawala na si Eunice ng tuluyan sa alaala mo."
