"Jill, Lyka, Biel! Gumising na kayo at tanghali na!" Ang sigaw na iyon ni Tita Esther ang gumising sa magpipinsang Jill, Lyka, at Biel.
Tumayo si Lyka at nagmartsa papuntang banyo.Si Biel namn ay tinakpan ng unan ang tainga dahil nagsisimula na namang maglitanya ang nanay nito.
Si Jill naman ay bumaba na sa sala para tulungan ang tiyahin.
" Tita naman eh! 5:30 pa lang oh.. At isa pa bakasyon ngayon," reklamo ni Jill dito.
" Katwiran lng yan ng mga batang tamad. Aba eh! Dalaga na kayo at isa pa may pupuntahan ako ngayun," paliwanag nito.
" Saan po kayo pupunta Ma? " tanong ni Biel na noo'y pababa na ng hagdan, kasunod ang pinsang si Lyka." Nagpadala na po ba si Mama?" Tanong ni Lyka sa tiyahin.
-- Pareho kasing nasa ibang bansa ang mga magulang nina Lyka at Jill. Kapatid ng mga tatay nila si Esther kaya dito sila nakatira." Wala pa... Baka sa susunod na araw pa.. May seminar ako sa Cebu kaya maiiwan kayo rito," ani Tita Esther.
----
A/N: HAHAHA! Tatapusin ko to mamaya. May ggawin lng.Btw , story pala to nung 2nd year hyskul kmi ng mga friends ko. PROJECT to eh. Nkita ko sa cabinet. XDD ehh. 3rd year nako ngyun. Hahah!