ENJOY! ;))
****
" Nandito naman po si Manang Minda diba? " tanong ni Biel.
" May sakit ang asawa niya kaya kailangan niyang umuwi muna sa probinsya... Pero wag kayong mag alala, pinakiusapan ko naman ang Tita Milly niyo para bantayan kayo habang wala ako", paliwanag ni Tita Esther.
-- Ang Tita Milly na sinasabi nito ay ang bestfriend nito simula pa noong college. Ito rin ang nanay ng bestfriend nila na si Pia.
"Ibig sabihin Tita, dito matutulog sina Pia?" tanong ni Lyka.
" Oo, baka maya-maya lang ay darating na sila, kaya kumain na kayo", ani Tita Esther.
Umupo na sila sa hapag at nagsimula nang kumain nang biglang sumulpot sa kanilang harapan...
" GOOD MORNING!" Sabay na bati sa kanila nina Che at Kwine.
" O, Che , Kwine kain na tayo!" Aya ni Tita Esther sa mga ito.
"Okay lang ako Tita, tapos tapos na po akong kumain bago pa po ako inayang maglaro ni Che." Ani Kwine.
"Ang aga naman ata", puna ni Jill.
"Maaga kasi akong nagising", paliwanag ni Che.
"Halata naman eh!" Pamimilosopo ni Kate na kakapasok lang.
"O, andito ka rin?" Bulalas ni Kwine.
"Obvious ba?" Ani Kate.
"Naman kayong mga bata kayo o! Ang aga-aga kumpleto na kayo?" Ani Tita Esther.
Nagkatawanan ang magbabarkada habang inililigpit na ni Tita Esther ang mga pinagkainan nila...
Maya- maya pa ay dumating na sina Tita Milly at abg bestfriend nila.
----
A/E:
Awwtsss! XD yeaahah. Bukas na namn ahh. Pagod po ako ngayung araw eh.
(Chooss) para namang may nagbabasa nito. XDD :)
Yohhhoo! Yeaah. Ang ikli po ba? :) yaan nyo po. Baka sa SATURDAY. Tapos na to.
Godbless. :*