Dalaga Na Kami (5)

39 0 0
                                    

At sabay-sabay pa silang kumantang anim....

"Ang corny, ang corny, corny, corny, ang corny, ang corny, corny,corny. Ang corny mo today! ang corny mo today! So corny, so corny, corny, corny mo today!!"

Anang mga ito with matching dance steps pa!!

Pagkatapos ng production number nila ay nagtawanan ang mga ito maliban syempre kay Pia na nanghahaba ang nguso.

"Ha-ha-ha" anito.

Maya-maya lang ay may narinig silang parang galit na pag-ungol lng hayop...

"Che akala ko ba nakakain ka? Ba't kumukulo yang tiyan mo?" Tanong ni Kate kay Che.

"Anong ako? Hoy! Busog na busog ako no!" Depensa naman ni Che.

"Baka naman inistart lang ni Sir Isaac ang kotse niya." Konklusyon ni Kwine.

"Ang lakas naman nang ugong ng kotse niya", ani Lyka.

"Oo nga, at saka parang nasa likod lang natin nanggaling ang ugong", komento ni Biel.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at maya-maya pa ay sabay-sabay silang napatingin sa likod. Literal na nanlaki at napanganga ang bunganga ng magkakaibigan nang makita nila ang alagang Rotwiller at Bulldog ni Sir Isaac.

----

Hehhe. ^_^

Salamat sa pagbasa.

Dalaga na Kami (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon